6 weeks has passed since nagkabalikan sina Kiyota at Seki. Pinanindigan ng binata sa kanyang girlfriend na seryoso ito sa kanya at patuloy na nililigawan ang dalaga kahit napatawad na sya nito. Busy sa kanya-kanyang trabaho sina Kiyota at Seki ngunit hindi nila kinalimutan na bigyan ng oras at atensyon ang bawat isa. Isang beses tinanong ni Kiyota si Seki kung bakit sa bar n'ya napili magtrabaho at hindi sa corporate world, graduate si Seki ng BS Psychology "Baby sayang naman ang kurso mo, hindi ako against na mag work ka sa Bar at don't get me wrong hindi ko kinakahiya ang trabaho mo. Inaalala ko lang ang safety mo" pag amin ni Kiyota sa iniisip nya. Naalala nya ang time na binastos si Seki ng isang customer at sa sobrang galit binugbog nya yung lalake. "Need ko pa bayaran ang remaining balance sa bill ni Mama. Don't you dare help me this time Kiyota", pinigilan ni Seki ang alam nya na ioffer ng boyfriend nya "Besides ang dami nyo na naitulong sa akin, nina Tita, Tito and Mamita. Kung nag work ako sa corporate world ilan taon pa gugugulin ko para mabayaran ang bill ni mama, pero sa bar may mga tip din ang nareceive malaki tulong ito".
Sinabi din ni Seki na masaya sya magtrabaho sa bar dahil sa mga kasamahan nya, mas propesyonal pa sila kaysa sa mga nagtatrabaho sa corporate world. Naisip ni Kiyota na tama ang sinabi ng girlfriend, minsan kung sino pa yung mataas ang pinag aralan sila pa yung walang malasakit sa kapwa at walang magandang pag uugali. "Sige hindi ako tutulong sa pagsettle ng bill ni Tita Rika, pero remember this baby, nandito ako huwag mo solohin ang problema mo at kung may gumugulo sa isip mo talk to me and I will listen" wika ni Kiyota at binigyan ng ngiti si Seki. Na appreciate naman ni Seki ang sinabi ng kanyang boyfriend, may pagkakataon na mas mahalaga yung may nakikinig lang sayo kaysa magbigay ng payo kapag may problema na kinakaharap. Masaya sa pakiramdam na may tao na willing na makinig kung ano ba ang nararamdam mo, whether may problema or wala.Samantala nasa bahay ng pamilya Nobunaga sina Kiyota at Jin. Araw ng sabado at tinulungan ni Jin ang kaibigan na mag impake para sa pagpunta nito kasama si Seki sa probinsya for the documentary na kailangan gawin. Naka sandal sa bed frame ang binata at nagbabasa ng libro si Kiyota naman ay nakaupo sa sahig at isa isa nilalagay sa maleta ang mga damit nya. Nagtaka naman si Jin kung bakit sa sahig nakaupo ang kaibigan.
"Kiyota, bakit ka sa sahig nakaupo?"
"Bakit? Wow Pre hiya naman ako sayo eh yung mga binti mo naka extend sa kama ko so saan ako uupo?"
Napakamot ulo si Jin "Haha sorry engrossed kasi ako sa pagbabasa. Sandali ayos ako ng pwesto", umayos nga ng pagkakaupo ang binata sa kama. Tumayo naman si Kiyota at lumipat na sa kama binuhat din nya ang kanyang maleta at pinatong sa kama.
"Nga pala, kamusta naman kayo ni Seki?" tanong ni Jin at sinara ang libro na binabasa nya kanina
"Going story naman kami ni Baby. Excited na nga ako mag travel kami together" pag amin ni Kiyota at hindi maitago ang kilig na nararamdaman
"Pansin ko nga" asar ni Jin dahil sa kinikilos ng kaibigan
"Eh... Talaga ba? Ganun ako ka obvious?" inosenteng tanong ni Kiyota
Nag nod naman si Jin at tumawa. Nagkaroon naman ng alanganin na ngiti sa mukha ni Kiyota. Naputol ang usapan nila ng may bumukas ng pinto "Tweedledum and Tweedledee, mag merienda muna kayo" bati ng pumasok sa kwarto.
"Grabe ka naman sa amin, bakit ganyan pa din tawag mo sa amin ni Jin?" tanong ni Kiyota
"Hahaha. Batas kasi ako. May reklamo?"
Umiling naman si Kiyota, wala pa sya death wish kaya he knew better kapag ginalit nya ito
"Salamat Ate. Ang busy mo simula ng bumalik ka ng Japan" bati ni Jin
"Business Meeting here and there you know the usual. Ano pala ginagawa nyo dito?"
"Nag ready ako punta kami ni Seki baby sa province nila" paliwanag ni Kiyota
"Aww.. Mabuti nagkaayos na kayo. Huwag mo na pakawalan si Seki okay?" seryoso ang tone nito at nag nod naman si Kiyota sisiguraduhin nya na hindi na makawala sa kanya ang girlfriend
"Sino kasama n'yo?" pag direct ng tanong kay Kiyota
"Kami muna ni Seki kasama yung friend nya na si Oli. Syempre kasama ko din si Jin, sina Unggoy susunod na lang" paliwanag ni Kiyota
Pakiramdam ni Jin may spark ang mata ng ate nya at napalunok na lamang sya hindi nga sya nagkamali at naging excited na ito, "Oli... I heard of that name before... Oli... Oli... Aha si Olivia!". Nagulat naman si Kiyota "Kilala mo din si Oli, Ate Fumiko?". May something sa ngiti ni Fumiko na pakiramdam ni Kiyota ay tinataunt sya nito. "Tweedledee, you never guess what... You know me the ever caring big sis of Soichiro-kun, I want to surprise him pag uwi sa Japan unannounced pero ako pala ang susurpresahin ng kapatid ko. Pinuntahan ko sya sa bahay nya dahil sabi ni Mom ano oras na at hindi pa umuuwi. Umaga na ako nakapunta at alam mo ba kung ano bumungad sa akin?"... pa suspense na kwento ni Fumiko.
Umiling naman si Kiyota "Ano nakita mo Fumiko-nee?". Nag hair flip si Fumiko at tinama ang sinabi ng binata "Hindi ano... Sino, well somehow ano nga... Ayun na nga, Haha. May babae lang naman na naka suot ng tshirt ng kapatid ko may towel sa buhok habang nagluluto sa kusina. Take note barefoot si Girl at sya lang naman ang nameet ko sa bar". Binigyan naman ng nakakalokong ngiti ni Fumiko ang kapatid maski si Kiyota ay ganun din ang ginawa sa kaibigan.
"Ate, ilan beses ko ba ipapaliwanag sayo na mali yang iniisip mo" namula ang batok ni Jin
"Si Oli ba yun?" tanong ni Kiyota kahit alam nya ang sagot
"Oo. Si Cinnamon nga yun. Pinahiram ko ng damit, at don't give me that smile, Kiyota
baka nakalimutan mo na kung hindi umalis si Oli hindi mo masolo si Seki. Pasalamat ka
gusto nya din magkabalika na kayo dalawa" binigyan ng stern look ni Jin ang kaibigan
Nag pout naman si Kiyota, alam naman nya na may atraso sya sa kaibigan ni Seki pero he can't help na asarin din ang kaibigan may naramdaman siyang something sa dalawa. Napukaw naman ang atensyon ni Fumiko sa sinabi ng kapatid "So, best friend pala sila ni Seki. Nakausap ko na si Oli bubbly sya. No wonder magkaibigan sila ni Seki... Hmmm, why Cinnamon?". Hindi pa nakikita ni Fumiko ang itsura ni Seki, sa pangalan pa lamang nya ito kilala. "Pareho kayo Fumiko-nee favorite n'ya din si Cinnamoroll" paliwanag ni Jin. Sumali naman sa usapan si Kiyota "Fumiko-nee alam mo ba ang tawagan nila ay Mr. Bucket at Cinnamon. Ang sweet diba. Hahaha". Namula naman ang mukha ni Jin at inaantay ni Fumiko na magpaliwanag ang kapatid "Sabi ni Oli, matanong daw ako kaya Mr. Bucket ang tawag nya sa akin kasi puro daw Baket?". Nagtawanan naman sina Fumiko at Kiyota.
"Ang witty naman ni Oli. Nice one" comment ni Fumiko
"Hahaha. Bucket kasi puro Baket! Ang benta" sabi ni Kiyota at tawa pa din ng tawa
"Pero seryoso Pre, wala ba nangyari sa inyo ni Oli??" pag usisa muli ni Kiyota
"WALA!! ANO BA YANG INIISIP MO KIYOTA" flustered ang buong mukha ni Jin
"We won't judge you little brother of mine, I like Olivia for you... supportive pa ako basta practice safe sex. Even kayo Kiyota at Seki" nag wink si Fumiko
"FUMIKO-NEE!!"
