Chapter 13

38 2 10
                                    

     Hindi pa din nagkikibuan si Seki at Kiyota

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Hindi pa din nagkikibuan si Seki at Kiyota. Halos 20 minutes na ang lumipas ng pumasok ang dalawa sa loob ng kwarto. Sa sobrang tahimik pinagmasdan na lamang ni Kiyota ang design ng kwarto ni Seki. Natutuwa s'ya na hindi pa din nagbabago ang hilig ng dalaga. Maraming libro na naka display sa study table nito. Gumawi ang tingin ng binata sa kanan, nakita nya ang isang picture frame. Kilala nya kung sino ang kasama ni Seki, si Rika ang ina ng dalaga at itinuturing na din n'ya sariling nanay. Noong naghiwalay sila ni Seki si Jin ang nagsabi sa kanya na pumanaw na ito. Lungkot ang naramdaman ni Kiyota ng malaman nya ang pagkamatay ni Rika, may galit at inis din sya nararamdaman sa sarili nya bukod sa regret sapagkat hindi man lang n'ya nagawa damayan si Seki sa pagluluksa at hindi sya nakahingi ng tawad kay Rika.

     Napahinga na lamang ng malalim si Kiyota, dahil nga nabasa sila ng ulan ni Jin medyo nakakaramdam din s'ya ng ginaw. Tatanungin na sana n'ya si Seki kung may mapapahiram na damit sa kanila pero naisip nya "Wala naman sila kasama na lalake dito. So Impossible naman" bulong n'ya sa isip. Lingid sa kaalaman ng binata pasimple s'ya pinagmamasdan ni Seki. Hindi maiwasan ng dalaga ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Matagal na din noong huli sila magkasama sa isang kwarto para matulog "Ano gagawin ko. Hindi naman na dapat ako kinakabahan pa. Wala na sa akin hindi ba?" tanong n'ya sa kanyang sarili. Napahinga na lang ng malalim si Seki at sinabi na kailangan hwag sya magpa apekto dahil wala naman mangyayari hindi maganda.

     Napansin ni Kiyota sa gilid ng kanyang mata ang pagbukas ng bibig ni Seki, marahil ay may sasabihin "Ano... Kiyota...". Sabay naman napatalon ang dalawa dahil may bigla kumatok sa pinto. Mabilis naman pinuntahan ito ni Seki at pinagbuksan kung sino man iyon. Si Jin pala. "Aa, Kuya Jin ikaw pala" bati ni Seki. Kumaway naman si Jin "Gising pa ba si Kiyota?" lumapit naman si Kiyota sa pinto. Nakaupo ang binata sa computer chair ni Seki "Oo bakit may problema ba?".  "Pinapahiram ni Oli, damit pantulog mo daw. May kasama din 'yan towel, sabon, shampoo pati toothbrush, pati nga undergarments meron. Haha. Mag quick shower ka daw bago ka matulog para hindi magkasakit" paliwanag ni Jin. Pinagmasdan naman nila si Jin, naka suot ito ng v-neck white tshirt at naka gray na pajama. "Paano nagkaroon ng damit panlalake si Oli, siguro madami inuuwi na lalake yun dito noh? Tignan mo Jin, akalain mo hindi masikip yung damit sayo tama lang. HAHAHAHA. Sumasalisi pala yan si Oli eh" pag voice out ni Kiyota. 

     Nanlaki naman ang mata ni Jin at ngayon lang nya nainisip ang sinabi ng kaibigan. Nainis naman si Seki at kinurot ang tagiliran ni Kiyota "Siraulo, kayo na nga pinahiram ng damit pagsasalitaan mo pa ng ganyan kaibigan ko. Mahilig magsuot yun ng maluluwag na damit kapag matutulog. Yung iba pantulog nun pinaglumaan ng kuya n'ya. Maka isip ka din noh? Hays". Pagkatapos magpaliwanag ni Seki ay may sheepish expression si Kiyota at si Jin naman ay nakahinga ng maluwag "Sorry na, nagbibiro lang naman ako eh" paliwanag ni Kiyota. "Bakit madami stock na toothbrush, and other toiletries si Oli?" tanong naman ni Jin. "Kapag nag grocery kasi yun, mahilig mag stock ng extra just in case maubusan hindi na kami bibili pa sa labas. Tsaka para daw prepared sa mga bisita. Yung kuya din nya dumadalaw dito kaya pati undergarments panlalake bumibili si Oli, Oi bago yan ah hindi tama gagamitin nyo ang ginamit ng iba HAHAHAH". "Ahh, valid naman na reason" comment ni Jin pinipigilan naman matawa ni Kiyota alam nya iniisip ng kaibigan "Pasimple ka pa Jin, affected ka lang sa sinabi ko kanina eh" sabi nya sa sarili.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon