Chapter 5

39 2 9
                                    

     Nag susuklay ng buhok si Seki ng may kumatok sa pinto. Pinagbuksan nya ng pinto kung sino man ito nakita nya ang kanyang Lola "Apo, andito na si Manong Dai". Nagpasalamat naman si Seki at kinuha na ang binili nila ni Andrei para sa kanyang ina. 8:40am na.  Bumaba na sya at lumabas ng bahay, nakita nya si Manong Dai na naka shades "Goodmorning Manong. Wow naman ang pogi n'yo". Binati naman pabalik ni Dai si Seki "Goodmorning, Seki. Syempre VIP pasahero ko. Saan ba tayo?". "Kay Mama po" sumakay na agad si Seki. Nagmaneho naman si Dai. 15 to 20 minutes ang byahe papunta sa kanyang ina.

     Habang nagbyahe pinagmamasdan ni Seki ang mga tanawin. It never cease to amaze her sa mga puno at garden ng bawat bahay na madaanan nila. Kahit mga establishment may puno at halaman din sa gilid. "Seki, andito na tayo. Antayin na din kita kasi madalang trike dito. Doon muna ako nakita ko kumpare ko". Hindi namalayan ni Seki na nakadating na sila. Itinuro ni Dai ang katapat nila na tindahan. "Sige po Manong. Salamat" kinuha ni Seki ang paperbag na dala nya at naglakad patungo kung nasaan ang kanyang ina.

     Halos 5 minutes din naglakad si Seki bago narating kung nasan ang kanyang ina. Nakita nya ang pamilyar sa kanya at binati nya. Kinawayan naman sya. Abala ito sa pagwawalis. "Hello Mama. Kumusta ka na? Alam mo ba sobrang miss na kita. Ang tagal na noong huli tayo nagkita. Pasensya na po naging abala ako sa trabaho. Mama, ang ganda na po ng anak ninyo. Hindi po ba? Ano masasabi nyo sa damit ko?" nag twirl si Seki at ipinakita ang kanyang suot. Naka white off-shoulder si Seki na pinarisan nya ng high waist orange floral skirt na mid thigh ang length at naka puting sandals.

     Ipinakita agad ni Seki ang bag na dala nya. Ibinigay ang bulaklak na dala nya at ang oranges and apples na paborito ni Rika. Umupo sya sa inilatag n'yang blanket "Mama, alam ko paborito mo mga ito kaya nagdala ako.. Mama miss na miss na kita". Hindi mapigilan maiyak ni Seki "Kung marinig ako ng iba sasabihin baliw ako kasi wala naman ako kausap... Hindi mo naman ako masasagot Ma..ma"..

     Limang taon na simula ng namatay si Rika ang ina ni Seki mula sa isang terminal illness. Hinaplos ni Seki ang puntod ng kanyang ina "Mama, ayos lang po ako. Sana napatawad n'yo po ako... huli ako dumating....

-FLASHBACK-

    Naghahanda si Seki para sa linggo dahil 3rd year anniversary na nila ni Kiyota "Sana magustuhan ni Baby ang surprise ko sa kanya". Habang binabalot ni Seki ang regalo n'ya para sa boyfriend, nakatanggap s'ya ng tawag mula sa ospital...

   "Hello po Nurse.. Kamusta po si mama?" tanong ni Seki. Kinabahan s'ya ng marinig n'ya ang panic sa boses ng nurse "Iha... ang mama mo gusto ka makita.. Sabi din ni Doc critical na si Miss Rika kung makakapunta ka dito pumunta ka na agad dahil hindi natin tukoy kung gaano katagal na lang ang mama mo".

    Hindi napigilan maiyak ni Seki "Si..ge po.. Katabi n'yo po ba si Ma..ma?". Sumagot naman ang nurse "Oo.. i loud speaker ko ang phone. Magsalita ka na...". Nagsalita naman si Seki at kinausap ang ina "Ma.. papunta na po ako d'yan... Antayin n'yo po ako...". Narinig ni Seki ang mahina wika ni Rika "Si..ge anak.. Aantayin ka ni Mama..".

    Nagpaalam na si Seki sa kanyang ina at sa nurse. Inihanda n'ya ang kanyang bag inilagay ang regalo na inihanda n'ya para kay Kiyota. Naka admit sa Kanagawa General Hospital ang kanyang ina nasa probinsya mga kamag anak nila. Ilang minuto ay dumating si Kiyota kasama si Jin. Nagsasama sa iisang bahay si Seki at Kiyota.

    Nilapitan ni Seki si Kiyota at nagpaalam "Kiyota, pupuntahan ko lang ang mama ko..". Hindi pa natatapos magpa-alam si Seki ay nagalit na si Kiyota "Sinungaling... Dinadahilan mo lang ang mama mo pero sa lalake mo lang ikaw pupunta". Naamoy ni Seki na naka inom ang boyfriend nagpaliwanag naman s'ya "Baby, wala ako'ng iba. Ikaw lang mahal ko... Kailangan ako ni mama..". Hindi naniwala si Kiyota at hinawakan ang braso ni Seki "Hwag ka na mag deny pa. Malandi ka babae ka...".

    Hindi napigilan maiyak ni Seki dahil sa pagtrato ni Kiyota sa kanya. 10 months na nagsimula maging malamig at mapanakit si Kiyota. Inawat naman ito ni Jin "Kiyota, tumigil ka na. Walang ginagawang masama si Seki..". Ngunit hindi nakikinig si Kiyota.  "Kiyota, nasasaktan ako" pagmamaka awa ni Seki. Ito ang nadatnan ng ama ni Kiyota "Bitiwan mo si Seki.. Isa!". Binitawan naman ni Kiyota si Seki "Papa...".

   Hindi naman pinansin ni Hayato ang anak. Lumapit s'ya kay Seki at tinanong kung ano nangyayari pinaliwanag naman ni Seki na kailangan n'ya puntahan ang kanyang ina. Nag nod naman si Hayato "Jin, paki usap ihatid mo si Seki sa ospital. Gahol na sa oras". Nag nod naman si Jin "Opo Tito" inakay nya si Seki palabas ng bahay at isinakay sa kotse nagmaneho patungo KGH.

   Habang tinatahak nina Seki at Jin ang ospital kinausap naman ni Hayato ang anak "Kiyota, mag tino ka na. Si Seki lang ang babae na totoong nagmamahal sa'yo. Hwag mo intayin na pagsisihan mo lahat ng 'to at mawala s'ya sayo". Nainis naman si Kiyota sa sinabi ng ama "Hwag n'yo ako pakialaman". Nag walkout si Kiyota at sumakay ng sasakyan. Tinungo nya ang lugar na alam nya magiging masaya s'ya...

    "Kiyota! Bumalik ka dito!" sigaw ni Hayato napa-iling na lang sya. Kinakatakot n'ya na magkatotoo ang banta nya sa kanyang anak. Malulungkot ang asawa at lola nya kapag nagkataon sabi nya sa isip. Samantala, nakarating na ng ospital sina Seki bumaba sya agad at nagpunta sa lobby. Pinark naman ni Jin ang sasakyan.. Priness ni Seki ang elevatorat tinungo ang room kung saan naka admit ang ina.. Nakita n'ya ang nurse na binabantayan ang ina.

    "Mama..." wika ni Seki at lumapit sa ina. Hinaplos n'ya ang kamay ng ina.. Nagsalita ang nurse "Nahuli ka ng dating Seki... Wala.. na si Ri..ka... 3 minutes ago.." sabi ng nurse. Hindi mapigilan ni Seki ang pag hagulgol. Pagkasabi ng nurse nito ay sakto pagdating ni Jin. Narinig ni Jin ang sinabi ng nurse at nalungkot para sa kaibigan. Nilapitan ni Jin si Seki at pinakalma "Shh... Seki tahan na.. Sigurado ako hindi galit sa'yo si Tita Rika..".

   "Mama... patawad nahuli ako ng dating" pag iyak ni Seki. Dinamayan s'ya ni Jin sa pagaasikaso sa labi ng ina na dapat si Kiyota ang kasama n'ya.

-END OF FLASHBACK-

    Huminga ng malalim si Seki at pinakalma ang sarili. Hinaplos muli n'ya ang puntod ng ina "Mama sana po okay kayo dyan. Hindi ko lang maiwasan maiyak kapag naalala ko iyon". Nakaramdam si Seki ng haplos ng hangin kaya alam nya ayaw ng kanyang ina na malungkot sya "Sige po Mama magkwekwento na lang po ako ng tungkol sa mga nangyari sa akin after n'yo mawala".

    Ikiniwento ni Seki ang kaibigan n'ya na si Olivia at paano sila nagkakilala. Kung saan sya nagtratrabaho. Na may communication pa sila ng magulang at lola ni Kiyota pero nangako sila na hindi sasabihin kung nasaan sya. Madami din kiniwento si Seki sa kanyang ina. Isang oras na sya sa cemetery kaya nagpasya na mag-paalam sa ina "Mama. Alis na po ako hindi man po ako palagi makadalaw sa inyo. Kasama naman po kayo sa prayers ko. Mahal na mahal ko po kayo". Tumayo si Seki at tiniklop ang baon na blanket. Lumabas na sya at nakita n'ya si Manong Dai. Ngumiti si Manong kay Seki nakita nya na namumugto ang mata nito pero hindi na n'ya tinanong dahil alam nya ang dahilan.

    Inihatid na ni Dai si Seki sa bahay. Nagbayad naman si Seki at binigyan ng tip si Manong Dai dahil sa pag-aantay sa kanya. Nagpasalamat naman si Dai at pumunta na ng toda para mamasada. Nagpalit ng damit si Seki at tinulungan sa gawain bahay ang tiyahin. Busy si Andrei sa panunuod ng cartoons. "Kamusta ang pagbisita mo kay Ate?" tanong ni Yuika. "Ayos naman po Tita. Hindi ko lang po naiwasan umiyak". May malungkot na ngiti naman si Yuika dahil alam nya na hindi pa din napapatawad ni Seki ang sarili. Si Risa ang nagluluto para sa kanilang pananghalian.

    Inawat naman ni Risa ang dalawa "Hwag kayo malungkot. Lalo ka na Seki. Sige ka pupunta si Rika sa panaginip mo tapos kukuritin singit mo". "Hahaha" natawa ang dalawa sa sinabi ni Risa. "Opo Lola/Nanay". Pinagpatuloy na ni Risa ang pagluluto sina Seki at Yuika ay inihanda ang prutas para sa kanilang pang himagas. Lumapit naman si Andrei "Lola, luto na po? Gutom na ako eh". Nag smile naman si Seki "Malapit na matapos si Lola. Mag hugas ka muna ng kamay mo". "Hai" sagot ni Andrei.

   Tinanong naman ni Yuika kung ano ang inihanda ni Risa "Sinigang na Salmon sa Miso at buro ang pananghalian natin". Natuwa naman si Seki dahil matagal na sya hindi nakaka-kain nito "Wow naman Lola. Sira na naman ang diet ko". Natawa naman ang dalawa sa sinabi ni Seki "Ayos lang yan pamangkin, kumain ka lang ng kumain bata ka pa kapag may anak ka na ayan dyan ka mag diet kasi tataba ka. Haha".  Nag smile naman si Seki. Nagdasal muna bago kumain at nagsimula na kumain.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon