Chapter 24

31 1 0
                                    

          "Tama nga si Beb" bulong ni Seki sa isip dahil mas mabilis sila nakarating sa bahay ng kanyang mga lola kung mag commute sila. 7:30 pm nasa bahay na sila kung nag commute sila aabutin sila ng dis oras ng gabi sa tanya ng dalaga ay mga alas dose ng gabi dahil sa mga stop over at ilang barangay na daraanan. Pagkarating nila ng bahay ay pinaghain na sila ng hapunan ni si Risa at Yuika, hindi na sila nakapag kwentuhan dahil pinatulog na agad sila "May susunod na araw pa para makapag kwentuhan tayo. Sa ngayon matulog muna kayo mga bata" bilin ni Risa sa kanila. 

            Nag stay silang apat sa bahay ng mama nya na si Rika, renovated na rin ang bahay nila. Buong akala ni Seki ay babalutin sya ng takot at bangungot dahil sa pagstay sa bahay ng kanyang ina ngunit hindi nya ito naramdaman bagkus mas relax pa sya siguro naisip nya dahil kasama nya si Kiyota matulog sa kwarto at magkayakap sila matulog. Sina Jin at Olivia naman ay natulog sa kabilang kwarto. Hinanda na ni Rio ang mga kwarto ng pinaalam ni Ma'dam Tomoko sa kanila kung kailan petsa darating sina Seki. Ang kapit bahay nila na si Manong Randy ay may bakante na mga kwarto na pwede tuluyan ng mga kaibigan ni Kiyota pagkarating nila ng probinsya. Wala naman problema kay Manong Randy dahil pinapaupahan nya ito para sa mga turista ng lugar nila.

              Nakapaligo at bihis na ng damit si Seki ng kumatok sa pintuan si Olivia "Seki.. Beb gising na ba kayo?" tanong nito at binuksan ang pinto. "Oo Beb, ako pa lang. Tulog pa si Kiyota" wika ni Seki. "Baka pwede gisingin mo na sya. Sabi ni Yuika-nee doon tayo mag breakfast sa kabilang bahay. Kilala mo si Lola Risa ayaw nya pinag aantay ang pagkain" bilin ni Olivia. Nag nod naman si Seki "Sige gisingin ko na si Kiyota. Thanks Beb". Nag wave lang si Olivia at isinara muli ang pinto.

"Kiyota, Baby wake up na... Mag breakfast na tayo" tinapik ni Seki ang braso ng boyfriend
"Baby, maaga pa. Five minutes pa" wika ni Kiyota at nag talukbong ng kumot
"Hindi pwede, magagalit si Lola Risa kapag hindi tayo sabay sabay kakain" paliwanag ni Seki

"Zzzzzzz" nag hihilik pa si Kiyota may naisip na paraan si Seki
"Kung hindi ka gigising, walang kiss..."

             Mabilis umupo si Kiyota ng kama "Ito na po gising na. Huwag mo ako tinatakot ng ganyan baby" nag pout ang binata. "Haha ayaw mo pa kasi gumising Baby. Oh ito na morning kiss mo" comment ni Seki at hinalikan ang pisngi ng boyfriend. Tinuro ni Kiyota ang lips nya "Dito Baby... Please". Nag smile si Seki at binigyan ng peck ang lips ni Kiyota "Ayan... Huwag ka na humirit pa. Maligo ka na bilisan mo". Wala naman nagawa si Kiyota at sinunod ang gusto ng girlfriend, kahit inaantok pa sya ay naligo muna sya at nagbihis bago pumunta sa kabilang bahay.

.
.
.
.
.

                Pagkatapos maligo ni Kiyota, agad nagtungo ang dalawa sa bahay ni Risa. Nakaupo na ang lahat at sila na lang inaantay. "Good morning po sa inyo. Pasensya na po Lola late kami" paghingi ng pasensya ni Seki. "Good morning. Pasensya na rin po" ginaya ni Kiyota ang girlfriend na humingi ng paumanhin. "Ayos lang. Sige na maupo na kayo at kakain na tayo" pag usher ni Risa sa kanyang apo at sa boyfriend nito. "Kiyota-kun, nag coffee ka ba sa breakfast?" tanong ni Yuika. Nag nod naman ang binata, tatayo na si Yuika para ipag timpla ng kape ang bisita nila ng pigilan siya ni Rio "Yuika, umupo ka na lang ako na gagawa. Bawal ka mapagod". Nagpasalamat naman si Yuika sa pagiging maalaga ng asawa nya.

                Nagtaka naman si Seki kung bakit masyado maalaga ang kanyang tiyuhin sa asawa nito pero hindi na nya vinoice out ang iniisip nya. Nagsimula na kumain ang lahat, nakita ni Seki sa tabi nya na magana kumain si Kiyota, nag giggle sya sa itsura nito. Napakamot naman si Kiyota "Ang sarap po ng pagkain nyo dito kaya magana ako kumain po" pag amin ng binata. Masaya naman si Yuika "Salamat nagustuhan mo luto ko. Sige kumain ka pa. Ikaw din Jin-kun.. Ang gwapo nyo pareho... Pero I think maamo ang mukha mo Jin-kun parang babae. Oh ito fried rice pa". Binigyan ni Yuika ng another serving ng fried rice ang plate ni Jin "Tita, tama na po ang dami" pag awat ni Jin. Tumawa naman si Rio.

"Pagpasensyahan nyo na si Yuika, natutuwa sya sa iyo" comment ni Rio
"Oo, Jin-kun, baka pinaglilihian ka ni Yuika" wika ni Risa
"LIHI???" chorus nina Seki, Kiyota, Jin at Olivia

"Yes... We're pregnant" chorus naman ni Yuika at Rio

              Mas naging masigla ang breakfast ng lahat. "Congratulations po Yuika-nee" comment ni Olivia. Tumayo si Seki at niyakap ang tiyahin "Tito, talaga naman agad agad pagkauwi nyo may baby na agad. Bilisin kayo haha... Congrats po Tita.. sana po baby girl". Hinaplos ni Yuika ang braso ng pamangkin na naka yakap sa kanya "Thank you Seki. Ang Tito mo excited na sundan si Andrei. Haha". Bumalik na sa kanyang upuan si Seki "Nasaan po ba si Andrei?". "Natutulog pa ang bata na yun. Napuyat kapanood ng idol nya" paliwanag ni Risa. "Yuika-nee, Rio-nii kumusta naman po si Andrei hindi po ba sya nagselos?" tanong ni Olivia. Ipinaliwanag naman ng mag asawa na naiintindihan ni Andrei at excited sya na maging 'big brother'. Nakahinga naman ng maluwag si Seki, inaalala nya ang kanyang pamangkin, baka makaramdam ito ng selos at hindi tanggapin ang magiging baby brother or sister.

"Tita, ilan buwan na po kayo?" tanong ni Jin
"4 mag 5 months na next week" sagot ni Yuika at hinaplos ang tyan

"Alam nyo na po ba ang gender?" tanong naman ni Kiyota
"Next month pa namin malalaman" paliwanag ni Rio

"Sana Babae" chorus ni Seki at Olivia
"I think Babae, dahil madali ang pregnancy ni Yuika this time" comment ni Risa

              Nag agree naman si Rio "Hirap sya noong pinagbuntis nya si Andrei.. Kung hindi naman babae okay lang, subukan na lang ulit next time hanggang magka baby girl na tayo, Di'ba nga Darling?". "ANATA!" nahiya si Yuika sa sinabi ng asawa at tinapik ang braso nito. Nagtawanan naman ang lahat.
.....

             Naiwan sa hapag kainan ang apat, abala sa pag check si Kiyota sa agenda nila ngayon araw. Dumating naman si Risa at tinanong ang mga bata kung kailan sila mag start ng filming, "Lola, sa susunod na linggo pa po darating mga kasama namin, dun pa lang po kami makapag start ng filming" paliwanag ni Kiyota. May thoughtful look naman si Risa "Lola bakit po?" nag aalalang tanong ni Seki. "Ah wala apo. Naisip ko lang bakit hindi nyo itake ito na advance research para puntahan mga tourist spots sa bayan natin... Para makapag date kayo ni Kiyota-kun" sinabi ni Risa ang naisip nya "Wow lola, ang ganda po ng naisip nyo parang kayo po maganda pa rin" compliment ni Kiyota. "Hoho, binobola mo naman ako iho, pero salamat. Seki puntahan nyo na agad nina Kiyota ang tourist spot here.. Maganda ang bayan natin ng Nara" pagmamalaki ni Risa.

             "Maaga pa po Lola" comment ni Seki. "Pamangkin, kaya kayo pinapaalis ni Nanay dahil kapag nakita ni Andrei na kasama mo si Kiyota, sabihin na lang natin na hindi nya kayo lulubayan. Hahaha" sumali sa usapan si Rio na nagbabasa ng dyaryo sa sofa. Tumawa naman si Olivia "Beb, tomo si Tito, possessive si Andrei sayo.. Wala na chance si Kiyota-kun kaya lumayas na kayo dalawa dito". "Mabuti na lang ready to go na ako. Tara na Baby... Mabilan din ng pasalubong si Andrei" pag yaya ni Kiyota sa girlfriend. "Uy, nagpapalakas sa bata" asar ni Jin. Nag pout naman si Kiyota "Ewan ko sayo Jin". Nag tawanan naman sila lahat "Hindi ba kayo sasama sa amin, Olivia? Kuya Jin?" tanong ni Seki. "Nah" chorus ng dalawa. "Moment nyo yan.. Dito na lang kami" paliwanag ni Olivia. "Enjoy kayo" tipid na wika ni Jin.

             Wala naman nagawa ang dalawa, at umalis na. Dinala ni Seki ang notebook na binigay sa kanya ng Mamita ni Kiyota para sa listahan ng mga bagay at lugar na gusto mafeature ng client ng company nila. Nang makaalis ang couple, niyakap naman ni Olivia si Risa "Lola, thank you po at payag kayo sa plano namin. Hihi" kilig na sabi ng dalaga. "Wala yun Oli. Gusto ko rin naman makapag date si Seki at Kiyota. Kilala ko si Tomoko, walang makakapigil sa gusto nya" wika ni Risa. Tumayo naman si Jin at lumapit sa dalawa "Lola, ito po yung plano", ipinaliwanag ng binata ang ideas at senaryo na naisip nila para mas maging malapit sa isa't isa sina Seki at Kiyota. Natawa naman si Risa dahil sa sinabi ni Jin, kahit si Olivia ay hindi mapigilan matuwa maging ma excite sa mga susunod na kaganapan.

"Jin, Oli bakit hindi rin kayo mag date, katulad nila Seki at Kiyota?" suggestion ni Rio
"Busy po si Jin, Tito. Tsaka friends lang po kami" pagtanggi ni Olivia

"Artista ka na ngayon, Oli. Ang showbiz ng sagot mo" asar ni Yuika na nagising mula sa nap nito
"Hehe hindi naman po" paliwanag ni Olivia

"Tara Cinnamon, mag date din tayo" pag anyaya ni Jin

             Namula naman ang mukha ng dalaga, "Haha friends lang daw" asar ng mag asawa. "Sige na Oli, paunlakan mo na si Jin-kun. Dyan nag sisimula yan" pag pilit ni Risa at inasar rin ang dalawa. "Salamat Mr. Bucket.. Tara na para mahabol natin sina Seki" pagpayag ni Oliva. Nag cheer naman si Rio at Yuika "Yes! May bago loveteam.. Darling parang us lang ng mga bagets pa tayo" comment ni Rio. "Bagets pa rin tayo. At may tawagan na sila with each other" pagtatama ni Yuika. Tumawa lang si Jin at Olivia, "Paano nyo malaman kung saan pumunta sina Seki at Kiyota, marami tourist spots here sa Nara?" kuryosong tanong ni Risa. "Inopen ko po GPS ng phone ni Seki / Kiyota" sabay na sabi ng dalawa. "Apir!" nag apir sina Jin at Olivia dahil pareho sila ng inisip.

"Sige ingat kayo.. Pwede nyo ba ako uwian ng matcha mochi?" request ni Yuika
"Sure Tita. Text lang po kayo if may gusto pa kayo ipabili" sagot ni Olivia

"Alis na po kami. Salamat po" pag papaalam ni Jin

              Bumaba na ng hagdan sina Jin at Oliva at mabilis ng drive ang binata para sundan ang kaibigan. Bumalik naman sa pagpungkit ng gulay si Risa para paghanda ng kanilang pananghalian, sa susunod na araw pa may order ng rice cake sa kanila. May naisip naman sya na idea "Ay Seki apo, magugulat ka sa surpresa ni Lola" bulong nya sa isip. Ang mag asawa na Rio at Yuika ay nasa sofa. Minamasahe ni Rio ang sore feet ni Yuika "Salamat Anata. Yung sa gitna... Ayan... Ang sakit kahit hindi ako masyado mag lakad" paliwanag ni Yuika. "Aalagaan kita Yuika, kaya pahinga ka lang at huwag magpakapagod" wika ni Rio habang pinagpatuloy masahiin ang paa ng asawa.

             After 30 minutes bumukas ang pintuan ng kwarto ni Andrei, niyakap agad ng bata ang kanyang ina "Good morning Mama". "Good morning anak" bati ng mag asawa sa kanilang anak. May hinahanap naman si Andrei nagkatinginan sina Rio at Yuika, inantay nila magtanong ang anak.

"Mama, kain na po ako" wika ni Andrei
"Sige, paghain ka ni Mama" tugon ni Yuika, tinulungan naman ni Rio ang asawa

"Si Seki-neechan nasaan?" tanong ni Andrei
"Ah may pinuntahan lang" tipid na paliwanag ni Rio

"May pinuntahan kasama ang boyfriend na si Kiyota-kun" dinagdagan ni Risa ang sinabi
ng anak

              Nag count down naman sina Rio at Yuika, hindi nga sila nag kamali "AHUUHHHU" malakas na iyak ni Andrei. "Nanay" may tono ng pangaral sa boses ni Rio. Tumawa lang si Risa sinadya nya na ipaalam sa apo kung sino kasama ni Seki. Binuhat ni Rio ang anak na si Andrei at pinakalma.

"Tahan na Andrei.. May work na gagawin si Ate Seki mo kasama nya si Kiyota"

"Papa, inaagaw ni Kiyota si Ate Seki ko. Huhu" atungal ni Andrei
"Hindi anak, love ka pa rin ni Ate Seki" pag comfort ni Yuika

"Huwag ka na umiyak, ang sabi ni Kiyota, bibigyan ka nya pasalubong mamaya" pag amin ni Rio

            Nag nod naman si Andrei "Hmmp.. Pahiram ko lang sa kanya si Ate Seki", "Anak hindi laruan ang tita mo" pangaral ni Yuika. "Opo mama. Love ko lang si Tita Seki, katulad ng love ko sa inyo ni Papa at Lola. May number po ba kayo ni Kiyota, sabihin nyo ingatan nya si Tita Seki at yung toy ko huwag nya kalimutan" sagot ni Andrei. Tumawa naman si Rio "Oo, anak, itext ni Papa sina Kiyota at Seki.. Kumain ka na". Nagpababa si Andrei sa kanyang ama at nagsimula na kumain ng umagahan.

             Natawa lang si Yuika ng nakita na may disappointed look si Rio samantala may mischievous smile naman si Risa "Ah, mabuti hindi nagmana si Seki kay Nanay" bulong nya sa isip. 

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon