Naramdaman ni Seki na wala na syang katabi sa pagtulog kaya naman minulat na nya ang mga mata; dahan dahan sya bumangon kita rin nya na maayos na ang kabilang parte ng hinihigaan - ang unan at kobre kama ay nasa orihinal nitong ayos at wala rin mabakas ng lukot. Inayos nya ang pinaghigaan, sa pagtupi ng kumot doon nya napansin ang isang papel na nahulog sa kanyang paanan
Ohayo Baby,
Magsimula na kami ngayon araw ng documentary series. Yung iba maiiwan habang ginagawa namin ang project, kanya kanya toka ang ginawa para hindi magulo. Alam mo naman, magkarambol lang kami kapag kumpleto at isa pa baka wala kami matapos lagot kami kay Mamita...
Hindi na pala kita ginising, ayaw ko masira ang tulog mo.. Ingat ka huh...Hindi ko sigurado if maaga kami matatapos, if hindi kaya baka sa festival na tayo magkita mamaya..
I love you Seki:*
Love,
Kiyota
P.S. Ang cute cute mo matulog... para kang kuting, kung pwede lang binulsa na kita para kasama kita ngayon. :p
Isang malapad na ngiti ang umusbong sa mukha ng dalaga "Aww... ang sweet naman ni Baby..." malakas ang pakiramdam nya na maganda ang araw na ito "Hala.. Oo nga pala, ngayon na ang festival... Kyaaahhh" nagpagulong gulong si Seki sa kanyang kama sa sobrang kakiligan. Inangat ang pagitaas na bahagi ng katawan bago humiga muli para magpagulong gulong.KNOCK KNOCK
Nilingon agad ni Seki ang pinto at kasabay nito ang pagpasok ni Yuika "Seki... tinanghali ka yata ng gising, bumangon ka na dyan". Binati naman ng dalaga ang tiyahin nya "Good morning po Auntie...".
"Good morning rin, bumangon ka na para makapag almusal"
"Opo... Uhm Auntie bakit po parang gumagawa kayo dito sa bahay"
(Ramdam ni Seki na abala ang tiyahin nya kanina pa)
"Ngayon na ang festival, kaya kailangan ng tulong dito sa bahay... marami biglaan order ng rice cakes ngayon"
"Ay Auntie... magpahinga lang po kayo... Ako na po ang gagawa..."
"Salamat Seki.. hindi ko tatanggihan yan... katulong rin namin ngayon ang ilan boys"
"Wala po yun... Uhm nasaan po si Oli sigurado ako tutulong din sya"
"Nasa palengke sila ni Nanay, bumili sila ng mga rekado at kakailanganin"
Nag nod si Seki at sinimulan muli ayusin ang pinaghigaan, narinig nya ang tiyahin habang papaalis ng kanyang silid "Oh sige, kumain ka na muna.. Busy rin si Andrei" tinanong nya kung ano pinagkakaabalahan ng kanyang pamangkin "Naglalaro sila ni Ayesha at mamaya kasama magkasama rin ang dalawa sa festival" natatawang tugon ni Yuika at tuluyan na umalis ng silid. Nag takip ng bibig si Seki sa nalaman na kwento "Sino makapagsabi na marunong na gumising ng maaga ang pamangkin ko"; sa kanyang alala pahirapan gisingin si Andrei tuwing umaga lalo na kapag may pasok sa eskwelahan "Sabagay... mas may energy nga pala ang mga bata sa paglalaro". Nang matapos ang pag ayos sa kanyang higaan sa pangalawang pagkataon ay nagtungo ang dalaga sa banyo para makaligo, naniwala sya na hindi na nya magawa ito kung mamaya pa sapagkat abala ang araw ngayon.
Nagpadala si Seki ng mensahe kay Kiyota ng pag iingat bago nagtungo sa hapag kainan, habang papunta ay nakita nya ang ilan sa mga kaibigan na hindi kasama ng nobyo.
"Ohayo" pagbati ni Seki
"Ohayo..." bati naman pabalik ng boys
"Kumain na ba kayo?"
"Oo, Seki huwag mo na kami alalahanin, kumain ka na" tugon ni Jin
"Kuya Jin, akala ko kasali ka sa kasama ngayon"
Umiling si Jin "Hindi.. Pinakiusapan ako ni Lola Risa na dito lang muna ako... kami" minuwestra ng binata ang mga kasama "Bakit daw?" tanong ni Seki "Baka taga halo ng rice cake" comment ni Rukawa. Natawa naman ang dalaga sa tugon na narinig "Ah ganon pala... sige kain muna ako". Sa kalagitnaan ng pagkain may narinig sila na malakas na tunog ng pampublikong sasakyan "NANDITO NA SI LOLA RISA!!" malakas na boses ni Sakuragi ang narinig nila na nakaupo sa pinakataas na baitang ng hagdan. Bumaba naman ang boys, kahit si Seki ay huminto sa pagkain para lamang tulungan rin ang lola nya. Hindi nga nagkamali si Sakuragi kailangan nga ng tulong ng kanyang lola sa dami ng dala nito.
"Lola... binili nyo na po ba yung palengke"
"Hay nako... wala pa nga ito eh" tugon ni Risa
"Thanks Beb... boys sa help ninyo" wika ni Olivia na may hawak na malaking plastic bag
"Ang dami po ng binili ninyo Lola" comment ni Rukawa at kinuha ang dalawang kahon na binaba ng driver
"Sa pamamalengke namin kanina, yung mga suki ko bigla umorder kaya naman dumami ang pinamili namin" pag amin ni Risa
Si Jin naman ay kinuha agad ang dalawang plastic bag na hawak ni Olivia "Cinnamon, ako na dyan.. Hindi ka dapat nagbuhat ng mabigat" nagpasalamat naman ang dalaga "Thank you... Mr. Bucket... paki dala na lang sa kusina ni Lola Risa" dali dali nagpunas ang dalaga ng pawis sa noo, sumingit naman si Sakuragi "Huwag ka daw mag bitbit kasi lalo ka lili..." hindi nya natapos ang sasabihin ng salpakan sya sa bibig ni Rukawa ng dyaryo "Subukan mo tapusin sabihin mo kung gusto mo matulad kay Sendoh" pabulong nito wika. May pagtataka naman na expression ang dalaga "Huh??? Ano daw?" agad naman nagpaliwanag si Seki "Ah wala lang yun Beb..." hindi na nangulit pa si Olivia.
"Olivia... may binili ako mochi sa palengke... ilagay mo sa plato para sa atin"
"Salamat po Lola Risa"
(Nagpasalamat si Seki sa isip sa ginawa ng kanyang lola ng pag iba ng usapan)
"Pero kayo muna ni Soichiro-kun ang mag salo... Parang date yon hindi ba apo?"
"Hahaha... Opo Lola.." masiglang tugon ni Seki
Pareho namula ang mukha nina Jin at Olivia "Yiiiiieeee" asar naman ng iba kahit si Rio na nag sisibak ng kahoy ay nakisali. Agad hinatak ni Jin ang braso ni Olivia "Cinnamon tara na mag date na daw tayo sabi ni Lola", natahimik naman ang dalaga habang hinatak sya papalayo ng kasama. Nagtawanan naman ang lahat maliban sa mga tahimik na may maliit na pag angat lang ng labi . Patungo na sila sa kusina ni Risa ng may maalala ito "Nga pala... festival mamayang gabi... may gaganapin na naman na paligsahan sa pinakamasarap na rice cake", si Rio naman ay nagpahatid ng sentimyento "Nanay, inimbitahan po ba ulit kayo para sumali?" agad naman tumugon si Risa "Oo... ngunit sa palagay ko hindi kakayanin kung sasali tayo"
"Huh... bakit naman po Lola?" kuryosong tanong ni Sakurgi
"Marami orders ngayon... kung minadali ang pagluto hindi maging masarap ang ricecakes"
"Nanay... ano po muna kategorya ng paligsahan"
"Lahat ng klase rice cakes pwede isali... maaari rin kakaiba ano nga ba tawag don..."
"Parang bagong imbento" comment ni Rukawa
"Oo... Rukawa-kun... ganon nga ang tawag nong organizers ng festival" pag sang ayon ni Risa
Tumahimik ang lahat ng nakarating na sila sa kusina, may naisip si Sakuragi "Lola Risa, baka pwede po kayo sumali pa rin... Pwede po kami tumulong... pero syempre gabayan nyo lang po kami kung ano gagawin". Sinabi ni Risa na matrabaho ang pag gawa ng rice cake "Kung kayo lamang nina Jin-kun at Rukawa-kun ang nandito hindi kakayanin sapagkat maya't maya ang paghalo sa pagluluto...". Ang kababalik lang na si Jin ay nagpabatid ng mungkahi "Lola... pwede namin tawagan si Kiyota... babalik yon dito para tumulong"
"Hindi ba may trabaho sya na gagawin... Makaabala kami..." nag aalalang wika ni Rio at sinimulan na mag palingas na gamit sa pagluto
"Sabagay..." tugon ni Jin
"Eh baka po pwede naman si Uozumi-san at si Ikegami-san... ang alam ko hindi sila kasama ngayon... na kina Mang Randy sila" pagsali sa usapan ni Olivia
"Beb paano mo nalaman yan?" tanong ni Seki
"Sinabi ni Hikoichi, nung nasa palengke kami ni Lola, dumaan yung sasakyan nila... kahit malayo tanaw nila kami"
Pumayag naman si Risa "Sige... salamat sa tulong... Paki tawag na lang sila.. Para masimulan na natin" nagtanong naman si Seki "Lola... ano po recipe ang gagamitin natin?" marami rice cake na alam lutuin ang lola nya at lahat iyon ay alam rin lutuin ng iba "Naisip ko gamitin natin ang purple yam recipe ni Rika" tugon ni Risa.. Naalala naman ni Seki iyon napatakip sya ng bibig "Ooh Lola... wala makagaya ng luto na iyon ni Mama, sa tingin nyo po ba matagumpay tayo kapag ginawa natin iyon?". Ngumiti naman si Risa "Oo" naniniwala sya na magagawa nila ang recipe ng yumaong anak.
"Rio... nasaan ang cook book na ginawa ni Rika... nandon ang recipe ng purple yam"
"Nanay, alam ko po si Yuika ang nagtabi non" aalis na sana si Rio ng pigilan sya ni Rukawa
"Uncle ako na po ang mag tanong kay Auntie.."
"Sige..."
"Lola... may binili na po ba kayo rekado para sa yam?" tanong ni Sakuragi
"Syempre meron... Nag drama lang ako para magprisinta kayo pagtulong... Hahaha"
Nag sweatdrop naman ang lahat sa antics ni Risa "Hay nako Lola... kayo ah" bago pa muli makapag react ang lahat dumating na sina Uozumi at Ikegami "Ang bilis naman... paano nyo nalaman" tanong ni Jin, sabay tinuro ng dalawa si Sakuragi "Nag text yan". Kita nila na kumakain na si Sakuragi ng mochi "Kain muna, mapapalaban tayo Nyahahaha" flinex nito ang braso "Handa na ba kayo mag halo?". Umiling naman ang the rest of the boys sa kalokohan ng kaibigan nila. Tahimik na binigay ni Rukawa kay Rio ang notebook na hawak "Salamat Rukawa... Seki... naalala mo ba ito" nag nod si Seki ito yung palagi sinusulatan ng kanyang ina.
Maingat na kinuha ni Risa ang notebook slash cook book diary "akin na yan..." at binuklat ito "Boys... yung iba sa inyo ay tutulong sa pag gawa ng orders... ang iba naman ay ipang laban natin sa festival mamaya..." nag nod naman sila "Alam ko malayo ito sa mga ginawa nyo sa Kanagawa... ngunit sana mag enjoy pa rin kayo". Pinaalalahanan naman ni Rio ang lahat "Magpalit muna kayo ng mas maginhawa damit at yung pwede madumihan... Haha.." sinabihan rin nya na maghugas ng mga kamay ang lahat. Ginawa naman nila ito "Seki... ihanda mo na ang ingredients na kailangan sa purple yam... sundin mo ang bilang na nilista ng mama mo" wika ni Risa, excited at masaya si Seki dahil ito ang first time na gagawin nya ang specialty ng ina "Opo Lola". Kita naman ni Risa na kumakain pa rin ng mochi si Olivia "Oli... inubos mo na ata ang mochi" pagbibiro nya na kinapula ng pisngi ng dalaga "Maari mo ba puntahan ang bahay ni Manong Dai... mang hiram ka ng ilan wooden basket..." nag nod naman ang dalaga "Sige po Lola.. Ano po saan po pala bahay ni Manong Dai... Hehehe".
Tumawa naman ng malakas si Rio "Katapat na bahay ni Manong Randy... doon sina Manong Dai... since nandon ka na, tanungin mo si Alisson kung gusto nya tumulong dito" excited naman si Olivia "Sige po!!" at mabilis na umalis ng kusina.
