"Achoo"
"Bless you. May sakit ka ba, Seki?" nag aalalang tanong ni Kiyota
Umiling naman si Seki "Wala naman. Baka may nakaalala lang sa akin". Nag nod naman si Kiyota "Baka si Andrei gising na at hinahanap ka". Tumawa naman ang dalaga and kahit si Kiyota ay nahawa sa pagtawa ng girlfriend. Hand in hand nagpunta ang dalawa sa una nilang destination na napili. "Baby, ang ganda naman dito. Ibang iba sa Kanagawa" comment ni Kiyota. Napagmasdaan ng dalawa ang mga pamilya na kasabay nila namamasyal, may mga bata na nagtatakbuhan at hinahabol ng mga tatay. "Oo naman, Baby... More on nature side here sa Nara. Kaya ito ang favorite place ko sa lahat" pagmamalaki ni Seki. "Alin ang puntahan natin una?" tanong ni Kiyota. "Since nasa Nara Park na tayo, unahin na natin ang Todai-ji Temple, Kofuku-ji Temple, then may Sarusawa Pond na malapit dito pati na rin ang Tamukeyama Hachimangu Shrine" inisa isa ni Seki ang mga sikat na lugar na maari nilang puntahan sa Nara Park. Excited naman si Kiyota, may mga temples and shrine rin sila sa Kanagawa ngunit iba ang abiance nito kumpara sa Nara "Siguro more nature looking kasi ang lugar ng Nara" bulong nya sa sarili. Kinuha ni Seki ang binibigay na free map ng mga namamahala ng lugar at ibinigay sa boyfriend "Here, Kiyota para naman nag tour na talaga tayo. For remembrance na rin". Nag smile naman ang binata "Thank you" at niyaya na ang girlfriend na pumunta sa Kofuku-ji Temple.
"Excuse me" pag call ng attention ng isang babae kina Seki at Kiyota
"Ah hello. Bakit po?" kuryosong tanong ni Seki
"Ma'am... Sir, may boyfriend-girlfriend po ba kayo?" tanong ng babae
"Opo" sabay na sagot nina Kiyota at Seki
"Kanina pa po namin kayo napansin.. Bagay po kayo dalawa. Mag offer din po sana kami if gusto nyo po mag avail ng Kimono Rental?"pag anyaya ng babae
"Sugoi.. Kimono rental, pero alam ko mahal po yan eh" namangha si Seki ng marinig ang
Kimono pero nalungkot din dahil wala sya pera na extra
"Magkano ba rental Miss?" kuryosong tanong ni Kiyota
Sinabi naman ng babae ang amount "Sige po, pero ilang oras po namin pwede gamitin?" tanong ni Kiyota. Inawat naman ni Seki ang kanyang boyfriend "Kiyota-kun, mapapagastos ka pa" nag aalalang sabi nya. Hinawi naman ni Kiyota ang buhok ng girlfriend at nilagay sa likod ng tenga nito "It's okay Baby.. Besides, I want to see you wearing kimono. Its been too long ng huli kita nakita nagsuot non. I believe you will definitely look good in it. Ang ganda kaya ng Baby ko". Binigyan ng wink ni Kiyota si Seki after magsalita, nag blush naman ang dalaga. Nilead ng babae ang dalawa kung nasaan ang mga kimono at hakama "Sir, within the stay nyo po here sa Nara Park ang duration ng rentals". Nag nod naman si Kiyota "Salamat Miss, favor naman pwede nyo po kami picturan after?". Sumang ayon naman ang babae at hinayaan na mamili ng design ang dalawa.
Mabilis nakahanap si Kiyota ng napili nya na hakama at tinuro naman ng staff na lalake ang changing rooms, aasistihan din nito si Kiyota sa pagsuot ng traditional clothing. Si Seki naman ay nahihirapan mamili, maraming kulay at designs ang available at hindi nya alam kung alin ang pipiliin. Ilang minuto pa ng may nahanap ang dalaga na kimono ngunit nag alinlangan sya nagulat na lamang sya ng lapitan sya ng babae kanina "Miss Seki name mo right? Narinig ko boyfriend mo na tinawag pangalan mo. Ako pala si Rika, may kimono ako na babagay sa'yo" paliwanag ng babae. Nakaramdam ng lungkot si Seki ng narinig na magka pangalan ang babae at ang kanyang ina, ngunit binalewala nya ito "Thank you Rika-san".
Nagtungo ang dalawa sa kabilang changing rooms para sa mga babae. Tinulungan ni Rika na makapag suot ng kimono si Seki "May free hair and make-up rin kami sa rental Miss Seki, baka po gusto nyo mag avail" pag offer ni Rika. Nag isip naman mabuti si Seki, hindi sya mahilig sa kolorete sa mukha pero naisip rin nya na sayang dahil traditional ang suot nya ngayon "Seki na lang itawag nyo sa akin Rika-san.. Uhm hindi ako nag make up pwede hair na lang po ayusin sa akin?". Nag smile naman si Rika at pinaupo si Seki, inikot nya ang upuan patalikod sa salamin "Suspense po muna kung ano itsura nyo. Nako magugulat ang boyfriend mo Seki-san kapag natapos ako sayo" excited na wika nito. Nag smile naman si Seki at hinayaan na si Rika sa gagawin nito.
20 minutes rin ang ginugol ni Rika para sa pag ayos ng kimono at hairstyle ni Seki, ininstruct nya ang dalaga na ipikit ang mata pagkatapos ay inikot nya ang upuan paharap sa salamin "Open your eyes Seki-san". Dahan dahan minulat ni Seki ang kanyang mga mata at hindi sya makapaniwala "Ako... ako ba talaga ang nasa salamin?". Nag nod naman si Rika "Of course Dear that is you, tayo ka para makita mo ang buong itsura mo". Ginawa naman ni Seki ang sinabi ni Rika. "Pasensya ka na Seki, nilagyan kita ng light make-up, hindi mahulas yan promise, light lipstick na kahit kumain ka hindi mawawala ang nilagay ko sa lips mo" paliwanag ni Rika. Niyakap naman ni Seki ang babae "Thank you Risa-san, haha natawa ako sa lipstick part. Sana magustuhan ni Kiyota-kun". Nag thumbs up pose naman si Risa "Oo naman noh. Tara na pakita na tayo sa boyfriend mo".
.
.
.
.
.
