Chapter 15

35 2 8
                                    

          Pinaupo agad ni Seki si Tomoko sa sofa. Ngumiti naman ang lola ni Kiyota. Magkatabi sina Kiyota at Seki, katapat naman nila si Tomoko. Si Jin ay nakaupo sa upuan sa may hapag kainan. Hindi naman mapakali sa katahimikan si Olivia kaya nagpunta ito ng kusina. Kinakabahan naman sina Seki at lalo na si Kiyota dahil masungit ang kanyang lola sa ibang tao at nakakatakot din magalit kapag hindi sinunod ang gusto nito. 5 minutes na wala pa din nagsasalita. "Excuse me lang po Ma'am. Baka po gusto nyo ng tea" narinig ng lahat ng nagsalita si Olivia. Nilagay nito sa center table ang tea set at may pastries din. 

          Sumenyas naman si Seki kay Olivia "Thank you" pag mouth nya, nag nod naman ang latter at bumalik sa pwesto nya sa kusina, katabi nya si Jin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

          Sumenyas naman si Seki kay Olivia "Thank you" pag mouth nya, nag nod naman ang latter at bumalik sa pwesto nya sa kusina, katabi nya si Jin. Unang tingin pa lang ni Olivia sa lola ni Kiyota alam nya na mayaman ito, oo nga nangungupahan lang sila ni Seki pero hindi nya gusto na maliitin sila lalo na ang kanyang kaibigan, ayaw din nya mapahiya si Seki sa bisita nito. Pinagmasdan muna ni Tomoko ang tea na ibinigay sa kanya ng kaibigan ng kanyang soon to be grand daughter in law, tinitigan din nya ang teapot and cups, masasabi nya na high quality ito. Binigyan naman ng chance ni Tomoko ang tea at ininom.

          Hindi naman humihinga si Kiyota, kilala nya ang kanyang mamita kapag hindi nagustuhan nito ang isang bagay or pagkain man "Goodbye earth" na para sa kawawang nilalang, naawa sya kay Olivia baka umiyak ito dahil makakatikim sya ng masasakit na salita. Ilang segundo ay ibinaba na ni Tomoko ang baso "Hindi pala ako nakapag pasalamat. Thank you, by the way I like the tea you made" sabi nya habang nakatingin kay Olivia. Nag smile naman ang dalaga, ngumiti din si Seki dahil nagustuhan ng kanyang mamita ang tea. Nagkatinginan naman sina Jin at Kiyota pareho nakahinga ng maluwag "Wosh.. Buti na lang nagustuhan ni Mamita" telepathy ng dalawa.

          Niyaya din ni Tomoko na mag tea sila Kiyota at Seki. Hindi na nakatiis si Seki kaya nagsalita na sya "Mamita, kumusta po kayo? Ano po pala dahilan at nagawi kayo dito". Nag smile naman si Tomoko, ineexpect nya na si Seki ang unang magtatanong sa kanya "Gusto lang kita kamustahin. Alam ko usapan natin na hindi kita pupuntahan sa bahay na tinutuluyan mo but I can't help it. I miss you Seki-chan. Besides, it has come to my attention na hindi umuwi kagabi si Kiyota at may kasalanan pa yang magaling kong apo". Pinagpawisan naman ng malamig si Kiyota "Hehe. Mamita.. I can explain". Tumingin naman si Seki kay Kiyota at kinurot ang tagiliran "Ano na naman ang ginawa mo?".

"Baby... Hehe. Hwag ka na magalit.." pag papaawa ni Kiyota
"Anong baby ka dyan. Umbagan kita. Sagutin mo na tanong ni Mamita" sagot naman ni Seki habang pinag cross ang dalawang braso

"Uy may LQ sila" asar nina Jin at Olivia mula sa upuan nila

          Umirap naman si Seki at nag make face ito, si Kiyota ay kinikilig pa. Natatawa lang si Tomoko, ito yung namimiss nya na kulitan noong nawala si Seki sa bahay nila. Tinitignan pa din ni Seki ng masama ang binata kaya nagsalita na ito "Mamita, malakas kasi ulan kagabi kaya hindi kami nakauwi ni Jin, ano po gusto ko bumawi kay Seki gusto ko maging kami ulit Mamita kaya po lahat ginagawa ko" pag amin ni Kiyota. Kukuha na sana si Kiyota ng pastries ng hampasin ang kamay nya ng pamaypay ni Tomoko "Aray. Mamita bakit?". Nainis naman si Tomoko sa inaasal ng apo "I'm happy that you finally realize that at gusto mo magka balikan kayo ni Seki pero that's not what I am mad about...".

"Eh ano Mamita?"
"Documentary... Interview... Deadline... should I say more??" paliwanag ni Tomoko

          Nanlaki naman ang mata ni Kiyota "Mamita! I'm so sorry, hindi kasi ako makahanap ng pinapahanap nila Papa eh.. Wala na non dito. Hwag na natin ituloy Mamita. Mapapagod lang tayo Hahaha". Hindi na natiis ni Tomoko ang urge nya at walang sabi sabi ay tumayo ito at nilapitan ang apo at pinaghahampas ng pamaypay "Jusko, ano ka ba naman bata ka! Ikaw magmamana ng business natin, hindi dapat sayo nanggaling mga ganyang salita. Ito ang gusto ng client natin kaya dapat gawin. Kung kinakailangan baliktarin mo ang mundong ibabaw, pumunta ka sa impyerno gawin mo!". Nakaramdaman naman ng takot sina Seki dahil sa aura na mayroon ngayon ang mamita ni Kiyota. Naawa na din sya sa binata kaya pinakalma nya si Tomoko"Mamita, tama na po. Ano po ba ang kailangan gawin ni Kiyota?".

          Linubayan na ni Tomoko ang kanyang apo, nagpasalamat naman si Kiyota sa dalaga "Aww... Love mo pa din ako baby ayaw mo nasasaktan ako. Tama din ba narinig ko, gusto mo malaman para tutulungan mo ako?" kilig na kilig na sabi ng binata. "Wish mo lang" sagot ni Seki, pinipigilan nya matawa dahil para ito bata na hindi binigyan ng kendi "Mamaya ka na mag drama, makinig ka kay Mamita. Ano po ba ang kailangan ng client ninyo Mamita?". Ipinaliwanag naman ni Tomoko "We need to have a documentary about traditions, be food, clothing and so on. Gusto ipakilala ng client namin ang culture and tradition at pati na din ang local business na mayroon sa atin. Isa kasi supporter ng local goods ang clients". Narinig naman ni Jin at Olivia ang ipinaliwanag ni Tomoko.

"Seki, hindi ba gumagawa si Lola Risa ng mga rice cakes? Pati madami handmade products sa bayan ninyo" pagsali ni Olivia sa usapan
"Naalala ko nga yan. Family Business nyo yan di' ba Seki. Tamang tama para sa documentary" pagsang ayon ni Jin

          Nabuhayan naman ng loob si Kiyota at niyakap si Seki "Baby, ikaw talaga ang life saver ko. Hihi". Hindi naman agad naka react ang dalaga sapagkat ang bilis ng pangyayari "Bitawan mo ako. Pasimple ka pa". Napakamot ulo naman ni Kiyota "Hehe". Nagtawanan naman sina Jin at Olivia, kahit si Tomoko nakisali din, "Apo, hindi ka pa lusot dahil hindi pa sinasabi ni Seki kung tutulungan ka nya...". Tumingin naman ang lahat kay Seki inaantay nila ang isasagot ng dalaga. Inisip naman ni Seki mabuti ang sitwasyon.

          "Tutulungan ko po kayo Mamita. Pero malayo po ang probinsya namin dito at sa tingin
ko, kulang ang isang buwan para sa project ninyo". Nag nod naman si Tomoko "Thank you Seki-chan, about that, may 1 year and 6 months pa naman si Kiyota bago ang submission dahil nga documentary gusto ng client well made and polished lahat, may subtitles din. Isa lang ito sa gusto nila, may isa pa project pero next time na idiscuss". Naintindihan naman ni Seki ito, mahirap talaga kapag nasa advertising industry dahil sa digital aspects tulad ng editing na pinakamahirap gawin sa lahat. Bumalik na sa pagkaka upo ang tatlo. Niyaya naman ni Tomoko ang dalawa na nasa kusina na saluhan sila sa tea, mainit pa din kasi ito.

          Lumapit naman sina Jin at Olivia, tinanong ni Tomoko kung kaano ano ni Seki si Olivia, "Mamita, kaibigan ko po si Oli. Sya po tumulong sa akin ng nalaman ko ang katotohanan. Hehe" alanganin sagot ni Seki. Nag nod naman si Tomoko alam nya ang sinasabi ng dalaga kagagawan ng magaling nyang apo. Tinanong naman niya si Jin kung bakit din ito nandito "Ano, Mamita tinutulungan ko po si Kiyota sa mission nya." pag amin ng binata. "Akala ko, may binabantayan ka iba" maikling tugon ni Tomoko, nakatingin ito sa kaibigan ni Seki na busy sa pagkain ng pastries. Dahil mahina lamang ang boses nya hindi ito narinig ng dalaga, napahawak naman sa batok si Jin. Pinipigilan naman nina Seki at Kiyota na matawa.

"Ano yun?" tanong ni Olivia
"Wala..." mabilis na sagot ng tatlo

          Nag nod naman ang dalaga at ipinagpatuloy ang pag inom ng tea. May naalala naman si Tomoko na gusto nya malaman "Ikaw si Olivia tama ba?". Tumango ulit ang dalaga "Ako nga po Ma'am" nag bow sya kahit nakaupo. "I have a question for you...." tahimik lang ang lahat at inaantay ang itatanong ni Tomoko.

"How much did you buy for this tea set? Its looks high quality and expensive and I saw that scarf sa handle ng sling bag na gamit mo ngayon"
"Ano po... 8365 Yen po para sa tea set, original price po nya 11,229 Yen. Yung twilly po, mura lang po 224 Yen lang, Ma'am"

          Naalala naman nila, Kiyota, Seki at Jin na mahilig sa branded ang kanilang Mamita at hindi mo mapapabili ng murang gamit. Iniisip na ng tatlo ang worst case scenario at sabay sabay kumakabog ang dibdib. Nag tanong muli si Tomoko " Hmm.. Saan mo binili? I saw the bottom of the cups and pots its original pero mas mababa ang price ng nabili mo, Why is that? I would say, I like your taste with tablewares". Nagkatinginan naman si Seki at Kiyota ito na ang pinaka close sa compliment na narinig nila kay Tomoko. "Thank you po Ma'am" pasasalamat ni Olivia.

"Saan mo daw binili ang tea set Oli" tanong ni Seki
"Syempre online shopping... SHOPEE. Hehe" paliwanag naman ni Olivia

          Nag sweat drop naman ang apat maliban kay Tomoko dahil hindi nya alam kung ano ang sinasabi ng dalaga. Ipinaliwanag naman ni Kiyota at Jin kung ano ang shopee sa kanilang mamita. Napukaw naman ang interest ni Tomoko "Ooh, I should try that. Marami ba good finds? Mas mura pala don. Doon din ba yung scarf, you called it twilly right?". Nag nod naman si Olivia at sinabi na kung gusto ni Tomoko ay tuturuan nya ito sa shopee app. Napailing naman si Seki "Wala na may bago na recruit si Oli" chorus nilang tatlo, naalala nila na kuripot nga pala ang kanilang mamita. Pinag mamasdan nila ang dalawa na magkatabi, pinahiram ni Oli ang kanyang phone kay Tomoko "Ito po yung shopee app. May shopee mall din po dyan Ma'am, pati po pala may mga free shipping vouchers... Kapag order po kayo read nyo reviews....".

"Hayss" chorus muli ng tatlo

          Halos 2 hours din nagtagal si Tomoko, may bumusina sa labas "Nandito na ang driver ko, thank you dearies I enjoyed my stay here. I should get going". "Seki-chan thank you. Mag iingat ka palagi. Kayo din Jin at Olivia". Nag nod naman ang dalawa. "Mamita, kinalimutan nyo ako" singit ni Kiyota. Tinaasan ng kilay ni Tomoko ang apo "Mag bait ka" tipid na wika nito.

"HAHAHAHA" tawanan nina Seki, Jin at Olivia
"By the way, Seki pumunta ka next week sa opisina. We should discuss some things. Say my regards to Risa-chan, 'kay?"
"Opo Mamita. Mag ingat din po kayo" sagot ni Seki

"Boys, pwede kayo hindi pumasok today and tomorrow, pagbibigyan ko kayo just for 2 days"

          Nag tatalon naman si Kiyota, nag smile lang si Jin. Pinapasok ni Olivia ang driver sa loob, inaabot nito ang 2 paper bags "Mga damit nyo yan" paliwanag ni Tomoko. Tinanggap naman ito ng dalawa. Niyakap ni Tomoko si Seki at kiniss sa cheeks bago umalis. Nagpasya ang boys na maligo na. Naiwan sa sala ang girls "Beb, kinakabahan ako. Ano kaya sasabihin sa akin ni Mamita? pag amin ni Seki. Nag roll naman ng eyes si Olivia "Kailan nyo daw sya bibigyan ng 1 basketball team na apo". "OLI!" sigaw naman ni Seki. Pinakalma naman ni Olivia ang kaibigan "Chill ka lang kasi Beb. Hwag nega. Baka naman simpleng kwentuhan lang, may mga bagay kasi na baka mas mabuti na kayo lang dalawa ang makaalam". Nag nod naman si Seki "Thanks Beb".

          Ngumiti lang si Olivia at niligpit na ang mga tea cups "Nga pala Seki, wala tayo food for lunch. Mamalengke kayo ni Kiyota mo, bonding nyo na. Yiiie". Pumayag naman si Seki dahil wala din naman mangyayari kung kokontra sya sa sinabi ng kaibigan "Pagbabayarin ko na lang si Kiyota ng pinamili. Joke lang. Ang bad mo talaga Seki" bulong nya sa kanyang isip.



Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon