Maaga naman nagising si Kiyota hinanap n'ya agad ang kanyang phone at tinignan ang oras 6:17 am pa lamang. Nagpasya na tumayo ang binata. Niligpit ang pinaghigaan at nilagay ang mga ito sa baba ng cabinet. Papaalis na si Kiyota ng kwarto ng gumawi ang kanyang mata sa mahimbing na natutulog na si Seki. Nawala ang kumot nito, nahulog pala. Kinuha naman ng binata ang kumot at dahan dahan ipinatong "Sleep well, baby". Isinara din ni Kiyota ang pinto at nagpasya pumunta sa kusina. Nakita n'ya si Olivia kasama si Jin. Paligo na at bihis na bihis pa ang dalaga.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good morning" bati ni Kiyota "Good morning / Good morning Kiyota-kun" bati pabalik nina Jin at Olivia
Nakita ni Kiyota na abala si Olivia sa pagluluto nagtataka sya sa ginagawa nito. "May mainit na tubig na, Kiyota. Magtimpla ka muna kape" pag offer ni Jin. Nagpasalamat naman si ang binata. Nagkakape na sina Jin at Kiyota. Hindi makatiis ito at lumapit kay Olivia na abala sa pagluluto "Ano ba niluluto mo? Bakit may takip?". Nang makita ni Kiyota kung ano ang nasa loob ng kawali napatawa s'ya "HAHAHAHAHA. Kakaiba ka naman magluto. Pero seryoso bakit nga meron?". Sumali naman sa usapan si Jin "Oo nga, Oli bakit tinatakpan mo? Mas magiging masarap ba luto mo kung ganyan?".
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Eh, I'm scared sa mantika. Kapag talsik ang oil, magka peklat ang perfect kong skin. Haha Joke lang yung sa skin, pero takot ako sa mantika. Hehe" pag-amin ng dalaga. Humagalpak naman ng tawa si Kiyota at napa kamot ulo na lang si Jin. "Oi, mas gusto ko pa mag gisa at magluto ng ulam kaysa sa mga prito. Si Seki talaga pinag priprito ko kasi nga takot ako matalsikan ng mantika" kumpletong paliwanag ni Olivia may sinabi kasi si Kiyota na ikinapula ng mukha nya kaya pinili nya kumpletuhin ang sasabihin. Hinampas ni Jin ng syansye ang braso si Kiyota "Ang green minded mo dyan Kiyota. Nakakahiya kay Oli pinaghahanda na nga tayo ng almusal". Tinignan ni Kiyota ang itsura ng kaibigan, may maliit na dust ng pink ang cheeks nito pinipigilan n'ya tumawa "Ikaw, Jin iniisip mo noh? Haha". Nag inat ang binata at lumapit kay Olivia "Ako na mag prito ng itlog, panoorin mo ang expert". Hinayaan naman ni Olivia na gawin ito ng kaibigan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.