Chapter 48

26 1 1
                                    

           Nakaharap si Seki sa salamin ng changing room ng boutique kung saan sila namimili, ipinatong nya ang swimsuit na naka hanger sa kanyang katawan bago pinalitan ito ng swimsuit na hawak ng kaliwang kamay. Ilang beses nya ginawa ito para masigurado na maganda ang pipiliin nya. Ang kaibigan nya na sina Olivia at Alisson ay nakapili na ng swimwear nila at binayaran na rin. Nakaupo ang dalawa kasama sina Mitsui at Koshino nagkwentuhan ang apat. Ilan minuto pa ang lumipas nakapag desisyon na ang dalaga. Nag usap sila girls kung ano mga kulay at estilo ng swimwear na na aangkop sa kanila.


            Paglabas ni Seki ng changing room hinanap nya ang personnel na nag assist sa kanya at binigay nya ang hindi nya pinili "May kailangan pa po ba kayo Ma'am" tanong sa kanya. Sinabi nya ang kung may stock pa ng napili nya at ang size na akma para sa kanya iyon ang kukunin nya, nag nod ang personnel at sinamahan sya na makapunta sa cashier habang kinukuha nito ang nais nyang bilhin. Saglit lamang ay bumalik na rin ang babae, binayaran na nya ang binili.


 "Thank you po Ma'am... come back again po" masayang bati ng cashier at ng personnel na nag assist sa kanya
"Thank you rin po" nakangiting tugon ni Seki


            Pagtingin ng dalaga sa mga kaibigan, wala na ito sa kanilang mga inupuan kanina, may napansin sya sa tagiliran ng mata kaya ibinaling nya ang tingin doon, nandon ang apat sa labas ng boutique. Nagmadali sya lapitan ang mga kaibigan "Pasensya na kanina pa ba kayo dito?" umiling ang boys "Nung nakita ka namin nag babayad... lumabas na kami" paliwanag ni Alisson. "May pupuntahan pa ba kayo girls?" tanong ni Mitsui, sabay na ngumiti ang girls bilang tugon


"Yes... balak namin mag snack after mamili" tugon ni Seki
"Of course, kasama kayo boys, treat na namin" agad na dinuktungan ni Olivia ang sinabi ng kaibigan


"Huwag na kayo tumanggi, please... alam namin iiral na naman yang mga ego ninyo as a man pagdating sa libre" inunahan ni Alisson ang boys bago pa sila maka kontra


 (Tumawa sina Mitsui at Koshino sa in synch na pagsasalita ng magkaibigan)


 "Okay... walang problema... salamat sa treat" wika ni Koshino
"Basta huwag lang milk tea... nauumay na ako" paki usap ni Mitsui

"How about coffee and pasta? Ayos ba sa inyo, Mitsui and Koshino" tanong ni Alisson


         Nag nod naman ang boys bilang tugon "Alam ko yung masarap na cafe dito sa mall, ako mag lead" pag prisinta ni Seki, nauna sila naglakad ni Alisson, nagpahuli si Olivia para mabulungan ang dalawa "Psst... si Alisson nakaisip na ilibre kayo boys..." pabulong nito wika "Talaga ba?" halata ang hopefulness sa boses nina Mitsui at Koshino "Oo naman..." nang nakita ng dalaga ang pagpula ng pisngi ng dalawa ay napa hagikgik sya "Yiieeee.... Kilig yarn??" kantsaw nya. Magsasalita ang boys ng marinig nila ang sigaw ni Seki "Beb... tara dito, iwan mo muna ang knights ni Lenlen para sa privacy nila". Natawa si Seki at Olivia ng makatanggap si Seki ng hampas sa braso mula kay Alisson.


           Sina Mitsui at Koshino na kasunod ng girls paglalakad ay napailing sa antics ng magkakaibigan napatunayan nila mang aasar rin si Seki "Kaya bagay sila ni Kiyota" realization ng dalawa.


            Pagdating naman nila sa cafe na tinutukoy ni Seki, ay pinaupo ng girls ang boys ngunit ayaw nila pumayag, may pag irap ang girls sa antics ng dalawa "Kayo na lang umupo, kami na oorder" sabay na wika nina Mitsui at Koshino. Agad hinatak ni Seki si Olivia para makaupo "Kami na ni Beb, para hindi mawala pwesto natin". Satisfied naman si Alisson "Ako na oorder" nag salita naman si Mitsui "Samahan ka na namin Alisson, para hindi ka mahirapan" sinundan naman ni Koshino "Since, taga bitbit naman ang role namin kanina" tinuro nya ang paper bags na pinamili ng girls na hawak nila kanina. "Hello, sila kaya nag inisist para ma redeem ang pagkatao nila bilang gentlemen..." mutter ni Olivia na kinurot ni Seki sa tagiliran, pasalamat ang dalaga at hindi narinig ang kaibigan sa side comment nito dahil ang tatlo ay nagtungo na sa cashier.


           Habang kumakain katulad ng nakaugalian ay nagkuwentuhan ang girls, of course para hindi makaramdam ng pagka out of place sina Mitsui at Koshino sinali nila ito sa usapan. May baon na kwento ang boys na kinatawa ng mga kasama nila, paano ba naman hindi sila tatawa sinasalaysay ng dalawa ang mga kalokohan nila magkakaibigan sa loob o labas man ng trabaho, nag open up din sila na palagi kung paano pinapagalitan ni Tomoko si Kiyota at ang ginagawang pagtakas ng kaibigan nila tuwing nangyayari ito


 "Maabilidad talaga yon si Kiyota, alam nyo yon para lang makaiwas sa sermon, dumaan sa bintana... si Uncle tatawa lang pero si Auntie muntik na atakihin sa nerbyos" comment ni Koshino bago uminom ng iced coffee

 "Anong maabilidad, sabihin mo minsan hindi talaga nag iisip, 15th floor yung opisina nya take note" pag snort ni Mitsui

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon