Chapter 27

24 1 0
                                    

            Huli pinuntahan ng couple sa Nara park ang Tamukeyama Hachimangu Shrine. Nagsulat sina Kiyota at Seki sa maliit na papel at sinabit sa isang wall dedicated sa mga turista.

"Konti lang pumupunta dito"
"Malayo na kasi ito sa entrance at sa Nara Park" paliwanag ni Seki

"Dapat pala ang ginawa natin inuna natin puntahan yung magkakalapit kaysa naman punta tayo sa unahan tapos sa dulo tapos babalik na naman tayo sa entrance ng Nara Park" comment ni Kiyota

"Oo nga eh.. Pero hayaan mo na at least alam na natin sa susunod" pag sang ayon ni Seki
"Baby... may next time pa?" hopeful si Kiyota

"Aba syempre... sa new years eve babalik tayo dito. Or ayaw mo ako kasama, may iba ka ba ka date?"
"Hindi Baby... ikaw lang Seki ang mahal ko... Iniisip ko lang na baka you know hindi mo na ako love"

"Ay sus nag drama pa baby ko... Mahal din kita... Gutom ka noh kaya ka mas sweet"
"Sweet naman ako tsaka hot pa... Hehe... dahil sinabi mo, gutom nga ulit ako kasi haba ng nilakad natin"

           Tumawa ang dalaga sa sinabi ng boyfriend, may nakita si Seki na nagtitinda na Coco Curry sikat na comfort food dito "Apat nga po Manong". Hinanda naman ng tindero ang order, nagtaka naman si Kiyota pero hindi na sya nagtanong "Baby, ikaw mag bayad" nag paawa look si Seki. Natawa naman si Kiyota "Budol na ang baby ko... Sige na nga" napakamot ulo ang binata at binayaran ang order ng girlfriend. Bumalik silang dalawa sa rental at isinauli ang kimono at hamaka na suot nila. Sinabi naman kanina nila Rika na washed and disinfected ang mga pinapasok nila sa mga bisita. "Thank you Sir and Miss. Please come back again" spiel nina Rika at Minoru. Nag smile naman si Kiyota, "Thank you din". Iniabot ni Seki ang dalawang Coco Curry na inorder nila kanina "Para sa inyo.. Thank you Rika-san, Minoru-san".

            Tuwang tuwa naman ang dalawang staff "Wow, thank you". Umalis na sina Kiyota at Seki at sumakay sa kotse na dala ng binata. "Ang dami pala tourist spots here sa Nara" comment ni Kiyota. Nag nod naman si Seki, "May gusto ka pa ba puntahan Baby?". Sinabi ni Kiyota hindi nya maalala yung pangalan ng shrine. "Ah, alam ko na tinutukoy mo, look mo na lang sa waze yung route paano pumunta sa Kasuga Grand Shrine". Excited naman si Kiyota "Oo Baby ayun nga Kagasu Grand Shrine".

"Kasuga...." pagtama ni Seki
"Kagasu.. Batsa yun na yun" wika ni Kiyota

"Hahaha... Okay Baby"
"Tsaka pala Baby pa help pumunta sa bilihan ng toys at pasalubong kina Lola Risa, Tito at Tita "

             Ngumiti naman si Seki "Hai.. Hai... drive ka na Kiyota-kun, 1:37 pm na marami pa tayo puntahan". "Sa susunod pagbalik tayo ng Nara puntahan natin ang ibang shrines" dagdag ni Kiyota. Nagulat na lang ang binata ng nasa mukha na nya ang Coco Curry "Bite ka muna Baby. Papakainin kita habang nag drive ka" comment ni Seki. Kilig na kilig naman si Kiyota "Thank you baby.. I love you". "I love you too, Baby" tugon ni Seki. Nag drive na si Kiyota papunta sa Kasuga Grand Shrine.

Sumakay ng sasakyan ang dalawa ang pinuntahan ang lugar ang sinabi ng dalaga.
.
.
.
.
.

            Bago pumunta sa Kasuga Grand Shrine nagpunta sila sa Owl Cafe sa Watawata, enjoy ang dalawa sa food maging sa bonding sa mga owls, ang katabi ni Kiyota ay gising samantala ang malapit kay Seki ay nakapikit ang mata, hinahaplos ng dalaga ang ulo nito "Sa palagay ko gusto nya ang ginagawa ko.. Hihi ang cute" coo ng dalaga sa kasama nya na owl. Pinakatitigan ni Kiyota ang kuwago, "Baby... Kung regaluhan ko kaya si Rukawa ng owl. They will compliment each other kasi palagi tulog din yun". May contemplative look naman ang dalaga "... hindi ko sure if allowed mag alaga ng owls ngayon pero may point ka, why don't you give him and your friends items na pareho ng animals na mayroon sa Nara... Tulad ni Rukawa-san owl pwede yun... Si Maki-san, Hanagata-san at sino pa ba pwede si Ikegami-san deer ang igift mo sa kanila they have sharp minds... ". Sumang ayon si Kiyota "Seki-chan... oo eksakto pagka describe mo sa kanila" sinabi rin ng binata kung ano ibibigay nya sa mga kaibigan. May hindi nabanggit na pangalan si Kiyota na nagtaka si Seki "Kiyota... Baby, ano ibibigay mo pasalubong kay Sakuragi although pupunta naman sila next week here".

               Nginuya muna maigi ni Kiyota ang kinakain nya and he swallowed, after that sinagot nya ang tanong ng girlfriend "Tsk.. Saging iregalo ko sa kanya... Unggoy naman yun". Hindi napigilan matawa ni Seki "Eeh... Baby, diba pareho lang kayo?" inasar nya ang boyfriend. May offended look naman ang binata "Baby... Huhu, how could you" pagdrama ni Kiyota, pinagpatuloy ni Seki ang pagkain nya, pasimple nya tinignan ang boyfriend at nagtatampo ito, "Baby" pag tawag nya.. Tumingin naman si Kiyota at nakita ang fork na may cake at plano sya subuan ni Seki, hindi naman nya ito tinanggihan "Tampo ka pa?" tanong ng dalaga. Umiling si Kiyota "Hindi na Baby... Hihi". Nag smile naman si Seki at nagkuwentuhan sila muli ni Kiyota.

....

              Umalis na ang dalawa sa cafe not before buying cake na dagdag sa ipasalubong nila sa pamilya ni Seki. "Ay pano yan, matunaw to, marami pa tayo pupuntahan" wika ni Seki habang nakatingin sa bitbit na box ni Kiyota. "Ma'am, baka gusto nyo po balikan na lang" pag offer ng cashier. "Pwede po ba?" tanong ni Kiyota. Nag nod ang cashier bilang tugon "Sabagay, ito naman madadaanan natin pauwi" wika ni Kiyota. Nilagyan ng cashier ng note ang box ng cake at binalik sa ref. Lumabas na ang dalawa at sunod na pupuntahan ang Kasuga Taisha Shrine. After 20 minutes ay narrating nila ito, free ang entrance sa lahat katulad sa Todaiji Temple Tower Bell, pumila rin sila. Nag antay sila ng another 8 minutes bago nakapasok, at nagpunta ang dalawa sa pinaka sentro ng Shrine. Pinikit ni Seki ang kanyang mga mata at mataimtim na nagdasal, Kiyota seeing his girlfriend praying do the same, "Sana po kung may dumating may pagsubok sa amin relasyon ay gabayan nyo kami at kami parin po hanggang dulo". Hindi man out loud ang pagdadasal nina Kiyota at Seki ngunit pareho lamang ang dinadalangin nila.

           Nilibot nila ang Kasuga Taisha Shrine, marami rin ang katulad nila na nagdarasal, umupo sina Seki at Kiyota sa wood log na nadaanan nila.

"Kiyota, alam mo ba na ang Kasuga Taisha Shrine ang pinaka importante na Shinto Shrine here in Nara"
"Aa... dalhin ko kaya sina Mamita and Mom, Dad here pagpunta natin sa new year okay lang sayo kasama sila?"

"Oo naman... I'm sure matutuwa sina Mamita... Teka bakit ganyan itsura mo, kapag nakita ka ng crew mo aasarin ka nila masyado ka seryoso"

Nakakunot ang noo ni Kiyota at seryoso tinitignan ang sahig, now lang nakita ni Seki na ganito kaseryoso ang boyfriend bukod kung tungkol sa kanya ang usapan

"Hindi Seki, may naisip kasi ako... bago ko sagutin, anong crew sinasabi mo. Friends kami kahit magkakatrabaho at ako boss syempre"
"Haha... Angas ah... crew sila Sakuragi-kun... Ano, as in kurimaw. Hahaahah" asar ni Seki

"Hmmp... Grabe hahaha mang aasar ka na rin.. Apir" nag apir nga ang dalawa
"Oh ano na nga yung iniisip mo"

"Diba ito yung Kasuga Taisha Shrine... Naisip ko lang yung Rurouni Kenshin at Inuyasha... Di'ba si Kenshin Himura ang tawag sa kanya si Battousai... Sa Inuyasha naman si Sesshomaru may Tenseiga... Yung name na Kasuga Taisha Shrine bagay sa mga samurai and swords related stuff" comment ni Kiyota

                Gumawa pa ng slicing actions ang binata na animo siya si Battousai or kaya naman ay si Sesshomaru. Natatawa naman si Seki sa pinag gagawa ng boyfriend.. Patuloy pa rin si Kiyota na nag wield ng imaginary sword kahit pinagtitinginan sya ay wala syang pakialam "Noong bata ako inaabangan ko yung dalawa na yan... Ang cool kasi eh. Hiyaah!! Ganon.." another slicing motion na naman "Hindi mo ba alam ang anime na yon Seki?". Sinipa sipa ng dalaga ang lupa na nasa paanan nya "Iba kasi ang alam ko na Battousai". "Huh may iba pa ba bukod kay Kenshin Himura?" interested na tanong ni Kiyota at umupo sa tabi ng girlfriend. "Yung kilala ko kasi yung Battousai na nanghihingi ng Bulalo yung sinusupsop at hindi kap nudel" tugon ni Seki, ginaya nya ang pagkakasabi ng lalake sa tv ng words na "bulalo' at "cup noodles". Humagalpak naman ng tawa si Kiyota, alam nya ang balita na yan, may luha na sa gilid ng mata kakatawa. "Baby... Ang cute mo talaga simple lang sinasabi mo pero nakakatawa".

          Nakisali rin si Seki sa pagtawa "Glad that made you happy, Kiyota-kun", may naramdaman na naman si Kiyota na nagmamasid sa kanila "Sa Todaiji Temple pati sa Owl Cafe pakiramdam ko may sumusunod sa amin... Poprotektahan kita Seki" bulong ng binata sa sarili. Iniisip nya na may nagkaka interest sa girlfriend at kailangan nya maging alert para mapangalagaan ang safety ng kasama, hindi sya papayag na maagaw ng iba ang dalaga. Hinawakan nya ang kamay ni Seki "Baby, punta na tayo sa sinabi mo yung sa Naramachi District". Nag smile naman ang dalaga sa boyfriend nya "Sure.. Marami mabibili don.. Hindi ka na sungitan ni Andrei.. Hehe cute ng pamangkin ko", comment ni Seki. Sumakay sila ng saksakyan at tinungo ang Naramachi District.
.
.
.
.
.

           Inabot ang couple ng 3 oras pamimili at pagiikot, hindi na sila kumain para mag merienda, alam ni Seki na maghahanda ng hapunan ang lola at tiyahin. 5:30 pm na sila nakabalik ng bahay at umakyat sila ng hagdan na nasa gilid ng bahay. Nasa 2nd floor ng bahay ni Risa ang mismong bahay maging mga kuwarto, ang baba or ground floor ay ang kusina na ginagamit nila sa pagluto ng rice cakes, magkapareho ang design and structure ng bahay ng mag ina na sina Risa at Rika. "Kiyota-kun, iho... matulog ka muna alam ko napagod ka.. Salamat pala sa toys na bigay mo kay Andrei nag abala ka pa... pati sa cake" wika ni Yuika. Tumingin ang binata sa girlfriend nya, "Sleep ka muna... Tama si Tita nakakapagod mag drive... Tutulungan ko sila Lola sa dinner, gisingin kita kapag kakain na" tugon ni Seki.

           Nag nod si Kiyota "Thank you po Tita... Wala po yun at least sana friends na kami ni Andrei. Hehe.. Seki-chan salamat", hinatid ni Seki sa kabilang bahay si Kiyota at pinatuloy sa kwarto nya pagkatapos ay bumalik sa sa bahay ng lola at agad tinulungan ang tiyahin at lola sa paghahanda ng hapunan. Hinanap nya ang kaibigan sa mga kasama ang sabi sa kanya ay namasyal sina Olivia at Jin sa bayan dahil may pinabili si Yuika sa kanila na nakalimutan na ingredient para sa ulam. Hindi na nagtanong si Seki at sinimulan mag gayat ng meat na ipang gisa.


(Meanwhile)

"Ma, pinatawag nyo po kami?" bungad ni Hayato sa mother in law na si Tomoko
"Ah yes... nasaan si Nanami?"
"Paakyat na po sya, may nakasalubong po kasi na investor at alam nyo na po nakapag kwentuhan sila"

            May maliit na ngiti si Tomoko sa sinabi ni Hayato "That's my daughter in deed. Let's wait for her". Nagtataka naman si Hayato kung bakit sila pinatawag na mag asawa, tapos na ang office hours uuwi na dapat sila tatlo ngunit sinabi ni Tomoko na may sasabihin sya sa kanila kaya heto sila ngayon, inaantay lang si Nanami. Hindi na nag hintay ng matagal ang dalawa dumating na ang asawa ni Hayato, "Hi Mommy... Darling, ano po pagusapan natin... Sorry I met someone I knew... eh di slight chika, hehe" paliwanag ni Nanami. "Alam naman namin, no need to explain dear" Hayato slightly teases his wife. Tawa lang ang naging tugon ni Nanami. Pinalapit ni Tomoko ang dalawa sa kanya "May ipapakita ako sa inyo" tipid na paliwanag nya.

            Nagkatinginan naman ang mag asawa at sabay pumunta upang tabihan si Tomoko sa computer chair nito, binuksan ni Tomoko ang viber app at clinic ang files na pinadala sa kanya.

"Kyaaaahhhh... Darling, nag date sila hihi" kilig na wika ni Nanami
"Wow... mana sa akin si Kiyota, naisingit ang lovelife sa trabaho" proud si Hayato sa ginagawa ng anak at boto naman sila kay Seki kaya wala sya masama na nakikita

"Naka traditional clothes sila at aww sa Nara Park and sa mga shrine ang cute" coo ni Nanami
"Ma... ngayon po ba araw yan? Paano po kayo nakakuha ng pictures, si Seki-chan po ba nag send sa inyo" sunod sunod na tanong ni Hayato

"No, anak... Naalala nyo yung bestfriends nina Kiyota at Seki,, sila nagpadala sa akin, kinausap ko sila before na sendan ako ng updates bago pa pumunta si apo ko at girlfriend nya sa Nara" paliwanag ni Tomoko

             Isa isa in iscroll ng tatlo ang pictures ng young couple mula sa Todaiji Temple hanggang sa Naramachi District. Bumalik sina Nanami at Hayato sa upuan sa unahan ng computer table ni Tomoko, napailing na lang si Hayato ng marinig ang mga naisip na plano ng kaibigan ni Seki, Nagsalita si Nanami "Mommy, alam ko yang mga tingin nyo... pagkatapos ng mission ninyo kina Kiyota at Seki, si Soichiro-kun naman ang i match nyo..."  Tahimik lang si Tomoko pero alam nina Nanami at Hayato na ganun nga ang gagawin ng nakatatanda. Huminga ng malalim si Hayato "Ma... baka po friends lang sila... I mean hindi interested sa isa't isa". May knowing look si Tomoko at ikinuwento ang nalalaman. Dahil sa sinabi ng mother in law ay natawa si Hayato maging si Nanami.

           "Before I forgot... tinawagan ako ni Risa kanina, at sinabi nya ang plano nya para kina Kiyota at Seki" panimula ni Tomoko. Nag sparkle naman ang eyes ni Nanami at hindi nya napigilan ang pag squeal "Kyaaah... iniimagine ko pa lang kinikilig na ako.. Pa kuhanan mo kina Soichiro-kun Mommy" request nya. Nag sip ng tea si Tomoko "On process dear", habang nag uusap ang mag ina, nagdarasal naman si Hayato para kay Seki "Seki-chan... good luck huhu".


Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon