"Miss Seki. Isang case pa please" narinig ni Seki sigaw ng isang customer nila. alas-dyes imedya na at madami dami na sila customer. Suki na nila ang mga ito at madalas pumupunta kapag may celebration sa mga katrabaho "Okay po Sir". Pumunta agad si Seki kay Jin, doon kasi sa bar corner nakalagay ang mga bote ng beer. Isa-isa inilagay ni Seki ang mga beer, at naghanda na din sya ng mga ice cubes. Naka lagay sa kanyang kaliwang braso ang handle ng stainless na nilalagyan ng mga yelo. Hindi alam ng dalaga kung itutulak or bubuhatin ba nya ang case ng beer "Try ko kaya buhatin". Hindi nya maabala si Jin dahil abala ito pag gawa ng mga orders.
.
.
."Ako na gagawa para sayo" naulinigan ni Seki. Bubuhatin na nya ito nang may nakita s'ya na dalawang kamay nauna nakahawak sa case. Si Kiyota pala ito.
"Mabigat ito. Hindi ka dapat nagbubuhat, baka mabalian ka" dagdag pa ni Kiyota
"Hindi ko kasi maabala si Kuya Jin" paliwanag ni Seki
"Pwede mo naman ako tawagin. Nandito naman ako at palagi kita tutulungan" ngumiti pa ang binata at agad binuhat ang caseHindi maiwasan ni Seki ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso "Ano ito nararamdaman ko...." tanong n'ya sa isip. Napansin naman ni Kiyota na hindi umiimik ang dalaga kaya nagsalita na s'ya "Saan ba ito dadalhin?". Bumalik na si Seki sa kasalukuyan "Doon sana. Thank you sa pagtulong". Nag nod lang si Kiyota at sabay na ang dalaga pagpunta sa table ng customer. Hindi maiwasan asarin ng mga customers si Seki kay Kiyota dahil nakikita nila na tinutulungan ng binata ang favorite nila na waitress.
Nakikita din ng lahat na hindi hinahayaan ng binata na magbuhat ng mabibigat si Seki at to the rescue agad ito. Kilig na kilig naman si Airi. Nasa bar corner si Jin kasama si Chef Isao pinagmamasdan ang new love birds. Sina Airi at Daichi ay nasa kanilang office at pinapanuod sa cctv ang moments ng dalawa "Darling.... Kilig ako" pag amin ni Airi. Natawa naman si Daichi at pinagpatuloy na ng dalawa ang pagmonitor kina Kiyota at Seki.
Pinapatapos na lang nila sa pag-inom ang dalawang table, close na kasi sila. Pumasok si Seki sa kitchen para dalhin ang mga baso. Naiwan naman si Kiyota kaya tumabi sya kina Jin at Chef Isao.
"Ano, may improvement ba?" tanong ni Jin.
"Hindi ko masabi. Sana mayroon naman. Pero hindi ako susuko" pag-amin ni Kiyota
Nakisali naman sa usapan si Chef Isao "May improvement maniwala ka sa akin Anak. It takes time. Suyuin mo pa lalo si Seki hwag ka titigil. Kung mahal mo hindi ka mapapagod".Nag nod naman si Kiyota "Salamat po Chef". Nakita ng tatlo na lumabas si Seki mula kusina at pumunta na ng backroom. Maya maya bumalik ito na naka sukbit na ang bag. Kasabay nito Dumating na sina Airi at Daichi. Nagpalit na ng damit sina Jin at Kiyota
"Thank you boys. Hindi ko akalain na papasa kayo bilang bartender at server" pasasalamat at compliment ni Airi
"Alam na natin kung sino tatawagin kapag naka leave sina Hideo at Mai. Salamat din sa tulong ninyo hindi kami nahirapan ngayon gabi" comment ni Daichi. Nagulat na lang sina Jin at Kiyota ng abutan sila ng sobra ni Airi"Alam namin na maliit na halaga lang ito kumpara sa kinikita ninyo. Pero nakakahiya naman kung hindi kami magbabayad kahit nag volunteer kayo" paliwanag ni Daichi. Wala sa usapan nila na babayaran ang service nila ngayon gabi. Kusa loob na nag mag asawa ito dahil naging sa regalo na din nila kay Hideo at Mai. Hindi naman tinaggap ng dalawa ito "Ms. Airi, Sir Daichi okay lang po. Masaya po kami makatulong at hindi makakalimutan experience na ito para sa amin" paliwanag ni Jin. Sumang-ayon naman si Kiyota "Opo. Tawagan nyo lang kami willing kami tumulong sa inyo". Tahimik lang nakikinig si Seki "Ang laki na talaga ng pinagbago mo Kiyota.." bulong n'ya sa isip.
Nagpasalamat naman muli sina Daichi at Airi sa dalawa at sinabihan sila pati si Seki na mag-ingat pag-uwi "Paki sabi kay Oli, get well soon" chorus ng mag-asawa. Nag nod naman si Seki. Itinext nya ang kaibigan kung kamusta ito pero hindi nagreply. Inisip ng dalaga na natutulog na ito. Sabay sabay lumabas sa backdoor ang tatlo. Nakatira sina Airi at Daichi sa pangalawang palapag ng bar. Bahay ito noong una na kinonvert nila ang ibaba sa bar. Naglalakad na sina Seki, Kiyota at Jin ng may patak ng ulan at lumalakas na ito. Malayo na sila sa bar.
