Hindi magkandatuto sina Seki at Mai dahil pagkatapos nila mag serve ng isang table may darating na naman na bagong customer or kaya naman may panibagong order na darating sa kanila. Pinunasan ni Seki ang kanyang noo gamit ang sleeves ng kanyang uniform "Wosh, ano ba mayroon at ang hectic natin ngayon?" pag voiceout ng dalaga. "Release daw ng midyear bonus ng ilang company employees na nandito" pagkuwento ni Mai. Abala ang dalawa na magligpit ng table ng kakaalis lang nilang client. "Huh, ang galing mo naman Ate Mai nalaman mo agad iyan. Kaya naman pala" comment ni Seki nang malaman ang dahilan kung bakit maraming tao ngayon sa bar. Usually konti lang ang tao kapag Tuesdays and Thursdays pero ngayon Thursday pa lamang ay jam packed sila. Hinawi naman ni Mai ang imaginary smoke na nasa kanyang harapan bilang tugon "Hindi ko deserve ang praise mo Seki-chan, na knows ko lang din dahil kay Oli. Apparently naka chika na nya yung mga clients. Ang PR talaga nun. Haha".
Napahawak naman si Seki sa kanyang bewang dahil sa bagong discovery "Shrue. Ang dami na nga nun ka close na clients kakaloka", hinipan ng dalaga ang kanyang bangs pagkatapos magsalita. "Speak of the devil and it shall appear" chorus ng dalawa nang makita papalapit sa kanila si Olivia habang nag skip sa paglalakad, kumaway pa ang dalaga sa kabilang table.
"Hey girls!" bati ni Olivia
"Wow wala ako ma say, may fanclub ka na" asar ni Mai
"Me too. May pa kaway kaway ka pa, ano yan nasa beaucon lang?" inasar din ni Seki ang kaibigan
"Oi, tumigil na kayo sa mga hanash nyo. Hindi lang kayo ang pagod. Anywho, need maging friendly sa kanila ano ba kayo" tumaas ang kilay ni Olivia dahil ang init ng ulo ng dalawaHuminga naman ng malalim sina Seki at Mai at humingi ng pasensya sa katrabaho "Sorry, pagod lang". Nag thumbs up naman si Olivia, "Bakit ka nga pala nagawi dito sa area namin?" tanong ni Mai. Hinawakan naman ni Olivia ang kanyang pisngi "Ay oo nga pala, may 1 hour pa tayo bago mag close, alam ko pagod na kayo, sasabihin ko lang na you can do it girls. Huwag kayo panghinaan ng loob. Ipagtimpla ko kayo mamaya ng tea para marefresh naman kayo. Bye!". Nag skip na ang dalaga papalayo at papunta kay Hideo. Nag share naman ng smile sina Mai at Seki. "Thank you Oli" bulong ni Seki blessing din nya ituring kung paano sila una nagkakilala at maging magkaibigan ni Olivia. Tinulungan sya nito makarecover pagkatapos nya ma heart broken kay Kiyota. Nagkaroon naman ng determination si Seki na sipagan pa ang pagtatrabaho, nagpunta sya sa 3rd table sa left para asikasuhin ang mga customers.
.
.
.
.Masaya si Seki dahil ang dami nagbigay ng tip sa kanila lalo na ang live band. Sarado na ang bar at tapos na din sila magligpit. Tulong tulong sila nina Mai, Hideo, Daichi at ang mga bouncers para lagyan ng cover ang bawat tables. Umupo ang apat pagkatapos nila maglinis. Lumabas si Chef Isao mula sa kitchen "Dating gawi, kain muna bago tayo umuwi". Inilapag nito ang pagkain na hinanda nya. Nagpasalamat naman ang lahat "Thank you Chef". Nagsasalu-salo na sila, lumipat sila ng pwesto sa bar corner sila nagpunta. "Salamat sa Diyos, natapos din ang araw na ito" sabi ni Hideo. "Salamat din at malapit lang mga bahay natin mula sa bar" dagdag ni Isao sa sinabi ng binata. Dumating din si Airi at naki join sa kanila
"Darling kumain ka din" pag anyaya ni Daichi at pinaupo sa katabi ang asawa
"Baka ako mag gain ng weight" sabi ni Airi conscious sya sa kanyang figure
"Ma'am Airi ang sexy nyo kaya" chorus ni Mai at Seki
"Tama sila Darling, at kahit tumaba ka mahal pa din kita" wika ni Daichi
"ANG SWEET NEMEN" chorus na naman sina Mai at Seki
"TAMESH" hindi naman nagpahuli sina Hideo at Isao
Kinilig naman si Airi "Aww, ang sweet mo nga darling, pero totoo ba yan baka mangbabae ka lang". Tumaas naman ang kilay ni Daichi, "Ma'dam si Boss mangbababae that's impasibol!" comment ni Hideo. "Kaya nga Ma'dam. Bihira na lang kami ni Sir Daichi na loyal" dagdag ni Isao. "Oi kasama ako dyan, di'ba Ney?" singit ni Hideo. Nagtawanan naman ang lahat, "Tama sila Darling hindi ako tumutingin sa iba. Tigilan mo na nga panonood ng mga about sa mga mistress na teleserye kinocorrupt ang brain mo. Kumain ka na. Gusto mo subuan pa kita" sabi ni Daichi. "YIIIIEEEEE" tili ng apat. Lalo naman kinilig si Airi at nagsimula na din sya kumain.
