Chapter 11

46 3 18
                                    

    2 months na nagpapadala ng stem ng roses at munti regalo si Kiyota kay Seki hindi pa din sya kinakausap ng dalaga. "Nag-bago na talaga ako Jin. Pero bakit mailap pa din sa akin si Seki?" tanong ni Jin nasa opisina silang dalawa. Inilabas naman ni Jin ang kanyang phone at dinial ang isang number.

"Hello" bati ni Jin. Hindi naman sya nabosesan ng nasa kabilang line.
"Kuya Shopee, nasaan na po kayo? Anong parcel po yan yung Shopee pay or yung COD?" wika ng kausap ni Jin.

     Nagsweatdrop naman ang dalawa.

"Olivia, si Jin Soichiro ito".
"Kaloka! Paano n'yo nalaman number ko? Akala ko naman kasi si Manong eh" paliwanag ni Olivia
"Hanep Oli , dami mo order ah!" asar ni Kyota
"Naman. A parcel a day keeps the stress away. Chour! Anywho, bakit kayo tumawag?" tanong ni Olivia
"Oli, Hindi pa din ako pinapansin ni Seki. Uwaaahhh. Help naman". pag amin ni Kiyota

    Naging seryoso naman si Olivia "Hindi mo kasi madadala sa mga parega-regalo ang pagpapaamo or panliligaw. Sinabi na nga na prove mo kay Seki na nagbago ka na talaga". Nag nod naman si Kiyota "Gusto ko man gawin hindi naman ako pinapansin ni Seki paano ko sya kakausapin?" paliwanag naman ni Kiyota. Nainis naman si Olivia "Ay nako mga lalaki talaga. Simple lang yan, action speaks louder that words. May five languages ang love. Study it". "Ooohhh" chorus naman nila Kiyota at Jin. Pasimple nag take note si Jin ng mga sinasabi ni Olivia "for future reference" sabi nya sa isip.

   Patuloy na nag brainstorming ang tatlo thru phone "Oh alam mo na. Oh sya. Babye andito na shopee ko!.... Manong, antagal kita inantay...." Narinig ni Jin at Kiyota ang sigaw ni Olivia bago binaba ang phone. Napailing na lang si Kiyota at hindi napigilan matawa ni Jin "Ang cute talaga ni Oli". Sumeryoso naman ito ng makita na seryoso mukha ni Kiyota "Sorry, carried away lang ako". Nag nod naman si Kiyota "Ayos lang Pre. Ganyan din ako kay Seki. Hehehe". Hinanap na ng dalawa ang sinabi ni Olivia na Five Languages of Love.

.....

     Late na naka-uwi si Seki mula sa Bar. Jampacked na naman ito dahil holiday na naman "Ano ba naman, ang dami holiday dito. Pero keribels, double pay naman kami. Antokyo Japan na ako. Good night Mama" mahina pagvoiceout ni Seki. Tumingin sya sa picture frame na nasa side table nya. Picture nila ito ni Risa noong bata pa sya. Nasa lutuan sila sa babae ng bahay ng lola. Naka tungtong sa upuan si Seki habang hinahalo ang sinukmani ginaguide naman sya ni Risa nakatingin sila sa camera at mga nakangiti.

     Mahimbing natutulog si Seki isang factor na ang pagkapagod nito sa trabaho.

-DREAM SEQUENCE-

     Naglalakad ako patungo sa playground na pinupuntahan namin ni Mama noong ako ay nasa elementary pa lamang. Nasa tapat ito ng school supplies store 10 minutes bago dumating  sa simbahan. Naupo ako sa swing at sinabayan ang malamig na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang bawat sandali. Nakaramdam ako ng inip kaya nagpasya ako pumunta sa flower field. Nagsimula ako gumawa ng bulaklak na korona.

    May narinig ako na malambing na boses "Seki..." napalingon ako sa unahan at nanlaki ang mata...

"Mama! Kyaaahhhh.... Ayaw ko pa po mamatay ma. Sinusundo nyo na po ba ako?" takot na wika ko. Narinig ko ang pagtawa ni Mama
"Sira ka talagang bata ka. Hindi pa kita sinusundo. Namiss lang kita anak at gusto ko sana makapag-kwentuhan naman tayo. Kumusta ka naman mahal kong anak?"

     Hindi ko mapigilan  maiyak, tumayo at niyakap ang aking  ina. Niyakap naman ako pabalik ni mama at pinakalma. Umupo kami sa grass at kiniwento ko ang mga nangyari sa akin "Mahal na mahal kita Mama. Sana po mapatawad ninyo ako. Nahuli ako ng dating".

"Shh... Hindi galit sayo si Mama. Hwag mo isip iyon. Naintindihan ko" pagpapakalma ni Mama sa akin.  Pinunasan nya ang luha ko. Nag nod naman ako "Mahal na mahal ko po kayo Mama". Nag smile naman pabalik sa akin si mama.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon