Chapter 46

25 1 6
                                    

          Nakasalubong nina Alisson, Hanagata at Maki ang nag dadate na almost couple sina Jin at Olivia. Nang lumalim ang gabi mas naging siksikan ang mga daan dahil sa dami ng tao na nakisaya sa festival. Nasa kalagitnaan ng pagkukwento ni Alisson tungkol sa childhood nila ni Seki nang mabunggo nya si Olivia "Ooff" narinig nila wika ng muntik na tumumba ang dalaga, mabuti na lang mabilis ang kamay ni Jin, yakap nya ang bewang ng kadate gamit ang kanang kamay "Oli... ayos ka lang ba" halata ang pag aalala sa binata. Sa bilis ng kilos ni Jin naiwasan ang pagsubsob ni Olivia sa lupa, nilingon nito ang binata at agad na nag pasalamat "Thank you... ... ano... pwede yung kamay mo.... Ano kasi... baka nandito si Sendoh... mang aasar na naman yon".


          Natawa naman ang boys sa sinabi ni Olivia, pinagmasdan nila ang kaibigan na parang nakuryente ang balat sa bilis rin nito alisin ang kamay na nakalingkis lamang kanina sa bewang ng kaibigan ni Seki "Smooth ni Jin gumalaw oh.. Tsk Tsk..." mutter ni Miyagi na may nakakalokong ngiti, ngunit rinig pa rin nila; umusbong rin ang nakakalokong ngiti ng boys at pasimple inaasar ang kaibigan, hindi naman sila pinansin ng girls na abala sa pagpag ng mga suot na yukata. Nang makarecover sa pagkabigla ay agad nilapitan ni Alisson ang bagong kaibigan.


 "Naku... Gurl... sorry ah hindi kita napasin..." tinulungan ni Alisson si Olivia, inayos nya rin ang pumaling na hairclip dahil sa pagkabunggo kanina
"Hmmp.... Parang sinasabi mo maliit ako..." may kung ano sa mata ni Olivia na nagsasabi na masasaktan ang sinuman magsabi na maliit sya


"Ma....hmmmmmmmmmm" si Sakuragi ang magsasalita ngunit tinakpan ni Fukuda ang bibig nito gamit ang dalawang kamay
"Hindi naman ganon... Olivia-san... sadyang crowded ngayon kaya mahirap kumilos" nagpasya si Maki na magsalita para i divert ang atensyon kay Sakuragi


        Nag nod naman ang the rest of the boys "Oo nga eh... Hindi ko pa makita lalo kasi ang tatangkad ninyo... penge naman height... Hehe" comment ni Olivia. Binulungan naman ni Hanagata si Jin "Ayaw nya na sinasabi ng iba... pero aminado naman sya sa sarili na you know..." kinatawa naman ito ni Jin alam nya hindi sinabi ni Hanagata ang magic words para hindi sya makatanggap ng hampas katulad ng ginawa ni Olivia noon kay Sendoh. "Ano kumusta date nyo, tapos nyo na ba libutin ang buong festival" pag usisa ni Miyagi habang inabutan si Fukuda ng bote ng alcohol. Si Fukuda naman ay agad inisprayan ang mga kamay "Baka mahawa ako ng rabies..." nakatingin sya kay Sakuragi. Natawa naman ang lahat sa kalokohan ng dalawa.


 "Nakapaglibot na kami..." tugon ni Jin nag nod naman si Olivia
"Kami rin nalibot na namin ang festival" mula naman kay Maki


 "Masyado pa maaga para umuwi, maglibot tayo as a group" suggestion ni Hanagata
"Sabagay, umuwi na yung iba... kahit tayo tayo lang masaya pa rin" comment ni Miyagi


 "Kayo girls... gusto nyo ba as a group tayo..." tanong ni Fukuda
"Mas gusto ko na sama sama tayo" nakangiti saad ni Alisson
"Krrrr......"


         Nilingon nila kung saan nanggaling ang tunog, kay Olivia pala ito, mali sa tyan pala ng dalaga nagmula ang tunog "Oops... Sorry, nagugutom ulit ako eh..." namula ang mukha nito habang nagpapaliwanag. Tumawa naman ang iba "Oli... yung totoo may tigre ba sa tummy mo... kakakain lang natin kanina ah" pang aasar ni Alisson ang tinutukoy nya ay ang hapunan nila; marami pagkain kaya pinagtaka nya ang pagkagutom ng kaibigan; siya nga ay mabigat pa hanggang ngayon ang tyan pero sa palagay nya ilan oras pa makakaramdam din sya ng gutom "Hindi ko alam... kung may tigre basta palagi ako gutom.. Yung kakain ko lang after an hour or two gutom na naman ako" totoong sagot ni Olivia. Napailing ang boys sa pagkainosente ng dalaga, naisip nila na may childlike wonder ito kahit hindi sinasadya natural na lumalabas sa kilos. Ngumuso si Alisson "Ay sana all, kahit kain ng kain hindi tumataba... ang payat mo eh". Nag giggle si Olivia "advantage ng mabilis ang metabolism... pero disadvantage sa budget kasi lagi ubos pera ko kakakain..."


 "Akala ko sa shopee nauubos pera mo?" singit ni Fukuda
"Ay paano mo nalaman yan Fukuda-san... secret lang yon... pero second ang shopee food pa rin ang number one... ay mali tie pala sila ng ranking"

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon