Sinilid ni Seki sa bitbit na pulang mini bag na kasama sa niregalo sa kanya ang susi ng bahay. Inalog nya ang door knob para masigurado na nakasarado ito ng maigi, nag iwan sila ng mga kaibigan ng ilang ilaw na bukas at nagpatugtog rin ng musika para lang mag dalawang isip ang mga nagbabalak na pagnakawan sila na may tao sa loob ng bahay "Let's go girls...", hindi pa sila nakalabas ng gate, nakita nila si Jin na nakatayo sa gildi nito
"Kuya Jin!" pagtawag ni Seki
(Nilapitan na nila ang binata)
"Magandang gabi... ang ganda nyo naman lalo ngayong gabi"
"Salamat" tugon ng tatlo
"Jin-san, sinusundo mo ba si Oli??" pag intriga ni Alisson
"Hai... pero in the meantime, kayong tatlo, delikado na magpunta kayo mag isa sa festival sa ayos nyo, maraming loloko-loko"
Klinaro ni Seki ang lalamunan "Kuya... ano masasabi mo sa ayos ni Oli... Ganda hindi ba??", agad naman nagtama ang mga mata ni Jin at Olivia "Oo... kung pwede lang sana araw araw may festival" may 'huh' comment naman sila ni Alisson "Para lagi ko masilayan ang ganda ni Olivia lalo na kapag suot ang traditional wear natin". Pulang pula naman ang mukha ng nabanggit na pangalan, hinampas nya ang braso ng 'date' "Bolero"
"Yiiieee... Cheezy" sing sang voice nina Alisson at Seki habang huma hagikgik
"Girls, ayos lang ba...." wika ni Jin
Agad agad naman nag nod ang dalawa, binigyan ng ngiti ni Jin ang kabigan ni Olivia, hinintay nya na tanggapin ng dalaga ang inalok nyang kamay. Hinawakan naman pabalik ng dalaga ang nakalahad nyang kamay - in short, nag holding handing ang dalawa "Sige sige... una na kami maglakad" saad ni Alisson na sinang ayunan naman ni Seki "Kaya nga... para hindi kami masyado makaabala sa date nyo". Ang dalawa ay ngumisi na naman bago sabay mauna maglakad mula sa dalawa. May mahina pagtawa si Jin bago tinignan si Olivia, pansin nya na naka braid ang buhok nito paikot, inilabas nya ang nakatagong hair ornament clip at sinipit sa kaliwang bahagi ng buhok sa bandang tenga kung nasaan malapit ang pulang birthmark nito
"Soichiro...."
"Aa... kanina nong nagpabili kami ng hakama, napansin ko yan sa video call naisip ko bagay sayo"
(Hinawakan ni Olivia ang ornament sa palagay nya butterfly ito)
"Thank you.... Mr. Bucket" nahihiyang saad ni Olivia
"Always Welcome... Cinnamon" ginawaran ni Jin ng ngiti ang katabi habang hinigpitan
ang hawak sa kamay nito
Naramdaman nila na malayo na ang pagitan nila sa mga nauna na kaibigan kaya naman tumakbo sina Jin at Olivia para hindi sila maiwananPinagtitinginan naman ng mga tao ang grupo ng mga magkakaibigan, nahihiya naman ang iba sa inaasal ng kaibigan nila. Hindi na nakatiis si Maki at kinaltukan si Kiyota "Hoy, tigilan mo yan Kiyota... nakakahiya ka na". Tumigil na nga si Kiyota pagyakap sa isang malaking poste sa entrance papasok sa festival, kanina pa kasi ito lilinga linga sa paligid "Para syang unggoy kanina" comment ng ilan. Nag comment naman si Fukuda "Hindi masyado... naka hakama sya ngayon". Nagtawanan naman ang lahat.
"Ano ba ginagawa mo Kiyota?" tanong ni Takasago
"Ano pa ba hinihintay nya si Seki" sagot naman ni Miyagi, Ikegami at Sendoh para sa kaibigan nila
"Speaking of, nasaan nga ba ang girls???" tanong ni Mitsui at Koshino
"Hay nako... ayan nag tandem pa kayo" napapailing na wika ni Akagi at Uozumi alam naman nilang lahat isa lang ang pinupuntirya ng dalawa
"Hay nako nga dumagdag na naman sa cueing" comment ni Fujima habang napapailing
Nagtaka naman ang lahat "Ano yon ah Fujima... may dapat ba kami malaman?" tanong ni Takasago. Bago pa mag kwento ang tinanong nainterrupt na naman sila dahil dumating na ang pinaka maingay sa kanila "HAHAHAHAHAH UY UNGGOY BAKIT LALO KANG MUKHA POSPORO SA KULAY NG SUOT MO". Tinignan naman nila si Sakuragi at nagpigil ng tawa dahil totoo nga ang observation ng kaibigan nila "Che!!! Ito lang kulay na binili nyo eh"
"Actually, black, dark gray and navy blue ang kulay ng mga na binili kanina" pagtama ni Hikoichi
"Ang kaso kulang kaya kulay brown na lang extra sa shop" dagdag ni Hanagata
"Kasalanan mo yan ang bagal mo pumili eh..." dagdag ni Miyagi habang sumisipol
Ang suot ng boys ay 2 pares, pinili nila ang may hakama pants at ang pang itaas nila ay inibabaw na lang nila sa suot na puting shirt. Ang disenyo ng mga yukata ay para sa kulay itim sa likod nakalagay ang dragon na print na gawa sa gold, ang navy blue naman ay may alon ng dagat na nasa dulo ng mangas ng yukata maging sa bandang dulo ng pantalon. Samantala ang kulay dark gray na yukata ay may japanese crane birds na disensyo sa magkabilang gilid ng pang itaas na yukata.
