Chapter 8

36 2 9
                                    

     7:15pm na nang nagpasya si Yuika na gisingin ang asawa. Aantok antok pa si Rio "Darling beef stew dinner natin". Nawala naman ang antok ni Rio sa sinabi ni Yuika "Talaga ba? Bakit ngayon mo lang ako ginising" sabi ni Rio. Natawa naman si Yuika sa antics ng asawa dahil nag-inat agad ito at tumayo ng kama. Hinatak sya palabas ng kwarto patungo sa lamesa.

    Si Risa naman ang gumising kina Seki at Andrei "Mga apo, gising na. Masama nalilipasan ng gutom. Kakain na tayo". Gumising agad si Seki pero tulog mantika pa din si Andrei "Salamat po Lola. Ako na po gigising kay Andrei". Umalis na si Risa at tinungo ang kusina. Nag inat naman si Seki at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay. Ginising na din n'ya si Andrei "Drei, gising na. Mag dinner na tayo". Kinurot na ni Seki ang pisngi ng pamangkin pero hindi pa din ito gumigising kaya may naisip sya na sigurado magpapagising kay Andrei "Nakita ko sa tv interview ni Seina.. Ayaw daw n'ya sa mga pasaway na bata.. Sige ka hindi ka papansin ni Seina kapag nagkita kayo... Gusto mo ba 'yon Andrei?".

    Mumulat agad ang mata ni Andrei dahil narinig ang pangalan ni Seina "Tita, sinabi ba ni Seina 'yon?". Nag nod naman si Seki kahit hindi totoo. Tumayo agad si Andrei at kumaripas ng takbo papunta sa lamesa. Natawa naman si Seki "Ay nako. Kapag talaga sinabi pangalan ni Seina hindi na mapakali ang pamangkin ko".  Ini-ayos muna ni Seki ang pinaghigaan nila bago nagtungo sa dining area.

   Nakahain na ng dumating si Seki. Nakaupo na din agad si Andrei. Naghugas sila ng kamay at nagdasal muna bago kumain. May ilan kwentuhan napag-usapan ang pamilya. Nakita ni Seki na pinagpapawisan ang kanyang tiyuhin "Tito, tagaktak pawis n'yo". Tumigil naman sa pagkain si Rio "Spicy beef stew, kahit ma-anghang okay lang favorite ko ito at luto pa ni Darling". Inasar naman ni Risa si Yuika "Ang haba ng hair". Natawa lang si Yuika at pinunasan ang noo ng asawa. Kilig na kilig naman si Rio dahil malambing pa din si Yuika sa kanya. Natawa naman si Seki dahil ang cute ng kanyang tito at tita.

    Nag dessert na sila at sinabi ni Rio na may surprise s'ya. "Ano yun Darling?" tanong ni Yuika. Rio clears his throat "Binigyan ako ng early retirement ng company dahil 20 years na ako nagtratrabaho sa barko. Kinuha na din nila ako consultant at babalik balik pa minsan minsan sa abroad. Pwede na tayo mag expand ng negosyo". Masaya naman ang lahat sa ibinalita ni Rio. Niyakap naman ni Andrei ang ama "Really? Yehey!!! Thank you po Jesus".

    Rio calls the attention of his niece "Seki, mag-papaalam sana ako sayo kung pwede irenovate ang bahay ninyo ni Ate Rika, yung baba lang dahil plano ko magtayo ng restaurant? Sana okay lang sa'yo". Ngumiti naman si Seki "Wala po problema Tito. Sigurado po ako matutuwa si Mama dahil makakapag simula na po kayo ng negosyo at gagamitin pa po ang bahay namin. In a way, part pa din po si Mama". Magkatabi lamang ang bahay nila Rio at Rika kung saan sila ngayon. Pamana ito ng ama nila noong nabubuhay pa ito. Nasa gitna ng bahay nila Rika at Rio ang kusina at gawaan ng kakanin ni Rika.

     Masaya din si Risa dahil matutupad na ang pangarap ni Rika. Pangarap kasi ng yumao anak na magkaroon ng maliit na restaurant sa tabi ng kanilang bahay. Simula noong yumao si Rika hindi na natutulog si Seki sa bahay nila. Mas gusto n'ya mag-istay sa bahay ng kanyang Lola. Ang ginagawa naman ni Risa at Yuika ay pinapanatili ang kalinisan nito. Every week sila naglilinis ng bahay dahil umaasa sila na darating ang panahon na magiging healed na din si Seki sa pagkamatay ng ina.

     Excited naman si Yuika sa plano ng asawa at dahil matututukan na ni Rio ang paglaki ng anak "Ano ipapangalan mo sa restaurant?". Ngumiti naman si Rio at sinagot ang tanong ng asawa "Rika's Kitchen. Sana okay lang sa'yo Seki? Kahit wala na si Ate kilala pa din sya ng lahat ng taga dito". Si Seki naman ay masaya din dahil hindi na aalis ang kanyang tiyuhin at magiging part pa din ang mama n'ya sa negosyo "Opo Tito. Salamat po inaalala nyo pa din si Mama".

    Nang matapos maghapunan ay nagtungo si Seki sa kwarto upang makapaligo bago matulog. Si Risa ay mamaya pa din matutulog dahil sa inaantay nitong teleserye. Chineck ni Seki ang kanyang phone "11:11 pm na baka gising pa si Oli. Matagawan". Mabilis naman sumagot si Olivia "Hello Beb!"

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon