Makalipas ang tatlong pung minuto nakabalik na ang apat, sinalubong agad sila ni Andrei na tumigil sa paglalaro ng robot toy na binili ni Kiyota sa kanya. Nakasunod ang bata sa apat at nang makita ang ama na nasa ibabang kusina ay tinawag nya ito "Papa, nandito na sila Seki-nee, Kiyota-nii, Soichiro-nii at Oli-nee", natawa naman si Rio sa sinabi ng anak "Kumpleto ah" sumunod na natawa naman ang apat ng makita nila na nahihiya si Andrei, tumaas naman ang kilay ni Seki "Kiyota-nii...." pag ulit nya ng sinabi ng pamangkin "Kailan pa kayo naging close huh?" kuryosong tanong ng dalaga. Nagkatinginan naman si Kiyota at Andrei may understanding ang dalawa, sabay na nag nod na kung may itataas pa ang kilay ni Seki ay iniisip nya na bakit hindi dahil sa interaction ng boyfriend at pamangkin nya. "Secret" chorus pa ni Kiyota at Andrei. Kinuha naman ni Rio ang ilang plastic bag na dala ni Seki at Olivia "Binili nyo na ba ang buong palengke" nagsalita naman si Olivia "Uncle... marami po kasi tayo tsaka lahat po yan nasa listahan ni Lola Ri..".
Napakamot ulo naman si Rio dahil sa dami ng pinamili ay alam nya na parang may handaan na mangyayari "Parang pyesta lang ah.. Si Nanay talaga.. Oh sya dalhin ko na ito sumunod na lang kayo sa akin" tinawag nya ang atensyon ng anak "Andrei tama na paglalaro, umakyat ka na, magagalit ang mama mo". Si Andrei naman ay nilapitan si Soichiro "Sochiro-nii chan tara na kina Mama..." hinatak ang kaliwang kamay ng binata maging ang kanang kamay ni Olivia at sinundan ang ama. Pinagmasdan ni Kiyota si Andrei habang nakikipag usap sa bestfriend nya "Nakikita ko sarili ko kay Andrei... cute" alam nya na tumatak sa isip ni Andrei na pamangkin ni Jin ang crush nya na si Seina. "HAH!" laking gulat na lang ni Kiyota ng maramdaman nya na sumakit ang tagiliran nya gumawi ang tingin sa kasintahan na naka krus ang mga braso sa dibdib at tinatap ang kaliwang paa sa lupa, napalunok naman sya.
"Baby...."
"Don't... 'Baby' me, Kiyota-kun""May kasalanan ba ako? May problema ba?"
"Huwag ka na mag maangan pa, I want to know what happened between you and my baby nephew?"
(Napahinga na lang ng malalalim si Kiyota may kasunduan sila ni Andrei)"Hindi ka ba happy na okay na kami... Okay ako kay Andrei?"
"I'm glad syempre... pero ano nangyari why all of the sudden...""Nag usap na kami ni Andrei at naintindihan na nya, nag selos sya na hindi mo na sya nauna dahil sa akin.. I assured him na hindi totoo yun at hindi ko ikaw ilalayo sa kanya"
Seki's eyes soften sa nalaman na information, hindi naman nya intensyon na mafeel ni Andrei na left-out sya. Thankful rin sya kay Kiyota dahil sa pag assure nito sa pamangkin at pag paliwanag ng mga bagay bagay. Nakahinga ng maluwag si Kiyota ng hindi na nagtanong muli si Seki "Did I make you happy with my explanation, Princess?" umarte pa ang binata na isang prinsepe na gumawa ng bow gesture at nilahad ang kaliwanag kamay, bahagya nag giggle si Seki sa antics ng boyfriend "Indeed, Sire". Narinig nila ang ingay sa kusina nina Lola Risa kaya napatingin sila sa bintana. "Umakyat na tayo para matulungan natin sina Lola Risa at Auntie Yuika" wika ni Kiyota, hinawakan naman ni Seki ang braso ni Kiyota upang pigilan ang paglalakad nito.
"Ako na lang ang pupunta sa bahay... Puntahan mo na lang ang boys" suggestion ni Seki
"Sure ka Seki-chan?" paninigurado ni Kiyota
"Oo naman... Alam ko na Miss mo na rin sila, tsaka mas inuna mo ako, happy ako syempre pero iba kapag kasama mga kaibigan di'ba?"
"Syempre naman... Iba kapag ikaw ang kasama ko Seki"
(Nag wink si Kiyota kay Seki, si Seki naman ay hinampas si Kiyota sa braso)"Bolero... Go na sila naman ang guluhin mo"
"Magulo lang naman ang araw ko kapag nakita ko si Unggoy"
"Hanggang ngayon ba ganyan mo pa rin tawagin si Sakuragi-san?"
Hindi kumibo si Kiyota napahinga na lang ng malalim si Seki "Hindi na siguro mababago yun" bulong ng dalaga sa isip. Nagsimula na sya maglakad paakyat ng hagdan ng marinig nya ang mga kasunod na yabag na paa "Kiyota? Sinabi ko na na puntahan mo na sila eh", nag surrender pose naman si Kiyota bago hinawakan ang kamay ng girlfriend "Relax Baby... Ihatid lang kita paakyat ng bahay bago ko sila puntahan". Ngumiti si Seki at hinalikan sa pisngi si Kiyota "Thanks Baby" na tameme naman ang binata at kilig na kilig.