Chapter 9

43 2 18
                                    

     Nasa cemetery na sina Seki, Risa at Rio. Nag dala ng bulaklak si Rio para sa kapatid. Kinausap nila si Rika at sinabi ang plano nila negosyo isang malamig na hangin ang naramdaman nila "Si Mama iyon. Sigurado ako masaya s'ya sa balita natin" comment ni Seki. Ngumiti naman ang dalawa at nag tirik ng kandila si Risa para sa anak. 1 hour lang din ang inistay nila dahil kailangan pa mag handa ni Seki sa pagbabalik sa Kanagawa.

    Nakauwi na sila ng bahay. Dumeretso agad si Risa sa kusina nila sa baba upang ipagtabi ang apo ng rice cakes na ipapasalubong sa mga katrabaho. Si Rio naman ay abala sa pagsusukat at pag estimate ng mga materyales na kakailanganin nila. 6 months ang projected time nila bago masimulan ang expansion at restaurant. Samantala, naligo muli si Seki at isinuot ang white puff sleeve top at denim skirt na regalo sa kanya ni Olivia. Nahanda na ang bag n'ya at umalis ng kwarto.

    Sinalubong naman s'ya ni Andrei "Ay aalis ka na Tita. Hindi ka ba pwede mag extend? Or sama ako sa Kanagawa". Niyakap naman ni Seki ang pamangkin "Baby, need na ni Tita bumalik sa work. Kung sasama ka sa akin paano naman si Papa mo. Akala ko ba miss mo na sya?". Natauhan naman si Andrei sa sinabi ng tiyahin "Tama ka Tita. Next time na lang ako sasama. Babantayan ko muna si Papa baka umalis na naman sya kapag hindi ako nakatingin". Ngumuso si Andrei at sinamaan ng tingin ang ama.

    Natawa naman ang adults sa sinabi ni Andrei. Nagdrama naman si Rio "Wala ka ba tiwala sa Papa mo? Ahh ang sakit Yuika hindi na ako love ni Andrei... Need na ba natin ng another baby?". Hinampas naman ni Yuika ang braso ng asawa at namula "Darling!". Natawa naman si Seki sa kalokohan ng kanyang tito at tita. Nag comment naman si Risa "Yuika, dagdagan mo naman ang apo ko. Matagal pa bago ako magkaapo kay Seki". Nag nod naman si Seki kasi tama ang kanyang lola.

    Nabuhayan naman si Andrei at nawala sa isip ang pag-alis ni Seki "Love kita Papa. Magkakaroon ako ng baby brother or sister? Yehey!". Natawa naman si Rio "Pag pray mo ulit kay God". Nag nod naman si Andrei "Un". Iniba naman ni Yuika ang usapan "Seki baka mahuli ka. Sige na kilos ka na". Tumayo naman si Seki at isa isa niyakap ang apat "Thank you po. Babalik po ako pero baka matagalan". Iniabot naman ni Risa ang tatlong box "Apo, pasalubong mo sa mga katrabaho mo. Ikamusta mo din kami kay Oli". Tinaggap naman ito ni Seki "Salamat po Lola".

     Nag insist naman si Risa na ihahatid ang apo gusto naman sumama ni Andrei. Pumayag naman si Seki at tinawagan si Manong Dai para may service pabalik ang kanyang Lola at pamangkin. Naiwan naman sa bahay ang mag-asawa. Abala sa paghuhugas ng pinggan si Yuika ng yakapin s'ya sa likod ni Rio "Dar..ling, kinonsider mo na ba suggestion ko kanina?". Nainis naman si Yuika sa ginawa ng asawa at hinampas ng sandok ang kamay ni Rio. Hindi naman ito gaano kalakas pero napabitaw sa pagkakayakap si Rio. Humarap naman si Yuika sa asawa at nakita na nag papa-awa ito "So ayaw mo??". Hindi nagsasalita si Yuika kaya tinake ito ni Rio na oo.

    Aalis na si Rio na may defeated aura ng pigilan sya ni Yuika "Hindi ko ayaw.. Wala naman masama kung susundan na natin si Andrei. Inaasar lang kita Darling. Haha". Sobrang saya naman ni Rio at hinalikan agad si Yuika ng mapusok. Inawat naman nya ito "Darling, mag luluto pa ako at maaga pa.. Hwag excited.. Don't worry may sarili kwarto naman si Andrei". Nag nod naman si Rio "Sorry excited lang, ang tagal na kasi" mayroon ito maliit na blush. Natawa naman si Yuika "Tama na nga yan, tulungan mo muna ako dito sa kusina". Ginawa naman ito ni Rio "Hindi tayo titigil hanggat wala baby brother or sister si Andrei.. Sana naman girl this time".

    Lumingon si Yuika at nakita ang fire sa mata ng asawa napa hinga na lang sya ng malalim "Oo na. Balatan mo muna ito patatas isunod mo naman pag pungkit nitong string beans okay?". Ginawa naman ito ni Rio. Nagtulong ang mag-asawa sa pagluluto.

.....

     Si Seki ay naihatid na nila Risa at Andrei sa terminal "Lola, Andrei alis na po ako. Mag-iingat kayo". Kiniss ni Seki ang pisngi ni Risa at Andrei. Kinausap naman ni Seki si Manong Dai "Manong, kayo na po bahala kina lola. Salamat po pala sa pag hatid sa akin". Nag smile naman si Dai "Wala yun Seki. Mag-iingat ka sa Kanagawa okay? Mag boyfriend ka na. Wish ko pagbalik mo may ipakilala ka na sa amin". Natawa naman si Seki at inabot ang bayad kay Dai.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon