Kanina pa napansin ni Seki na wala sa wisyo ang kaibigan "Sure ka ba na okay ka lang?" tanong nya dito. Nag nod lang si Olivia at binuksan agad ang pinto ng bahay pero sinarado naman agad "Hoy Oli bakit mo ako pinagsaraduhan?" inis na tanong ng dalaga. May narinig na kaluskos si Seki, "Wait lang mga 1 minute okay. Mag timer ka after pwede ka na pumasok. Sige na please" sabi ni Olivia. Kahit naiinis ang dalaga ay ginawa nya ito. Tinignan ni Seki ang pag galaw ng oras sa suot nyang relo "5..4..3..2..1..." mahinang countdown nya.
Mabilis na binuksan ni Seki ang pinto nang marinig nya ang pag unlock nito. Wala sa kanya ang susi nakay Olivia kaya hindi sya makakapasok sa loob "Bayad tayo sa kuryente bakit nakapa..." naputol ang sasabihin ng dalaga ng makita nya ang ayos ng kanilang sala. Hindi nya marinig ang boses ni Olivia, kaya tinawag nya ang kaibigan "Oli?... Oli?". Akala ni Seki ay mawawalan sya ng malay ng may sumagot sa kanya
"Wala si Oli"Hinanap ni Seki kung sino ang nagsalita mas lalo bumilis ang heartbeat ng dalaga. Si Kiyota pala ito "Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Lumapit naman ang binata mula sa pinagtataguan nito sa kusina "Seki... I want to surprise you and to apologize as well. Sorry kung sa tingin mo iniiwasan kita pero hindi totoo yon. Gusto ko lang sana na makapag apologize sayo properly after what I did noong nanood tayo ng movie at sa lahat ng ginawa ko sayo na hindi maganda. I'm sorry" pag amin ni Kiyota. "Puro ka naman sorry" comment ni Seki. Napakamot ulo naman si Kiyota, "pero hindi naman ako galit sayo" sabi ng dalaga na ikinagulat ni Kiyota akala ng binata galit sa kanya ang kanyang baby. "Kahit hindi ka galit sa akin, inihanda ko pa din ito lahat para sayo Baby. Sana okay lang sayo na pumasok ako ng walang paalam".
"May magagawa pa ba ako?" pagkukunwari ni Seki, "Haha just kidding. I'm surprised actually". Masaya sya dahil nagkita ulit sila ni Kiyota. Inamin naman ng binata kung paano siya nakapasok ng bahay "Kaya naman pala aligaga si Oli. Ikaw pala ang katext nya. Yung lokaret na yon" napapailing na lang ang dalaga at tinanong kung nasaan ang kaibigan "Wala si Olivia, binigyan tayo ng privacy Seki.. Nagustuhan mo ba ang set up ko?". Pinagmasdan ni Seki ang design ng sala, may nakasabit sa curtains na letter banner "I Love You and I'm Really Sorry Baby. Will you accept me again?", nawala ang center table sa sala at sofa nasa sulok sa pader ng kitchen ang garden table at chairs ang nasa pwesto ngayon ng sofa, may mga plates at dinnerware na nakalagay sa ibabaw ng table at ang sahig ay puno ng rose petals na red and white.
Nag smile naman si Seki "Oo ikaw ba gumawa lahat nito". Nag nod naman si Kiyota minabuti niyang hindi na sabihin na may katulong sya sa pag set up kanina, "Bago tayo kumain para sayo ito Seki" inabot ng binata ang bouquet ng sunflowers sa dalaga "Thank you" pasasalamat ni Seki. Nag share ng romantic dinner ang dalawa.
"Seki ako nagluto at naghanda ng lahat ng yan" pag boast ni Kiyota
"Wow. Marunong ka na din magluto" comment ni Seki
"Baby... ask ko lang pinapatawad mo na ba ako?"
Kinakabahan naman si Kiyota sa isasagot sa kanya ng dalaga. Ngumiti naman si Seki "Yes, baby pinapatawad na kita". Hindi naman napigilan ni Kiyota ang sarili at tumayo sa kinauupuan "Thank you Baby", niyakap ng binata si Seki. "Pero liligawan pa din kita Seki" dagdag ni Kiyota. Na touch naman si Seki sa sinabi ng binata. Tumayo si Kiyota at kinuha ang kamay ng dalaga, "May I dance with you baby?". Nag nod naman ang dalaga habang nakangiti. Wala naman sila background music pero nag sway sila, nagulat na lamang si Seki ng kumanta si Kiyota at ito ang kinanta nila noon dalawaMaking my way downtown
Walking fast, faces pass and I'm homebound
Staring blankly ahead, just making my way
Making a way through the crowdAnd I still need you
And I still miss you
And now I wonder
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
Cause you know I'd walk a thousand miles
f I could just see you
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you
If I could just hold you tonightHindi maiwasan maiyak ni Seki sa pagkanta sa kanya ni Kiyota, ito rin ang favorite song ng kanyang ina. Niyakap naman ni Kiyota si Seki alam nya kung bakit emotional ang dalaga.
.....
"I hope successful naman at maging okay na sina Kiyota at Seki" pag voice out ni Olivia sa kanyang thoughts. Nasa sasakyan sya, nagsalita naman ang kasama nya "Oo naman. Tinulungan ko kaya mag set up si Kiyota", paliwanag ni Jin. Gusto din ng binata ang best para sa bestfriend at tinuturing nya na little sister. Paano nga ba nagkasama sina Jin at Olivia? Simple lang, dumaan si Olivia sa bintana ng kanyang kwarto para hindi sya makita ni Seki, naisip ng dalaga na babalik na lamang sya ng bar para makitulog kina Airi at Daichi ang hindi naman nya inexpect ay nasa likod na pala nya si Jin at inaabangan sya. Napansin ni Olivia na out of way ang ruta na tinatahak ng sasakyan ng binata.
"Mr. Bucket, hindi ito ang way papunta sa bar" comment ni Olivia
"Ano gagawin mo sa bar?" tanong naman ni Jin alam nya na sarado na ito
"Ano... makitulog. Hehe" napakamot ulo ang dalaga sa pag amin nya
"Hindi ka makitulog sa bar" tipid na paliwanag ni JinNagtaka naman si Olivia dahil sa sinabi ni Jin, may narealize sya "Ay oo nga noh baka tulog na din sina Ma'dam Airi at Sir Daichi. Anong oras na din". "So, saan ka makitulog?" tanong ni Jin sa katabi nya, may hint ang binata na hindi makuha ng kasama nya. Binuksan naman ni Olivia ang pitaka nya ito lamang at cellphone ang dala nya dahil sa pagmamadali makaalis ng bahay at mabigyan ng moments ang lovebirds, "Hmm. Sakto naman ang pera ko pwede ako mag stay ng isang gabi sa motel..." sagot ng dalaga. Dahil sa sinagot ni Olivia muntik na sila mabangga sa kabilang lane na sasakyan.
"Hala... Jin-san anyare sayo nawala ka sa focus" aligagang sabi ni Olivia
"Bakit naisip mo naman kasi na sa motel ka magpalipas ng gabi" namula ang buong mukha ni Jin at utal utal magsalita
"Hahahaha. Jusko ang green minded mo pala Mr. Bucket. Eh wala naman ako matutuluyan. Ako lang naman mag isa sa kwarto walang kasamang boylet "Patuloy na nag drive ang binata, hindi naman sanay si Olivia sa katahimikan. She keeps on fidgeting on her seat, maya maya nagsalita si Jin at nakita ng dalaga na pumasok sila sa isang gate nag park ng sasakyan ang binata, "Olivia... Hindi ka sa motel matutulog. Dito ka muna sa bahay ko". Nanlaki naman ang mata ng dalaga ng mismong si Jin ang nag alis ng seatbelt na suot nya at agad bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan pa si Olivia ng pinto, wala naman sya magawa kung hindi sumunod sa paglalakad ng binata.
.....
Pagkatapos ng dance nina Kiyota at Seki ay inayos na ng binata ang set up ng sala ng dalaga, ibinalik din nito ang garden set sa labas "Para hindi ka na mapagod pa baby" sabi ng binata. Umupo ang dalawa sa sofa. "Kiyota... bakit hanggang ngayon hindi pa bumabalik si Oli? Baka anong nangyari don" nag aalala si Seki para sa kaibigan, hinawakan naman ng binata ang kamay ng kanyang baby "Huwag ka mag alala Seki, safe si Oli, iniwan nya talaga tayong dalawa ngayon. May matutulugan yun trust me" pagcomfort ni Kiyota. Nag nod naman si Seki. Nakita ng binata na naghihikab na ang dalaga.
"Sige na Seki, sleep ka na I know pagod ka" pag anyaya ni Kiyota
"Paano ka? Ano oras na din" comment ni Seki
"Saglit na drive lang naman. Good night baby" pagpapaalam ni Kiyota at tumayo
Papunta na ang binata sa pinto nang maramdaman nya na hinawakan ni Seki ang kanyang kaliwang palapulsuhan."Ano.. Dito ka na matulog..." utal utal na wika ni Seki
"Talaga?" kinilig naman si Kiyota
"Oo at naka inom ka ng wine baka kung ano pa mangyari sayo" paliwanag ni Seki
"Salamat Baby. Pwede tabi tayo?" request ni KiyotaUmirap naman si Seki "Nako mga galawan mo Mr. Nobunaga. Umayos ka". Napakamot ulo naman ang binata "Promise behave na talaga ako". Hindi naman convince ang dalaga sa inarte ni Kiyota, kung ayon pa din ang pagkakakilala nya sa binata sure sya na malikot pa rin ang kamay nito. Binigyan naman ng paawa look ni Kiyota ang dalaga "Behave talaga ako Baby. Believe it". Huminga naman ng malalim si Seki, "Fine pero sa sahig tayo matulog baka gumiba ang kama ko sa bigat mo". Nag perk up naman si Kiyota "Sige sige. Ako na maglatag, papasok na ako sa kwarto mo Baby" pagpapaalam nito sa dalaga.
Seki giggles after seeing the antics of Kiyota "Hindi naman sya excited" bulong nya sa sarili.
