"Wow, ang dami naman nito"
"May okasyon po ba?"
"Salamat po, nagabala pa kayo""Huwag kayo mahiya, kumain lang kayo"
"Hai..."
"Itadakimasu!!"Nagpaabot ng panalangin ng pasasalamat ang lahat bago nagsimula kumain, pinatigil na ni Yuika si Rio sa ginagawa nito "Anata, tama na yan, okay na ang bbq dito, sobra pa sa atin, kumain ka na", "Hai, Tsuma". Nagpunta na si Rio at tinabihan ang asawa, masaya naman si Risa dahil ngayon lang ulit naging lively ang hapunan nila. Inimbitahan rin nila ang mag anak nila Manong Randy, katabi ni Andrei si Ayesha, ang mga bata ay enjoy sa pagkain ng fried chicken. Si Seki naman ay nahihiya dahil inaasikaso sya ni Kiyota, napansin nya na wala ang atensyon ng lahat sa kanilang dalawa na nagpa kumportable sa kanya, sa ilalim ng mesa ay hawak ni Kiyota ang kaliwang kamay ng kasintahan, katulad ng napag usapan ay boodle-fight style sila kakain. Napuno na tawanan, asaran at hiyawaan ang hapag kainan nila dahil sa constant teasing ng boys kay Kiyota, lalo pa sila nagtawanan ng ngumuso ang binata, ang girlfriend kasi nya na si Seki ay hindi rin pinalagpas ang pagkakataon para asarin sya, "Pati ba naman ikaw Seki". Wink lang ang ginawa ng dalaga, pulang pula ang mukha ni Kiyota sa cuteness ng girlfriend "Cu...cute..." ayan lang nabuo nya na salita. Napailing naman si Maki "Ganyan ba talaga kapag in love?" bulong nya sa mga malapit sa kanya tango naman ang naging tugon nila "Wala na, natameme na" mula naman kina Koshino, Takasago at Jin habang napailing.
Nakita ni Seki na bumubulong ang kanyang lola sa kanyang tiyuhin hindi na sya nagtaka ng nagsalita ito na halos pa sigaw "Kayo dyan... mamaya na kayo kumanta may sasabihin nga pala sa inyo ni Nanay" mula kay Rio. Lumingon naman si Mitsui, Sendoh, Miyagi at binaba ni Sakuragi ang hawak nya mikropono bago nagtungo ang apat pabalik sa mga pwesto nila.
"Salamat, Rio anak.." untag ni Risa
"Lola Risa, ano po pala ang sasabihin nyo sa amin" tanong ni Seki"Ah, gusto ko muna malaman kung kailan ba ang start talaga ng gagawin nyo, pasensya na hindi ko alam yung tawag... Kumbaga, hindi ako techie"
(Nagtawanan naman ang lahat dahil nagawa pa magbiro ni Risa)"Documentary po" sagot naman ni Hikoichi
Nag nod si Risa at nagpatuloy pagsasalita "Aah... documentary.. Oo kailan ba kayo magsisimula" pag ulit nya ng tanong. Si Jin ang sumagot "Sa susunod na linggo po sana, mga Tuesday po". "So next next week pa" understanding ni Yuika habang hinahaplos ang baby bump nya "Tamang tama pala" singit naman ni Rio. "Tamang tama saan po?" chorus ng boys. "May festival sa bayan, tatlong araw mula ngayon. Inisip ko na pwede kayo mag participate dahil mga bata pa kayo at I'm sure mag enjoy kayo" paliwanag ni Risa "At hindi pa maabala ang gagawin nyong documentary" dagdag ni Yuika. May contemplative look naman ang lahat pero agree naman sila sa sinabi ng dalawa, bigla naman naalala si Seki ang tinutukoy na festival ng kanyang lola "Ay oo nga noh, masaya don, marami food stalls at may dance din sa pangatlong gabi.. Ang last day ng festival", kinalabit ni Olivia si Seki "Yun ba yung kinu kwento mo Seki-chan na festival na lagi mo pinupuntahan nung bata ka pa at kumakain ka ng apple candy??". Ngumiti si Seki "Oo, iyon nga.. Hays ang tagal ko na rin hindi nakakain nun" nag sparkle ang mata ni Olivia "Punta tayo... Isama mo ako ah... gusto ko tikman din yun pati yung takoyaki... Tapos ano naka yukata ba dapat". Nag yes si Seki, may sarili mundo ang dalawa narinig pa nila na nag uusap sila na bibili sila ng yukata bago ang festival "Bagay sayo ang purple na color" compliment ni Olivia kay Seki."So, it means aattend tayong lahat" statement ni Kiyota
"Hai" tugon naman ni Soichiro"Hai" ginaya naman ng the rest maliban kay Fukuda at Kaede na tahimik lang
Nakita ni Seki at Olivia na nasa kanila ang atensyon ng boys, sabay sila napahawak sa kanilang buhok at may sheepish expression "Sorry, excited lang" sabay ulit nila wika. Another batch of laughter ang narinig sa bakuran nila Risa.
