Paro't parito si Seki sa labas bahay ng kanyang lola. Alas kwarto imedya na ng hapon, isang oras ng late si Kiyota sa sinabi nitong oras ng pagbalik nila mula sa aktibidad ngayon araw. Minsan ay tumingkayad pa sya para lamang matanaw sa labas ng gate kung parating na ba ang sasakyan na lulan ang kasintahan at mga kaibigan nito. Isang oras mula ngayon maaari na pumunta ang mga gusto makilahok sa festival pero eksakto alas nuebe pa ang simula ng mga palabas at paligsahan. Maaga lamang binubuksan ang entrance tuwing festival para may panahon pa makapasyal at mamili sa mga stalls ang mga tao, kadalasan hanggang umaga ng sumunod na araw natatapos ang unang gabi ng festival sa sobrang dami ng naka hilerang mga aktibidades. "Baby.... Nasaan ka na, sabi mo kanina pa kayo pauwi" kinausap na ni Seki ang sarili dahil hanggang ngayon wala pa ang kasintahan, sa kabilang banda naisip rin nya na marahil sa festival na nga lang sila mismo magkita. Alam rin ng dalaga na gitgitan ang mga sasakyan ng ganitong oras sa kanilang lugar, ang festival sa kanilang bayan ang pinaka inaabangan ng lahat.
"Seki... bakit hindi ka muna maghanda para sa festival... Mamaya pa sina Kiyota"
"....."Lumingon si Seki sa kanyang likuran, si Jin pala ang nagsalita na sa tansya nya ay kanina pa nandito "Ah, Kuya Jin... obvious ba na kanina ko pa hinintay si Kiyota-kun". Unti unti lumapit ang binata sa kausap "Konti lang" ginawaran nya ng ngiti ang nobya ng kaibigan "Ayos lang yan, Seki... ganon ata talaga kapag in love..." dahil dito may pagtaas ng kilay ang kaharap
"Hmmm.... Gano'n rin ba ang feeling mo kapag malayo si Oli-chan??" sing sang voice ni Seki
"Aa... Oo... pero huwag ka muna maingay sa kaibigan mo" hawak ni Jin ang batok minsan ay iniwas ang tingin sa kaharap
(Hindi kalakasan siniko ni Seki ang tagiliran ni Jin)
"Kuya ah!! Yiiieeee..... Baka mamaya kayo na hindi namin namalayan" hinarang ni Seki sa kanyang bibig ang kanang kamay kasabay ng mahina pag giggle
"Ehem... Ligawan ko muna si Cinnamon... mamaya date kami sa festival"
Lumakas bahagya ang pag giggle ni Seki "Kuya Jin... basta huwag ka na mailang kay Oli... Bilisan mo na..." may pagtaas ng kilay ang dalaga habang nagsasalita. Ngayon naman si Jin ang may pagtawa "Sige... subukan ko..." ginulo nya ang buhok ng tinuturing na nakabatang kapatid "Maghanda ka na para sa festival... hinihintay ka na nila". May pagtaas muli ng kilay ang dalaga bago pa sya magtanong lumapit na sa kanya ang sagot
"Beb!!"
"Gurl!!"
"Ano ginagawa mo dyan??"
Kita nila mula sa hagdanan ang humahangos pababa na sina Olivia at Alisson habang patungo sa kanilang kinatatayuan "Aa... hinintay ko si Kiyota-kun" pag amin ni Seki. Nagkatinginan naman ang kadarating lang "Sekinari... traffic ngayon dito kaya baka nga sa festival na kayo magkita" comment ni Alisson nag nod lang si Olivia, dinagdagan ni Alisson ang sasabihin "Isa pa, need na natin kumilos dahil kailangan maganda ka..." klinaro ni Olivia ang kanyang lalamunan "Maganda pala tayo... para mamaya" kitang kita nina Jin at Seki kung paano mag eyeroll si Alisson dahil ayaw pumayag ni Olivia na isa lang ang maganda para sa festival mamaya. Nag nod naman si Seki habang nanumbalik ang mahina pagtawa "...okay... Girls, handa na ba ang mga kimono nyo?" kahit sya ay excited makapag ayos paminsan minsan.
"Uhuh!!"
"Duhhh" magkasunod na naman sagot nina Olivia at Alisson
Si Olivia ay may pa hairflip samantala si Alisson ay may pag krus ng mga braso sa ibabaw ng dibdib na animo naiinip "Mataray ba talaga toh?" nakita nila tinuro ni Olivia ang katabi "Sometimes" sagot ni Seki. Nag shrug lang ang pinag uusapan bago nagsalita "Sige Kuya... una na kami sa loob". Ngumiti si Seki habang kumaway lang si Olivia para magpabatid ng 'babye'. Hindi naman inasahan ng girls na mauudlot ang paglalakad nila, nagkatinginan sina Alisson at Seki bago gumawi ang tingin sa dahilan ng paghinto nila -- si Jin pala ay hinawakan ang palapulsuan ni Olivia
"Huh...." may pagtataka sa dalaga
"..... Olivia Ysobel.... Pwede ba tayo mag date sa festival?"
Gumilid sina Seki at Alisson para lalo makita ang nagyayari deep inside kinikilig ang dalawa. Pinagmasdan nila kung paano unti unti mamula ang buong mukha ng kaibigan nila
"Uhm.... ano.... Hai...."
Umusbong sa mukha ni Jin ang isang ngiti dahilan para magtakip ng mukha ang dalaga naramdaman nito na may nakapatong na kamay sa tuktok ng kanyang ulo kaya bahagya nya ibinaba ang nakatabing na mga kamay na nasa mukha. Kita ni Olivia kung paano nilagay ni Jin ang ilan takas nyang buhok sa likod ng kanyang tenga "Ang cute mo pala kiligin, Cinnamon"
.
