Loud music, bodies grinding and camera flashing ilan lang yan sa nakikita ko ngayon. "Why did I decide to join these bunch of monkeys" paulit ulit kong tanong sa aking sarili. Napabuntong hininga na lamang din ako dahil sa kalokohan pinag-gagawa ng mga kaibigan ko. Pinagmamasdan ko sila habang gumagawa sila ng malaking kahihiyan na hindi na nila maalala kinabukasan, sigurado ako mga lasing na 'to.. Tahimik lang ako while drinking the alcohol they gave me earlier. Iniisip ko pa din ang nakaraan at ang nangyari kanina...
-Flashback-
(LunchBreak)
"TGIF! TGIF!" cheer ni Koshino at Sakuragi. Kasama ko sila sa advertising company owned by my grandmother. Sobrang saya ng dalawa dahil Friday na ngayon at wala pasok hanggang lunes dahil sa special holiday na ina-nnounce ng local government.
"Kiyota, why sad? Dapat nga happy ka dahil wala tayo pasok bukas" tanong ni Jin. Para sa akin, si Jin lang ang masasabi ko na matino kong kaibigan at parang kapatid ko na din sya dahil simula pa lang magkasama na kami at pinapangaralan ako sa mga kapalpakan ko noon. Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nagsalita naman 'tong feeling matalino..
"Iniisip pa din nya yung mga babae na niloko n'ya noon.. Nyahahahaha, karma mo yan unggoy. Sinabi na kasi naman sa'yo, tigilan mo na mga kalokohan mo, pero ano nakinig ka ba sa amin.. Syempre hindi" paliwanag ni Sakuragi habang nilalantakan ang bento na baon nya.. Sumali naman sa usapan si Koshino "Alam mo, tama naman sinabi ni Sakuragi, akalain mo yon may nasabi din sya tama... HAHAHAHHA"..
"SHADDAAAPP. Hmmp"
"Pero, ayun nga.. Tignan mo Kiyota, ilang babae na sinaktan mo, naalala ko yung pinakamalala yung sino nga ba yun, yung super bait, maalaga at tanggap ka kung sino ka pero sinaktan mo lang sya ng sobra.. Hindi ka nya ginantihan, harap harapan mo niloko tapos ngumiti lang sya sa'yo noong inamin mo at nag walk out" pagpapatuloy na paliwanag ni Koshino.Sumali naman sa usapan si Mitsui "Ay nalala ko pangalan n'ya, si Seki!". Nag nod naman ang mga boys "Oo, si Seki nga. Super bait nya". Pinagtanggol naman ni Jin ang kaibigan "Oo mali si Kiyota, at si Seki ang last naging girlfriend nya. Hindi n'yo alam 'to pero pinahahanap ni Kiyota si Seki, sa kanya lang talaga tinamaan 'tong kaibigan natin. Unfortunately, kahit anong hanap namin hindi nagpapakita si Seki" napabuntong hininga na lang si Jin dahil hindi talaga nila mahanap si Seki.
"Kung ako naman si Seki, hinding hindi na ako magpapakita kay Unggoy. Sobrang sakit ng mga ginawa n'ya noh. Kaya tama lang umiwas na sya sa mga katulad ni Kiyota" sabi ni Sakuragi.
Bumuntong hininga na lamang ako at nagpaliwanag "Oo na mga Pre, mali talaga ang ginawa ko. Inaamin ko din na ang biggest regret ko ay yung pagtrato ko kay Seki at pagtake for granted ko sa kanya, ilang taon ko na sya hinahanap hindi ko talaga sya makita". Sinapo ko na lang ang noo ko dahil ayaw ko malawan ng pag-asa pero mahirap panghinaan ng loob lalo na at ilang taon na wala balita tungkol sa kanya."5 years na, wala pa din update.. Baka naman .... Patay na si Seki" sagot ni Sakuragi. Napatingin naman ako sa kanya at sinamaan ng tingin. Binatukan naman sya ni Mitsui "Sakuragi, ano ka ba, buhay pa yun noh.. Ikaw naman Kiyota hwag ka makikinig dito.. Sumama ka na lang sa amin mamaya sa bar". Nag nod naman ang boys at pinilit sumama si Kiyota sa kanila.
-END OF FLASHBACK-
I was interrupted with my thoughts nang magsalita si Sakuragi "Hoy, umayos ka nga Unggoy, nag eemote ka na naman . Oh, shot pa" inabot nya ang shot glass. Tinanggap ko naman ito at ininom. Kumpleto na kami magkakaibigan ngayon gabi, si Hikoichi ang tumawag sa lahat.
Nagkwekwentuhan kami ni Maki at Jin nang may marinig kami na nabasag na mga baso at binalabag na lamesa.. Napalingon kami lahat, kami lang ang tao sa bar maliban sa mga staff at 3 lalake na nanggugulo.
