Tinali ni Seki ng mahigpit sa kanyang bewang ang apron skirt na suot, hawak sa kanang kamay ang maliit na basket na naglalaman ng gamit panlinis, tinahak nya ang lamesa kung saan may kaalis lang na customer. Liligpitin na nya ang mga plato at kubyertos nang dumating si Hideo "Ako na dyan, Seki...", ngumiti naman ang dalaga "Thank you Kuya Hideo" na ginawaran sya ng wink at mabilis niligpit ang mga plato. Nang makaalis ang binata ay nilapag ni Seki sa ibabaw ng lamesa ang dala nyang basket, kinuha ang spray bottle na naglalaman ng tubig na may halong sabon at winisikan ang lamesa. Pagkatapos ay pinunasan nya ito ng medyo basa na basahan, sinampay nya sa gilid ng basket ang ginamit na pamunas bago kinuha ang tuyong basahan na nasa bulsa ng apron skirt para punasan muli ang lamesa.
Kinuha naman nya ang isang spray bottle na naglalaman ng alcohol at winisikan rin ang mga upuan. Bahagya napatalon sa pagkabigla ang dalaga nang maramdaman na may tumapik sa kanyang balikat, nilingon nya kung sino ito
"Seki... break time muna..." nakangiting bati ni Mai
"Oh..." nilingon ni Seki ang orasan na nakasabit sa pader malapit sa kitchen door
"Oh yes, indeed" may amusement ang boses ni Mai sa tugon ng kaharap
(Saglit may hagikgikan ang dalawang dalaga)
"Gomen, Ate Mai... hindi ko namalayan ang oras"
"I get you, baby girl... gano'n siguro talaga kapag busy bee"
Papasok na sana ang dalawa sa kitchen ng tumunog ang bell, indikasyon na may panibagong customer na dumating. Nag offer si Seki na sya ang maiwan para asikasuhin ang bagong dating bago mag break, ngumiti naman si Mai "Sige... last na yan sa ngayon... okay... pumunta ka agad sa loob ah!!". Todo nod naman si Seki sa paalala ng kanyang tinuring na 'Ate', nag mutter sya ng small thank you ng kinuha nito ang cleaning basket nya. Nag wink si Mai bago tinalikuran ang katrabaho. Internally, napailing ang dalaga na may kasamang paghagikgik "Meant to be nga sina Kuya Hideo and Ate Mai"
Kinuha ni Seki sa kabilang bulsa ng apron skirt ang personal alcohol na gamit at nilagyan ang mga kamay bago tinungo ang entrance ng resto bar
"Good afternoon, Sir... I'm Seki... table fo?....." natigilan sya magsalita dahil hindi nya inasahan na ang kasintahan ang nasa harapan
"Hi Ms. Seki... Table for two please" nakangiting bati ni Kiyota
(Agad na may pagkunot ng noo ang dalaga kasabay ng halos pagdikit ng kilay nya na hindi naman nakatakas sa kasintahan nito)
"Relax... Baby... of course, para sa atin dalawa" pinigilan ni Kiyota ang tumawa sa cute expression mayroon ang kasintahan
"Eeh? Demo.... Nasa Duty ako Kiyota-kun"
May pagkagat ng labi ang dalaga, gusto nya tanggapin ang alok ng kasintahan ngunit nasa oras pa sya ng trabaho. Pinagtaka nya ang hindi naalis na ngiti ng binata "Baby... chill, kinausap ko sina Ma'am Airi & Boss Daichi..." nilapit ni Kiyota ang mukha sa tenga ni Seki "Approved baby... pwede daw tayo mag date dito...". Halata na may kilig sa boses ng binata na kinatawa ng kasintahan nito "Hindi ka naman prepared Kiyota-kun neh?". Siinabayan rin ni Kiyota sa pagtawa si Seki "Oo naman Baby... hindi nga ako prepared kaya ito flowers for you".
May pagpula ng pisngi si Seki at tinanggap ang bouquet ng combined red and pink roses "Thank you" mutter nya at inamoy agad ang bulaklak.
"Naks naman back to courting stage kayo?"Si Hideo na napadaan ay hindi naiwasan mag kumento, nilagay nya ang ilan pinggan na dala mula sa panibagong lamesa pinagligpitan sa tabi ng cashier monitor. Si Kiyota naman ay may smug expression bago nakipag fist bump sa kaibigan "Naman Pre! Araw araw ko nililigawan... Mahirap na baka mauntog si Baby eh". Tumawa si Hideo nang matapos makipag fist bump "Ganyan din ako kay Mai... hirap noh baka mga matauhan... Haha". Nag tawanan ang dalawang binata na nagpahinga ng malalim kay Seki, sa palagay ng dalaga lalo nagkasundo ang dalawa pagdating sa kalokohan.
Sa paghinga ng malalim ni Seki ay umayos bigla ng pustura ang kasintahan nito. May pag tigim si Kiyota at may kung ano sinenyas kay Hideo na ngayon ay mas pormal ang pagkilos kumpara kanina "This way, Ma'am Sir" pormal nito pagtawag sa magkasintahan. Nag salute gesture si Kiyota kay Hideo na may smirk. Ang dalaga ay hindi naiwasan magbigay ng kumento "I knew it... Kasabwat ka na naman Hideo-nii...". Ngumiti lang si Hideo, si Kiyota naman ay hinawakan agad ang kamay ni Seki para sinundan ang binata kung saan ang pinareserve nya na area, ngayon lang napansin ni Kiyota na may kakaiba sa resto bar
"Pretty cool di'ba... Kapaparenovate lang nila Boss Daichi nito" paliwanag ni Hideo
"Thank you Kuya Hideo... sa pag assist sa amin" nakangiting tugon ni Seki
"Always welcome... naitimbre na sa amin ni Ma'am Airi" sagot pabalik ni Hideo
(Napakamot ulo si Kiyota sa narinig)
"Parang may krimen naman ako ginawa sa 'naitimbre na term' ah"
"Hahaha"
Tumawa naman ang dalawa sa sinabi ni Kiyota, kinuha na Hideo ang order ng dalawa "Ah nga pala Kiyota-san, sabi ni Ma'am Airi... bigyan ka namin discount." aapela naman ang binata ng inawat sya nito "Maliit na discount lang kaya huwag mo na tanggihan... Utos ni Lady Boss". Napailing si Seki ng nag pout ang kasintahan samantala bumalik sa kusina si Hideo na tawa pa rin ng tawa.