"Wow may pa foods" sabi ni Olivia na kadarating lang
"Saan ka galing, Oli. Hindi ko napansin na kulang kami. Ang liit mo kasi Haha" asar ni Hideo
"Busy ka kasi Kuya Hideo kaka lamon" asar ni Seki
"Hey!"
"Hahahaha"Nagtawanan na naman ang mga kumakain kahit si Olivia na kadarating lang ay nakisali din "Oli oo nga bakit ngayon ka lang?" tanong ni Airi. "Bakit ngayon ka lang... Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y... Mayro'n nang laman?" kinanta pa ni Isao ang phrase na sinabi ni Airi. "Chef akala ko loyal kayo?" tanong ni Seki. Tumawa naman si Isao "Loyal ako oo, isa sa kinakanta ko sa videoke yan. Haha". "Akala ko ikaw ay akin... Totoo sa aking paningin" si Hideo naman ang kumanta. "Kakanta ka pa nyan?" galit na tanong ni Mai, napa aray kasi ang binata dahil kinurot sya sa tagiliran ng girlfriend "Hindi na po Ney. I love you". Nag giggle naman si Seki sa kalokohan ng mag jowa.
"Hays na etsepwera na naman ako. Kaya ngayon lang me dahil nagtimpla ako ng tsaa" comment ni Olivia
"Hehehehe. Sorry na Oli" sabi ng lahat, nag peace sign si Mai at Seki, napakamot ulo naman si Hideo"Soya lang sanay na me" sabi ni Olivia at sinerve ang tea na ginawa nya
"I know pagod tayo lahat para marelax tayo somehow" dagdag na wika ng dalaga. Nag thank you naman ang lahat. "Ang sarap naman, baon mo ba ito?" tanong ni Seki. Umiling si Olivia "Binigay nung isa natin customer kanina, siguro mid 20's na babae ang bait nga nya eh. Naka seal pa at take note original yung tsaa. Haha". "Patingin nga ng box?" tanong ni Airi, binigay naman ng dalaga ang box na pinaglalagyan ng teabags "Oo nga original yung tsaa. Ano name nung babae alam mo ba Oli?" dagdag ng owner ng bar. "Opo sabi nya s'ya daw si Ms. Fumiko Sato" paliwanag ng dalaga. Nagkatinginan naman ang mag asawa.
"Nakabalik na pala ng Japan si Fumi-chan" comment ni Daichi
"Kilala nyo sila Ma'dam?" tanong nila lahat
Nag smile naman ang mag asawa "Oo, we know Fumiko. Client namin sya, nako mabait talaga ang babae na 'yon" pag kwento ni Airi. "Ang alam ko, kilala ni Fumi-chan si Kiyota-kun" pag amin ni Daichi. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Seki hindi nya mawari kung bakit "Ano relasyon nilang dalawa?" tanong nya sa isip. Nagsalita naman si Hideo "Mahilig pala sa mas matanda si Kiyota". Hinampas naman ni Mai ng plastic bottle ang ulo ng boyfriend "Hideo! Ano ba yang iniisip mo". Nag gulp naman ang binata alam nya na galit ang girlfriend nya dahil wala ang "Ney" endearment noong tinawag sya at buong pangalan nya, "Sorry na" paghingi ng paumanhin ni Hideo. Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ni Seki. "Baka naman cousin or kaya naman business partners" comment ni Isao. "Baka nga" sabi ni Daichi, hindi naman sa kanila naikwento ni Fumiko kung paano nito nakilala ang binata.Pinagpatuloy ni Seki ang pag inom ng tsaa "Baka nga" bulong din nya sa sarili.
.....
After 30 minutes ay umalis na sina Olivia at Seki ng bar para umuwi sa kanilang bahay. "Seki mag jacket ka malamig ngayon" sabi ni Olivia. "Wala ako jacket na dala" pag amin ng dalaga.
"Akala ko gusto mo lang na si Kiyota-kun ang yumakap sayo Hahaha"
"Oli, ano ba napaka ano mo"Tumawa lang si Olivia at kinuha ang isang balabal sa bag at ibinigay sa kaibigan "I cover mo muna sa katawan mo baka magkasakit ka pa". Nag smile naman si Seki "Aww. Thanks Oli". Nag nod lang ang dalaga malapit na sila sa bahay, "Ay Seki daan tayo dito sa convenience store papaload lang ako at may bibilhin din" request ni Olivia. Nag nod naman si Seki at pumasok na silang dalawa sa loob. Nakita ni Seki na panay tingin ng kaibigan sa phone nito "Hoy ano yan?". Umiling naman si Olivia "Nag uunli ako Beb baka kainin agad yung load ko" pagdadahilan ng dalaga. Pagkabayad ng mga pinamili ay umalis na din ang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad.
