"Ano sa tingin mo Beb?"
"Naah... too simple"
"Eh ito?"
"NO!!!! Pang manang ang peg, no way"
"Eh alam mo naman si Kiyota-kun, ayaw nya na nagsusuot ako ng maiksi"
"Ang tanong ayaw mo ba mag suot ng maiksi?"
"Sinusunod ko lang gusto ni Baby"Padarag na sinara ni Olivia ang binabasa nyang fashion magazine habang naka indian seat sa kama ng kaibigan na si Seki, nilapag nya ang magazine at dali dali nilapitan ang kaibigan, hinawakan ang balikat nito "NOO!!!! THAT IS A BIG NO!!!" may pagtaas ng kilay si Seki "Anong 'NOOO!!" Beb?" ginaya nya ang kaibigan sa inarte nito kanina lang, niyugyog ni Olivia ang kaibigan "Ito lang naman ang ibig kong sabihin, mag jowa pa nga lang kayo ni Kiyota, pinagbabawalan ka na nya sa mga damit na nais mo isuot what more kung mag asawa na kayo" inawat ni Seki ang kaibigan "Wait Beb nahilo na ako sa ginagawa mo" tinantanan naman sya ni Olivia sa pag alog ngunit nagsalita pa rin ito "Alam mo Beb, wala masama na irespeto ang gusto ng partners natin... I know wala ako jowa pero may naging boyfriend ako before" hindi maiwasan na mag giggle ni Seki sa comment ni Olivia "It only means you value your partner and respect them... However hindi pwede na oo lang ng oo, learn to say NO!! Remember hindi healthy na nababago na ang pagkatao mo... kung sino ka dahil lang sa gusto mo iplease ang kasintahan mo".
Inabsorbed naman ni Seki ang payo ng kaibigan, alam nya na nag aalala lang ito sa well being nya at may point rin ito "Besides, I'm sure Kiyota will protect you sa mga perverts around tsaka Beb, you are beautiful, you should be proud and confident to flaunt your body... Hindi ko sinabi na mag hubad ka okay". Umiling si Seki "But show a little bit of skin" bago tinapos ang kabisado na nyang dialogue ng kaibigan. Nag nod si Olivia habang nakapamewang "Yas!! Tsaka sa dagat tayo pupunta, maraming mga ulikba na magpapansin sa jowa mo.. good looking pa naman yung squad nila..". Hindi napigilan ni Seki ang malakas na tawa "Oh my gosh, ulikba talaga Beb? Ang harsh naman non". "Truth hurts Beb" mutter ni Olivia "Kung ulikba sila, ano naman ako... tayo?" tanong ni Seki. Inalis ni Olivia ang suot na facial mask at hinihagis sa basurahan "Well of course, we are mermaids... masyado maganda hindi kalevel ng mga ulikba...". Binalik ni Seki sa closet ang damit na pinakita nya sa kaibigan "Bakit naman mermaids?" sinabi ni Olivia na dahil pupunta sila ngayon sa dalampasigan "Pero sa ordinary days, disney princess us! Naisip ko nga ako si Aurora ng sleeping beauty, dahil kahit natutulog pak ang gondo ko!!" nag hair flip pa ito bago sinuot ang white halter top na nag end sa ibabaw ng belly button at pinares sa high waist denim shorts and flip flops. "Eh ako Beb? Sino ako sa tingin mo?" tanong ni Seki.
"Ayan ka na naman Beb, you should be confident, ang baba ng self esteem mo.."
"Pasensya na Beb, alam mo naman experience ko sa mga naririnig ko negative about myself"
"Anong sabi ko sayo, they are just jealous and insecure... Trust me! Oh dali sino ang naisip mo na disney princess na you see yourself?"
"Thank you Beb... palagi ka nasa tabi ko... Uhm, ikaw na lang magsabi kung sino sa tingin mo... I mean nakita mo ako as a princess"
Huminga ng malalim si Olivia, "To be honest I see you as Rapunzel... bagay sayo, because I know na once na kailangan mo ng tulong nandyan si Kiyota to rescue you... Alam ko rin na curious ka sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan, mga bagay at topics na gusto mo aralin pa... Kahit nandyan si Kiyota I know rin na you can stand on your own, ganon si Rapunzel sa kwento sa disney... Sorry Beb ang drama ko", napahinto naman si Seki sa paghahanap ng damit naintindihan nya ang point ng kaibigan "No, tama ka Beb I think it suits me". Masaya naman si Olivia at kahit paano na lift nya ang self esteem ng kaibigan "Yay! Dahil dyan, wear this na... And kapag inawat ka ni Kiyota... Sasapakin ko sya" tinaas pa nya ang braso na nakabuo ang kamao.
KNOCK KNOCK"SEKI!!! OLIVIA YSOBEL!!!! READY NA BA KAYO?"
"Saglit lang,Baby , mag bibihis pa kami"
"GIRLS, PAKIBILISAN AH... GUSTO KO NA PUMUNTA SA DAGAT" malakas na sabi ni Sakuragi
"Huwag mo minamadali ang baby ko!"
"Aray, Unggoy kanina ka pa ah"
"Sige Baby... hintayin namin kayo"
