Chapter 44

25 2 1
                                    

        Kahit puno ng ingay ang paligid, ang atensyon ni Kiyota ay nasa kanyang kasintahan na kanina pa tawa ng tawa dahil sa mga kalokohan ng kaibigan nya. Hindi rin sya nagsasawa titigan si Seki lalo sa pustura na meron ito, ngayon lang nya nasilayan ang kasintahan na may gamit na lipstick sa labi "Bagay pala sayo Baby ang red lipstick", unconsciously patuloy ang paghaplos nya sa kanang kamay na hawak. Pagkatapos pakatitigan ng binata ang buong kaayusan ng nobya ay mas nasentro ito sa inviting lips nito, pinigilan nya ang sarili para hindi halikan si Seki sa harap ng mga kaibigan alam nya mahihiya ang dalaga kapag ginawa nya ito.


"Kids... mauna na kami sa inyo... inaantok na si Yuika"
"Sige po... Bye Uncle... Auntie"


"Enjoy kayo...." inalalayan ni Rio ang asawang si Yuika na makatayo 10:45pm na ng gabi, "Sabay na po kami sa inyo" wika ng iba at agad kinuha ang dalawang basket para hindi na mahirapan pa ang mag asawa. Nag smile si Yuika grateful sya sa pagiging matulungin ng mga bisita nila, hindi nya maiwasan ang muling pagkahikab dahil sa antok, kinarga naman ni Rio si Andrei na tulog na.

"Congrats po ulit Uncle... Auntie" bati nilang lahat

         Nasungkit ang 1st place para sa rice cake contest, isa pang pag kaway ng kamay ni Yuika bago sila nagsimula maglakad ng mga kasama. Ito lang sa lahat ng paligsahan sa festival ang walang reward na salapi, bagkus ang natanggap lang ng nanalo ay certification at i feature sa dyaryo kinabukasan as part of the marketing of the local government lalo na para sa turismo ng kanilang lugar. Masaya naman ang lahat ng nakilahok sa rice cake competition dahil naipamalas nila ang kani-kanilang recipe at napamahagi pa nila sa mga tao ngayon gabi ang mga rice cakes pagkatapos ng kumpetisyon. Hinayaan na lang nina Seki na kumain ng ube halaya na ginawa nila ang mga kaibigan nila kanina, nagkatinginan sila ni Kiyota "Sa susunod na lang natin sabihin sa kanila" bago nila tinignan si Sakuragi na iniwas ang tingin sa kanila at may pagsipol pa.

        Meanwhile, ang mga naiwan naman ay ang girls at ilan boys kabilang dito sina Mitsui at Koshino. Si Fukuda nararamdaman ang binabalak ng dalawa ay sinenyasan si Miyagi agad nila kiladkad ang dalawa papalayo kay Alisson


"Saan nyo kami dadalhin..." reklamo nina Mitsui at Koshino
"Maglibot tayo sa festival..."
"Nasa sleeping competition na si Rukawa at Sendoh.. Panoorin natin" magkasunod na wika ni Fukuda at Miyagi

"Maglibot? Meaning kakain kayo sa mga stalls.... SAMA AKO!!!"


        Rinig ang malakas na boses ni Sakuragi bago sinundan ang mga papalayong kaibigan. Hindi na naman napigilan ni Seki ang pagtawa nang maramdaman nya na papalayo na sya kung saan kanina lamang ay nakatayo sya "Baby.... Ano ba, hindi tayo pwede umalis agad paano si Alisson" reklamo nya habang mas diniin ang mga paa sa lupa para maawat ang paghatak ng kanyang nobyo. Humaba naman ang nguso ni Kiyota bago nagpaliwanag "Malaki na si Alisson kaya na nya sarili nya" namilipit ang kanyang mukha nang maramdaman ang matinding pagkurot ni Seki sa kanyang tagiliran "Aray Baby....". May unimpressed look naman ang dalaga habang mahinang tinatap ang kanang paa sa lupa kasabay ng nagkrus na mga braso sa dibdib "Anong sinasabi mo na malaki na si Lenlen, huh? Mr. Kiyota Nobunaga?".

       Napalunok naman ng matindi ang binata at agad na nagpaliwanag ayaw nya maranasan ang galit ng nobya, pinangako nya sa sarili na hindi na nya pangarap maulit ang pangyayari na iyon "Ano... umalis na si Alisson, safe ang kaibigan mo Baby". May pagkurap ng mata si Seki "Hah??? Umalis na siya?? At safe...." nag nod naman si Kiyota "Oo... ayun oh nasa stall sila" tinuro niya ang medyo malayo sa kanila na stall, kung saan naglalaro sina Maki at Hanagata ng milk bottle knockdown habang tahimik lang na nanonood si Alisson. Huling huli rin ng kanyang mga mata na nanalo ang dalawa at ang pag abot nila ng stuffed toy may kasama pa na isang sunflower stem sa kababata nya na agad niyakap ang mga manika kasabay ang pagpula ng pisngi. Tanaw rin ni Seki sa hindi kalayuan ang pasimpleng pag sunod nina Mitsui at Koshino sa tatlo, binabantay naman ni Miyagi, Fukuda at Sakuragi na maraming yakap na pagkain. Kumalma na ang dalaga ng napatunayan na ligtas ang kababata "So, baby pwede na tayo mamasyal?" hopeful si Kiyota ngayon lang ulit sila mag date ng kasintahan dahil sa pagiging abala sa trabaho; gusto rin nya sulitin ang oras na magkasama sila ngayong gabi.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon