Humahangos na bumaba ng hagdan si Seki, pagkagising nya ay nakaramdam sya ng uhaw. Ubos na ang tubig sa pitsel na dinala sa kanya ng kasintahan kaya nagpasya na siyang pumunta sa kusina. Nasa unang baitang pa lang siya ng hagdan ay klaro nyang narinig ang usapan sa kusina
"Sure ka talaga, papasok ka?..."
"Oo... kailangan, at isa pa hindi ako uusad sa buhay kung magtatago lang ako"
"But still, why don't I accompany you.."
"Oi... hwag mo ako tingnan ng ganyan... I'm serious kaya..."
"Hwag ka mag alala, mag iingat ako... Mas kailangan ka dito Alisson,
Ayaw din kita maabala, guilty pa rin ako sa pagkakasakit ni Seki..."
Kahit na ganito lang ang naabutan na usapan ay naunawaan agad ni Seki ang nangyayari. Pagkababa nya sa pinaka dulong baitang ay sinuri agad nya ang itsura ng mga kaibigan na nag uusap sa may hapag kainan. Gaya nga ng inaasahan naka uniporme na ang kaibigan nya indikasyon na papasok na ito. Long sleeves na puting polo na nirolyo ang mga mangas hanggang siko, naka tuck-in sa naghahalong kulay abo at putik na a-line checkered skirt, na ang haba ay 4 inches ang haba bago dumating ng tuhod. Kahit na hindi below the knee ay hindi naman bastusin ang suot nito, sa kaliwang gilid ay may 8 na pleated style na 0.5cm ang lapad. Para umakma sa propesyon ay suot din nito ang light gray na stockings na pinares sa 0.5 inch black kitten heels.
"Sino may sabi na papasok ka Oli?
Delikado pa... emmm... at nandito pa rin ang pinsan mo... sabi ni..
ugggh...."
Napahawak si Seki sa dulo ng lamesa nang tumindi ang sakit ng likuran sa pag ubo nya kanina. Dali dali lumapit si Olivia, maingat na inantras ang isang upuan at inalalayan na makaupo ang kaibigan. Puno ng pag aalala ang mata ng dalaga na panay ang pag hagod sa likuran ni Seki. Si Alisson naman ay katatapos lang makapag salin ng tubig sa baso, lumapit sa kababata "Uminom ka muna oh..." untag nya. Dahan dahan naman ang ginawang pag inom ni Seki ng tubig.
"Ayos lang ako..."
Diskumpyado naman ang dalawa sa narinig, sa nakikita nila ay hindi pa gano'n ka-okay ang kaibigan nila. Magkasunod na hinawakan ni Seki ang kamay nina Alisson at Olivia para ipatong ang palad sa kanyang noo para patunayan na wala na syang lagnat. Apat na araw na ang sakit niya at sa pagpakiramdam sa sarili masasabi nya na mas maganda na pakiramdam nya kumpara noong mga nakakaraang araw. Malakas din ang kumpyansa nya na bukas ay wala na ang karamdaman nya "Kanina pa ako uhaw kaya ako inubo kanina... pero okay na talaga ang pakiramdam ko...". May pagtango naman ang kababata nito, base nga sa temperatura ng kaibigan ay wala na nga itong lagnat
"Pero you need to have a rest pa rin, as in plenty...." wika ni Alisson
(Todo nod naman si Olivia na pa unti unti nilalagay sa bag ang mga kailangan pagpasok)"Oli... I'm serious hindi ka pa pwede pumasok sa bar....."
Simangot na wika naman ni Seki, hindi nakatakas sa kanya ang ginagawa ng kaibigan. Inayos naman ni Olivia ang half bun hairstyle niya, kinapa kapa ang likuran para masiguradong hindi tabingi ang black ribbon at na secure ng hairnet ang half bun "Seki... need ko na magtrabaho... kawawa ka sobrang pagod mo sa pag ako ng duty ko" kokontra sana si Seki nang binigyan sya ng matalim na tingin ng kausap "Sina Mada'm Airi need din nila ng katulong sa negosyo..." bumilang pa si Olivia gamit ang daliri "...yung work ko sa cafe, napabayaan ko na rin... mabuti understanding ang management pero ayon nga" may pag hinga ito ng malalim "...need na din nila ng employee... bukas ng umaga balik na din ako ng duty sa cafe...".
"Hindi uusad ang buhay ko kung magtatago lang ako...
Kailangan ko harapin ang buhay... isa pa may bills din
Ako kailangan asikasuhin..."
Todo nod naman si Alisson, naunawaan nya ang sentimento ng kaibigan at binanggit na rin nito kanina "Okay fine..." wala nanang nagawa si Seki kung hindi hayaan ang kaibigan sa nais nito na intindihan naman nya ang punto nito. Lumapad naman ang ngiti ni Olivia na pumalakpak pa, samantala si Alisson ay napailing na lang sa kilos ng dalawa pero deep inside kalmado ang kalooban nya na sa huli ay nagkaunawaan pa rin sila "Pero... I'm still worried for you Beb...". Nagkatinginan sina Alisson at Olivia bago bumalik ang tingin sa kaibigan nila, hindi napigilan ng dalawa na humagikgik sa nakangusong expression nito
"Kamukha mo na si Nobunaga nyan lalo... Hihi"
"....Hindi kaya!!" todo iling si Seki pagkatapos ay inubos na ang natirang tubig sa baso
