Chapter 18

45 2 17
                                    

          Nasa coffee shop na pinag tatrabahuhan ni Olivia si Seki ngayon alas nuebe nang Biyernes ng umaga. Halos 5 days na din ang lumipas noong nag stay sina Kiyota at Jin sa bahay nila. Noong makalawa pa sana magkikita si Tomoko at Seki para pag usapan ang ibang detalye tungkol sa project, ngunit hindi sila natuloy dahil may mga unexpected visitor sa company. Blessing din na itinuturing ito ni Seki matapos ng nangyari sa kanila ni Kiyota noong huli sila magkasama. Mas gusto ng dalaga na magkita sila sa ibang lugar kaya sa opisina na pagmamayari ng pamilya Nobunaga. May 30 minutes pa bago ang call time nila ni Tomoko. Umupo na si Seki at inabutan naman sya agad ng menu ng waitress, "Hi Seki, sinabi na sa akin ni Oli na pupunta ka nga daw dito. Ano order mo?". Ngumiti naman ang dalaga at binati nya ang ka trabaho ni Olivia at kakilala din n'ya "Hello Yanny, thank you. Mamaya pa ako oorder, may inaantay lang ako". Nag nod naman si Yanny at pumunta na sa 2 tables after Seki.

           Abala sa paglibot ng tingin ang dala sa buong cafe ng gumawi ang tingin nya sa pinto, tumunog ang bell at nakita nya si Tomoko. Tumayo na si Seki at lalapit na ng nakita nya na sinenyasan sya kaya manatili na lamang s'ya nakaupo. Nagbow si Seki "Good morning po Mamita". Pagkatapos ay bineso sya ni Tomoka "Good morning Seki-chan, did I make you wait that long?". Umiling naman ang dalaga na sinabi na kadarating lamang din nya. Pinaupo na din nya si Tomoko. Tinawag na ni Seki si Yanny at sinabi na oorder na sila, cappuccino ang para sa kanya at jasmine tea naman ang para kay Tomoko. "Repeat order ko lang po... one cappuccino and jasmine tea and 2 clubhouse sandwiches ang order ninyo Ma'am". Nag nod naman si Seki, sinabi ni Yanny na babalik sya agad para iserve ang order nila.

           A minute or two ay bumalik na si Yanny at sinerve na ang order nila. "Enjoy your meal Ma'am" pag address ng dalaga sa dalawa. Nag nod naman si Tomoko. Pagkaalis ni Yanny ay nagsimula na mag usap sina Seki at Tomoko.

"Seki-chan, gaya ng napag usapan natin. I want to know ayos lang ba talaga sa'yo na tulungan mo si Kiyota-kun sa project ito? Baka naman napipilitan ka" gusto maka sigurado ni Tomoko na buo ang desisyon ng kinokonsidera nya na grand daughter

"Opo Mamita, wala naman po problema. Gusto ko din po ma i-feature yung business nina lola bukod sa makatulong sa inyo" pag amin ni Seki
"I'm happy to hear that... but I want to know, to hear from you, kamusta ang puso mo handa mo na ba patawarin ang apo ko? Magsimula kayo muli, Seki-chan"

"Yung totoo Mamita, alam ko sa sarili ko naka move on na ako, wala na sa akin pero nung nagkita ulit kami ni Kiyota... parang bumalik lahat... yung saya, yung sakit... "

           Inextend ni Tomoko ang kanyang kanang braso papunta sa kamay ni Seki na nasa ibabaw ng lamesa at hinawakan nya ito bilang pag comfort. Sinabi ng nakakatanda na naiintindihan nya ang nais sabihin ng dalaga na hindi na nya kailangan pa magpaliwanag. Tinanong muli ni Tomoko si Seki kung napatawad na ba nito ang kanyang apo. Nag nod naman ang dalaga, "Mamita, maniniwala po ba kayo kung sabihin ko na nagkita kami ni Mama sa panaginip. Sinabi n'ya sa akin na hindi s'ya galit kay Kiyota-kun at dapat ako din daw ay patawarin na si Kiyota, bigyan ko ng pagkakataon. Nag biro pa nga po si Mama na nasaan na daw po yung apo n'ya sa amin ni Kiyota. Hahaha". Hinayaan lang ni Tomoko na magsabi sa kanya ang dalaga ng kanyang saloobin, sinabi din nya na naniniwala din s'ya sa pagpapakita ni Rika sa panaginip at kahit s'ya ay naiinip na kung kailan ba s'ya makakaapo mula sa dalawa. Tumawa lang si Seki, "pahirapan ko po muna si Kiyota-kun" nag wink pa siya na ikinatuwa naman ni Tomoko, "Kaya love kita Seki-chan... sure pahirapan mo si Kiyota-kun. Haha".

           Habang nag tea and coffee ang dalawa, na punta na ang usapan nila sa mga kailangan malaman ng dalaga para sa documentary na project ng Nobunaga Advertising Agency. Isinusulat naman isa-isa ni Seki ang mga sinasabi ni Tomoko "Ikaw lang ang maaasahan ko bukod kay Soichiro-kun, Seki-chan. Hay nako, ang apo ko I'm sure makakalimutan ang mga bagay bagay" napapailing ang matanda dahil sa ugali ng kanyang apo. "Huwag po kayo mag-alala ako na po bahala. Tulong ko na din po ito, Mamita kung hindi po dahil sa inyo baka po wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kaya maraming salamat po" sinabi na ni Seki ang gusto n'ya sabihin noon pa. Si Tomoko ang isa sa tumulong sa kanya ng namatay ang kanyang ina, nagbibigay ito ng sustento sa kanya noon bago sya nakahanap ng trabaho sa bar. "Thank you so much Seki-chan, probably by next month or two kayo pupunta sa province n'yo. I'll provide everything. I'll even call Risa by myself" wika ni Tomoko. Sumang ayon naman si Seki "Welcome po Mamita, tsaka I'm sure matutuwa po si Lola na makapag kwentuhan muli kayo".

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon