Chapter 10

39 2 8
                                    

    Three weeks na simula ng makabalik si Seki ng Kanagawa. Kinabahan s'ya pumasok ngayon gabi dahil baka magpunta si Kiyota. Pinitik naman ni Olivia ang noo ng kaibigan "Hwag praning. Hindi na nga sabi pupunta si Kiyota". Nag nod naman si Seki at mas gumaan ang pakiramdam nagpatuloy ang paglalakad nila papunta sa trabaho.

     Magbubukas na ang bar ng may kumatok. Wala naman daanan mga guest dito kaya nagtaka si Seki kung sino ito. Pinagbuksan naman ni Mai ng pinto ang kanilang bisita "Yes po?". Isa itong delivery guy "Hi Ma'am, nandito po ba si Ms. Seki Zeigh? May flowers po para sa kanya". Nagkatinginan naman sina Olivia at Mai. "Seki, para sayo daw" sigaw naman ni Hideo. Nag nod naman si Seki at lumapit sa delivery guy. Kinuha nya ang flowers at chocolate at pinirmahan ang receiving copy na kailangan. Umalis na din ang lalaki pagkatapos.

     Pinagkumpulan naman ng lahat si Seki "Yiiieeee!!". Namula naman ang dalaga. "Seki may letter basahin mo na" kantsaw naman ni Mai. Nahihiya naman si Seki kaya nagcomment ni Olivia "Kung hindi mo babasahin 'yan. Ako mismo magbabasa". Natakot naman si Seki kaya binasa nya agad ang sulat.

  Seki,

   Hope you are doing well. H'wag ka magpakapagod and take good care of yourself. Wala pa kasi ako sa tabi mo at hindi pa kita muli maalagaan. Hindi mo man ako pansinin sa ngayon okay lang. I won't stop until you let me in again to your heart and maniwala ka man or sa hindi pinagsisihan ko lahat ng mali na ginawa ko sa'yo.

    I still love you and I am praying na you still love me too. I'm really sorry Baby. I love you so much...

Kiyota

    Kilig na kilig naman sina Mai at Olivia sa paandar ni Kiyota. Nag blush naman si Seki, nilalabanan n'ya ang kilig na nararamdam nya. Lumapit naman si Hideo kay Seki "Honey, umalis kayo ni Oli dyan natatapakan na natin ang buhok ni Seki oh!". Umarte naman ang girls na iniaalis ang mahabang buhok ni Seki sa sahig. "Ano ba shampoo mo beb magamit nga para naman may magbigay din sa akin ng boquet ng roses at pa chocolate pa. Sana all talaga!" comment ni Olivia.

    Lingid sa kaalaman ng group nandoon sa labas ng pinto sina Kiyota at Jin nagtatago kasama si Airi. Kinikilig din si Kiyota noong nakita na nag blush si Seki. "May effect ka pa din kay Seki. Mahal ka pa n'ya" comment ni Jin nabuhayan naman si Kiyota "Talaga Pre? Buti naman". Sumali naman sa usapan si Airi "Tama s'ya Kiyota may feelings pa sa'yo si Seki pero hindi ka dapat kampante mag effort ka pa. Ikaw naman Jin, narinig mo ba sabi ni Olivia,  sana all daw may pa roses at manliligaw". Nag nod naman si Kiyota at iniisip kung paano pa sya makakabawi kay Seki. Nag blush naman si Jin sa sinabi ni Airi sa kanya "Opo Ma'am. Soon po hindi lang po roses ibibigay ko kay Olivia".

    Pigil naman ang tawa ni Kiyota dahil sa pagkahulog ni Jin sa kaibigan ni Seki "Magkaibigan nga kami. Magkaibigan pa ang nagustuhan namin" bulong ni Kiyota sa isip. Mabilis nagtago ang dalawa noong sinabi ni Airi na pupunta na sya sa loob. Inawat naman ni Airi ang mga staff nya "Girls, Hideo stop na ang kalokohan. Magbubukas na tayo. Hayaan nyo na si Seki". "Hai" sagot naman ng tatlo. Nagpasalamat naman si Seki kay Airi "Thank you po Miss".

     Itinaboy ni Airi ang tatlo, nakita naman nila sina Kiyota at Jin na nagtatago kaya naki join din sila. Narinig nila na nagpayo si Airi kay Seki "Seki, parang anak na din ang turing namin sayo ni Daichi. Payo lang bilang ina, bigyan mo ng chance si Mr. Nobunaga. Pag-isipan mo mabuti okay?". Nag smile naman si Seki "Opo Miss Aira" niyakap ni Seki ang boquet ng roses at inamoy ito. Inilapag nya ito sa lamesa at niyakap ni Airi. Niyakap naman sya pabalik ni Airi.

     Binulungan naman ni Hideo si Kiyota "Boss, okay na ang step one mo. Umalis na kayo ni Jin-san baka ma negative pogi points ka kapag nakita kayo ni Seki". Sumang-ayon naman si Kiyota at Jin. Mabilis umalis ang dalawa. Nagmadali naman ang tatlo na umarte nag tratrabaho dahil dumating na si Seki. Alam naman ni Airi ang kalokohan ng tatlo kaya pigil ang kanyang pagtawa.

    "Okay, so we will open in 2 minutes. Kaya pumunta na kayo sa mga station ninyo. Sinabihan ko na sina B1 and B2 na maging alert" bilin ni Airi.
    "Hai!" sagot naman ng apat.

      Nagsimula na dumating ang mga customers nila for the night. Napansin naman ng mga frequent clients nila na masaya at blooming si Seki. Masaya naman sila para sa dalaga. Mabait at friendly mga staff dito kaya binabalik balikan ito. Madami din nagbibigay ng tip sa kanila.

.....

     Naging abala naman sa company si Kiyota ng mga sumunod na araw. Bumisita sina Hayato at Nanami sa anak. "Kumusta ka na Kiyota?" tanong ni Nanami. Sinabi naman ni Kiyota na natagpuan na n'ya si Seki at sinabi nya kung ano plano nya sa kanyang mga magulang.

     Nagkatinginan naman ang mag-asawa at nagsalita si Hayato "Anak, matagal na namin alam kung nasaan si Seki pero nangako kami sa kanya even your Lola na hindi namin sasabihin sayo dahil ito din ang kagustuhan ni Seki". Ineexpect ni Hayato na magagalit ang anak pero ngumiti lang ito "I understand Dad. Mabuti na din at hindi n'yo sinabi sa akin dahil noong nawala si Seki sa akin. Doon ko nalaman kung gaano ko sya kamahal at gaano sya kahalaga sa akin. Dapat nga po mag sorry ako sa inyo dahil hindi ako nakinig sa payo ninyo. Dad tama kayo. Im sorry".

     Niyakap naman ni Hayato ang anak pinagmamasdan naman sila ni Nanami. "Okay na yun Kiyota. Masaya ako narealize mo na at hindi pa huli ang lahat. Makakabawi ka na kay Seki" sabi ni Hayato. Sumali naman sa usapan ni Nanami "Galingan mo anak, dapat mapasagot mo ulit si Seki. Dapat mag propose ka na agad sa kanya at para magka apo na ako". Namula naman si Kiyota "Mom!". Natawa naman si Hayato sa anak.

      Sa loob ng tatlong taon, wala nangyari kina Kiyota at Seki. Malaki ang respeto ni Kiyota sa dalaga kaya hindi nya pinilit ito at sinunod ang gusto ni Seki maging intimate lang sila if magpapakasal na. Pinagsisihan din nya ang pambabae nya at sinikap alisin ito sa katawan.

      Nag-paalam na sina Hayato at Nanami sa anak dahil may meeting pa sila. Binuksan naman ni Kiyota ang drawer sa ilalim ng table nya. Palagi nya bitbit ang bagay na ito saan man s'ya magpunta. May kumatok kaya mabilis na inilagay ni Kiyota ito sa kanyang bulsa. Si Koshino pala ito "Hello Sir! May meeting din tayo kasama sina Sakuragi at Jin". Kinuha naman ni Kiyota ang files na kakailangin nila sa meeting at umalis na sila ni Koshino.

     Natapos na ang meeting nina Hayato. Nasa sasakyan na sila ng tumawag si Tomoko ang lola ni Kiyota.

Tomoko : Hello Hayato kasama mo ba si Nanami
Hayato : Opo Ma.
Nanami : Mommy, nareceived n'yo po ba ang text ko.
Tomoko : Yes dear. It's good to hear na nagkita na sina Seki at Kiyota pero I have a plan to make things more interesting.

     Nag sweatdrop naman si Nanami dahil sa plano ng ina. Si Hayato ay son in law ni Tomoko. Nagtanong naman si Hayato kung ano ang plano ni Tomoko. Na excite naman ang dalawa sa plano ng kanilang mama/mother-in-law "Game kami dyan Ma/Mom". Narinig naman nila ang tawa ni Tomoko "May contact number pa ba kayo nila Risa? Napag-alaman ko na may plano mag negosyo sina Rio...."

     Sinabi naman ni Hayato na tatawagan nila ni Nanami ang pamilya ni Seki at ipapaalam agad nila ang napagusapan kay Tomoko. Nakarating na ng bahay ang dalawa. Tinawagan naman ni Nanami si Yuika nag agree naman ito kahit sina Risa at Rio ay game din sa paandar ni Tomoko. Magkakakilala din sila salamat na din kay Seki.

      Nag sneeze naman si Kiyota "excuse me" sabi n'ya during the meeting. Tinanong naman sya ni Jin kung may sakit ba sya pero umiling si Kiyota. "Masamang damo yan. Matagal buhay ni Unggoy. Nyahahaha" comment ni Sakuragi. Nainis naman si Kiyota kaya nag asaran na naman ang dalawa. Nag sweatdrop naman ang ibang boys sa kalokohan nina Kiyota at Sakuragi. 

     Maaga naman nagpunta sina Seki at Olvia sa bar dahil mag general cleaning sila. Bigla na lang tumigil sa pagsasalita si Seki kaya nag alala si Olivia "Okay ka lang ba?". Nag nod naman si Seki at nag simula na muli mag walis ng sahig. May iba sya nararamdaman, nararamdaman nya ito tuwing may pinaplano ni Lola Tomoko ni Kiyota. "Mamita, naalala n'yo po ba ako?" mahina sabi ni Seki. Nagkatinginan naman si Mai at Olivia. Nag shrug naman si Olivia at napakamot ulo na lang si Mai at bumalik na din ang dalawa sa pag-lilinis.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon