Mahimbing na natutulog si Seki ngunit light sleeper sya kaya nung nag vibrate ang kanyang phone ay tinignan nya agad kung sino ang nag text. Nakapikit pa ang isa niyang mata para lamang mabasa ng maigi ang message
"Seki-beb,
Kumusta ka na chika mo sa akin soon ano result ng pa surprise sayo ni Kiyota baby mo. Safe naman ako, I know naman na nakalimutan mo na naman ako dahil masyado ka enjoy sa sweet moments nyo. >.< Sleep tight Beb.
xoxo
Oli ^.^"Ngumiti naman ng alanganin ang dalaga hindi nya maitanggi na nakalimutan nga nya ang kaibigan. May something kasi kay Olivia na may times na nakakalimutan nila ang presence ng babae na yon "Lokaret kasi" bulong ni Seki. May isa pa palang text message na nareceive ang dalaga, chineck nya kung ano oras na at base sa basa nya ay alas kwatro kinse pa lamang ng umaga. Binuksan nya ang sumunod na text, mula naman ito kay Airi
"Seki-chan,
Naka schedule ang message na ito para hindi masira beauty sleep ko. Inform ko ikaw na schedule mo ng off bukas. Si Mai muna ang in charge sa iba mong task and sa makalawa naman si Mai ang off at ikaw ang gagawa ng task ni Mai-chan. Yun lang. Sleep ka pa.
-Airi"Nag giggle naman si Seki sa "beauty sleep" part na sinabi ni Airi sa kanya. Gumawi ang tingin ng dalaga sa kanyang katawan, hindi nga sya nagkamali "Likot talaga ng kamay ng baby ko" comment nya ng makita na yakap yakap sya ng binata sa pagtulog. Hinayaan na lang nya at ipinikit muli ang mata.
.....
Makalipas ang tatlong oras si Kiyota naman ang nagising at kinuha agad nya ang phone para magtext, hindi na pala nya kailangan gawin dahil siya na ang unang minassage ng mga kokontakin sana nya. Una nagtext sa kanya ang kanyang Dad na si Hayato at sinabi na huwag muna pumasok ng opisina dahil may system maintenance at WFH ang lahat ng employees/staff. Alam din daw ni Hayato na magkasama sila ni Jin at mag ingat sila. Tumaas naman ang kilay ni Kiyota, "Huh? Siguro si Jin nagsabi nun kay Dad" blessing sa binata ito dahil tinatamad din sya pumasok para masolo din n'ya si Seki. Sumunod na binasa nito ang message mula kay Jin via email
"Kumusta? Bati na ba kayo ni Seki-chan. Ayusin mo na Kiyota okay maswerte ka may second chance ka pa. Yung iba wala na kaya pahalagahan mo binigyan ka ni Seki ng another chance at si Seki mas lalo mo alagaan at ingatan.
Nga pala, kasama ko si Cinnamon sa bahay. Akalain mo yun noong hindi ko sya hinatid sa bar para makitulog ang sabi nya sa motel daw sya mag stay. Grabe yung babae na yun syempre hindi ako papayag na dun sya matulog kahit na umalis sya para may moment kayo ni Seki.
-Jin"Pinipigilan ni Kiyota ang urge nya para tumawa ng malakas para hindi magising si Seki. Alam nya na nag blush ang kaibigan habang tinatype nito ang "motel". "Hindi mo naman kasi sinabi kay Oli na sa bahay mo, gusto sya patulugin" bulong ng binata sa isip kaya naintindihan niya ang option na napili ng kaibigan ng girlfriend at ramdam rin nya na nag hint lang si Jin at inaasahan na magets agad ni Olivia ang ibig nito iparating. "Hay nako itrain ko pa nga si Pre. Kulang pa sa briefing" sabi ni Kiyota sa sarili dahil hindi pa naiintindihan ni Jin ang complex mind ng mga babae. Nag reply naman ang binata sa email sa kanya at sinabi na work from home ang lahat ngayon araw. Gumawi ang tingin ni Kiyota kay Seki, inilibot nya ang kanyang mata at hindi nya mapigilan kiligin. Nakayakap sa kanya ang dalaga at nasa chest nya ang ulo nito. Hinaplos naman ni Kiyota ang buhok at pisngi ni Seki dahilan upang magising ang dalaga.
"Ohayo" bati ni Kiyota
"Ohayo" bati pabalik ni Seki
"Ano oras na?"
"8:30 am pa lang. Wala kami pasok kaya dito ulit ako mag stay"
"Aah okay. Uhm ano gusto mo breakfast?"
"Ikaw"Namula naman ang mukha ni Seki "HENTAI!!!". "Anong ako. Ikaw nga baby ung advance mag isip at nakayakap sa akin" asar ni Kiyota habang naka ngiti. Masa lalo ito ikinapula ng pisngi ng dalaga at aalisin na ang kamay na nakayakap sa binata. "Huwag mo alisin Baby, miss ko nga hugs mo eh" sabi ni Kiyota at niyakap agad si Seki.
"Kiyota... alisin mo na kamay mo. Mag luto pa ako breakfast"
"Nope"
Wala naman nagawa si Seki at hinayaan na lamang ang binata. 15 minutes na sila magkayakap, "Gugutom na ako" comment ng dalaga. Umalis naman sa pagka kayakap si Kiyota at umupo sa higaan "Morning kiss ko Baby" naka pout pa ang binata. Sinapo naman si Seki ang mukha ni Kiyota "Ayan kiss mo". Nalungkot naman si Kiyota naawa naman si Seki "Fine pero kumain at mag toothbrush ka muna baka mamatay ako sa bad breath mo" comment ng dalaga. Naging masigla naman agad si Kiyota at pinatayo si Seki sa higaan "Sige na Baby magluto ka na muna ako na magligpit nitong higaan natin". Napakamot ulo naman si Seki at pumunta muna ng banyo bago magtungo sa kusina.
