Mabilis lang narating nina Seki ang Water Resort Spa ito ay matapos pa nila dumaan sa isang tindahan malapit sa gasoline station na tinigilan nila. Ang girls ay nag insist na ibili nila ng pamalit na damit at ilan gamit na kakailanganin ang boys sa kanilang pupuntahan, wala naman nagawa sina Mitsui at Koshino dahil tatlong pares ng mata ang masama sila tinignan hangga't hindi sila pumapayag sa nais nila. Naalala pa ng dalawa ang malakas na pag cheer ng mga kasama "YAS!!!" bago nag triple hi-five with matching giggles pa.
"Wait girls, matanong ko lang alam ba nina Auntie Yuika na ngayon ang punta nyo sa water resort" tanong ni Mitsui matapos ipark ang motorsiklo na ginamit
"Un... nagsabi ako kina Auntie kahapon pa... pati kay Kiyota-kun... Idk... kung natandaan ni Baby" comment ni Seki
(Tinanggap ni Mitsui ang parking ticket na binigay ng attendant ng resort)
"Ikaw, Alisson alam ba ni Pops Dai at ni Kuya Juno?" pagtanong naman ni Koshino
"Ay, may pagtawag kay Papa' and Kuya, ha'no nga Alisson..." hindi naiwasan ni Olivia na mang asar
Huli nila ang maliit na pink hue sa pisngi ni Koshino kaya naman natawa sila, kahit si Alisson ay tumawa "Let me guess, si Papa nagsabi nyan noh pati si niichan, iyon itawag nyo sa kanya", hindi lang si Koshino ang nag nod maging si Mitsui "Well boys, it seems nasa good graces nga kayo ni Papa and Juno-niichan" comment ni Alisson. Deep inside masaya ang dalawa sa narinig kahit wala sila reaksyon outwardly sa sinabi ng dalaga, hindi napigilan muli ni Seki na matawa. Naramdaman nya ang paghatak ni Olivia ng damit nya at itinuro ang nasa unahan.
"Sugoi!!" wika ni Seki ng makita ang itsura ng labas ng water resort spa
"Time-honored but shala pala ito'ng napanalunan ko na water resort" comment ni Alisson
(May confused look sina Mitsui at Koshino sa terms na ginamit ng dalaga)
"Time-honored... something like old school or traditional meanwhile, shala naman is sosyal" pagbibigay trivia ni Olivia
(Narealized ng grupo na ginabi na sila sa pagpunta sa resort)
"Aaahhh..." ito lang ang nasagot ng boys
Pagbukas ni Koshino ng pintuan bumungad na sa kanila ang ilan staff na nagbigay pagbati sa kanila, bilang respeto may pagbati rin sila pabalik sa mainit na pagtanggap sa kanila. Tinanong ng isang front desk kung ano sadya nila, pinakita naman ni Alisson ang tatlong ticket na napanalunan nya sa Lottery Game sa nakaraan festival sa kanilang bayan. Ipinaliwanag rin ng dalaga ang nakasaad sa likod ng isang ticket na maari siya mag sama ng dalawa bukod sa napalanunan "Uhm, Ma'am mali po ba ang napuntahan namin or hindi po valid yung ticket" pagtatanong ni Seki. Umiling ang empleyado na kaharap nila at sinabi na tama ang pinuntahan nila, sinusuri lang nya maigi ang tickets dahil marami nagkalat na peke "Legit tickets po ito..." nakahinga ng maluwag ang grupo.
"Excuse lang po... Ma'ams... Sirs request lang po namin na mag sulat po kayo sa aming logbook" wika ng isa pang empleyado na nasa front desk
Lumapit naman ang grupo at isa-isa ang sulat sa log book, nauna ang girls bago ang mga kasama nila, sinuri nila maigi ang disenyo at palamuti ng water resort nandito pa lamang sila sa front desk nagandahan na sila, sa kanilang mga isip "What more pa kaya ang buong interior nito" hindi na sila makapag hintay na maranasan ang mga services and amenities ng water resort. Sa paglibot ng mata ni Seki napansin nya ang kababata na nakabuka ang bibig, nanlaki ang mata bago nilapitan ang isang picture frame na nakasabit sa pader katabi lamang ng front desk/information
"Lenlen... ano problema... para kang nakakita ng multo" pag aalalang turan ni Seki
(Umiling si Alisson bago tumingin sa kababata pagkatapos ay binalik ang tingin sa picture frame)
"Sekinari!!! Siya si Nanay... yung nagpalaro sa akin sa lottery game sa festival!!" malakas na boses ni Alisson
"EEEEEHHHHHHH!!!!" chorus nina Seki, Olivia maging sina Mitsui at Koshino hindi napigilan ang pagkabigla
Napukaw naman nito ang atensyon ng mga nasa frontdesk "Ma'am... kayo po ba si Alisson na anak ni Manong Dai?" nag nod si Alisson pagkumpirma, tinignan din ng staff si Seki "Ikaw naman Ma'am ang apo ni Lola Risa?"kagaya ng kababata nag nod rin ang dalaga bilang tugon. Nagkatinginan muli ang mga nasa front desk "Ikaw po pala ang sinasabi ni Ma'am Nadiya na bibisita sa resort ano man araw". Nasa state ng pagkabigla pa rin ang magkababata lalo na si Seki, kaya nanahimik sila. Ipinaliwanag ng mga staff ang amenities na sinabi sa kanila ni Nadiya na ibigay sa grupo nila Alisson pag dumating ito, sinabi rin nila na may nakahanda sila na hapunan para sa grupo bago ang spa, at bath house.
"Dinner?" pag ulit naman nina Koshino at Mitsui
"Yes po Sirs..." magiliw na tugon ng mga staff
"Uhm... excuse lang po mga Ma'ams and Sirs... ask ko lang po paano po pala kilala ni Ma'am Nadiya ang friendships ko?" si Olivia ang nagtanong
Kahit ang boys ay curious rin kung paano nakilala ng may ari ng water resort spa si Alisson at Seki. Napukaw ang atensyon nila sa tingin nila supervisor ng resort sa pustura pa lamang nito at sa suot na salamin halata na may edad ito kumpara sa mga kasama "Mabuti pa, ihatid na namin kayo sa banquet area habang ikwento ko ang nais ninyo malaman". Pumayag naman sila may kung ano sa aura ng nakakatandang lalake na nagsasabi sa kanila na dapat itong galangin.