Chapter 17

37 2 9
                                    

          "Pwede ka na mag-asawa Seki" compliment nina Olivia at Jin dahil masarap ang stew na niluto ng kaibigan nila. "Hmmm... Binobola nyo naman ako, baka dahil gutom din kayo" sabi ni Seki. Itinanggi naman ito ng tatlo "Masarap nga Seki, magaling ka na talaga magluto. Ako na lang asawahin mo. Hehe" comment ni Kiyota. Namula naman ang dalaga. "Hay,, bagay talaga kayo Beb ni Kiyota" comment naman ni Olivia gusto na nya magkabalikan ang dalawa. "Bagay kayo ni Jin" magkasabay na sabi nina Kiyota at Seki. Mabilis naman inasar ni Olivia ang dalawa "Meant to be nga ang mag beh sabay pa mang asar. Ayan tuloy bumalik sa kanila. Hahaha". Natawa na lang si Jin dahil alam nya plano nina Kiyota at Seki na asarin sila pero nag backfire lang sa kanila.

          "Seki, refill mo naman si Kiyota ng teriyaki at stew" sabi ni Jin. Tatanggi na sana si Kiyota dahil baka magalit ang dalaga sa kanya ng hindi nya inasahan na gagawin nga ni Seki ito "Ito Kiyota, kumain ka pa, baka sabihin mo hindi ka namin pinapakain". Kilig na kilig naman si Kiyota "Pwede dagdagan mo ng chicken?". Nag smile naman si Seki at ginawa ang request ng binata. May sarili mundo ang dalawa, nagkatinginan naman sina Jin at Olivia "konti na lang" pareho ang iniisip nila.

"Sulit ang pag aantay natin maluto ang stew" comment ni Jin
"Oo nga eh, ang tagal pala lutuin nyan.. Halos 3 hours. Haha" mula naman kay Kiyota
"Beef kasi yan, hindi pwede na 1 hour mo lang lutuin, mabungal ka pa. Gusto mo?" sabi ni Seki

 "Syempre ayaw ko, pero kung mamahalin mo pa din ako kahit wala na ako ngipin, Sige aba. Hehe" tugon ni Kiyota

"TEMES" asar ni Jin at Olivia

          Natawa naman ang dalawa, unti unti na nasasanay si Seki sa pang aasar ng kaibigan sa kanila ni Kiyota. "Tama si Beb, tsaka tipid din toh instant merienda at lunch in one. Mahal kaya ng karne ngayon" comment naman ni Olivia. "Eh bakit meat ang pinakain nyo sa amin kung namamahalan kayo?" tanong ni Jin. "Bumibili naman kami ng karne, baka isipin nyo poor kami. Mayaman kami, mayaman sa pag aaruga. HAHA" sagot ni Olivia. "Haha sira talaga tong si Oli" nakisali si Kiyota sa usapan. "Hindi kami nagtitipid sa pagkain, kuya Jin at isa pa, hindi naman kami tulad ng iba na nagdadamot ng pagkain sa kapwa" paliwanag ni Seki. Nag thumbs up naman si Oli.

"Aww.. Ang swerte ko talaga sayo Baby"/ "Abusado ka na, Kiyota alisin mo pagkakayakap mo sa akin" magkasunod na sabi nina Kiyota at Seki. Ang binata gumagawa ng paraan para makapag lambing sa kanyang baby. Naputol naman ang moment ng dalawa

"Mr. Bucket, iwanan na nga natin ang dalawa na yan. Panira tayo dito"
"Sige Cinnamon. Ikaw ang boss"

"Kayo mag hugas ng pinggan..."
"Mag nap kami, bahala kayo mag lampungan. HAHAHAHA"

.

.

.

BLAG

          Sinara ni Jin ang pinto ng kwarto. Nagkatinginan sina Seki at Kiyota at nagtawanan "Hahaha ang kulit nila". May naalala naman si Seki, "Kiyota kailan pa naging sila? Mr. Bucket? Cinnamon?". "Aah, hindi ko alam pero feeling ko sila na, hindi pa lang umaamin. Huwag na natin muna guluhin. Bakit baby gusto mo ba tayo na ulit pero secret muna natin?" pumaparaan na naman si Kiyota. "Hahaha, asa. Tumigil ka na, mag hugas ka muna pinagkainan natin tapos mag nap din tayo" pa kunwari pa si Seki na hindi kinikilig. Kilig na kilig naman si Kiyota dahil sinabi ni Seki ang word na "nap" iniisip nito ang maraming possibility. "Hoy, magligpit ka na sabi eh. Tutulungan kita". Mabilis naman sumunod ang binata sa instruction sa kanya.

.....


Mahimbing na natutulog sina Seki at Kiyota sa kwarto ng dalaga magkatabi ang dalawa sa kama.

.

.

.

.

-FLASHBACK-

          "Finish!" cheer ni Kiyota. Siya ang nag prisinta na maghugas ng pinagkainan nila. Naka upo lamang si Seki at tinitignan ang ginawa ng binata. Lumapit sya at sinuri kung malinis ba talaga mga kasangkapan "Hmm... in fair, malinis nga. Akala ko pada dahanin mo lang sa tubig eh". Nag pout naman si Kiyota "Baby naman, marunong naman ako. Isa yan sa tinuro mo sa akin". "Haha, oo na binibiro lang kita" sabi ni Seki.

          "Aahhaa" sabay pa humikab ang dalawa
         "Tama nga si Jin, nakaka antok masarap mag nap" comment ni Kiyota habang nag iinat
         "Haha oo nga eh. Sige tulog din tayo" sabi ni Seki

          Nagsimula na maglakad si Seki ng maramdaman nya na hindi sumusunod si Kiyota kaya lumingon sya "Saan ka pupunta?". "Dito na lang ako sa sofa matutulog" sagot ng binata. Napahinga naman ng malalim si Seki "Mahihirapan ka dyan, pang kay Oli lang size nyan. Sa kwarto ka na rin".

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon