" Ikaw Joyce"
Kasalukuyan akong nagrereview sa library para sa quiz namin mamaya sa calculus nang isang boses ng lalaki ang nakapukaw sa aking atensyon. Binaba ko muna ang librong aking binabasa upang makita ko kung sino'ng tumawag sa akin.
"Naniniwala ka ba sa forever?," tuloy ng lalaking tumawag sa akin. Round, hazel colored eyes with matching fair skin, ganyan ko mailalarawan ang taong bumigkas ng aking pangalan kanina, si Gian, ang campus heart throb. Sa sobrang gwapo niya, imposible naman siguro na kahit kaunti ay hindi ako magkaroon ng pagtingin sa kanya. Pero hanggang do'n na lang iyun. Hindi ako pwedeng ma-in love sa kanya.
"Walang forever," walang gana kong sagot kay Gian sabay kuha kong muli at basa sa libro ng calculus na aking ibinaba kanina. Tila nagkainteres siya sa aking naging tugon kaya kumuha siya ng isang upuan at umupo sa tabi ko.
"Bakit naman? Nakikiuso o bitter ka lang talaga?," sunod niyang tanong sa akin.
"I'm just being realistic. Kasi kung may forever talaga for example... sa pag-ibig, dapat ay wala nang naghihiwalay na magkasintahan at wala na ring nagpapa-annul o nagpapa-divorce ng kasal. Matibay na patunay lang iyan na wala talagang nag-eextinct na forever dito sa mundo natin," tugon ko naman sa kanya habang ang aking mga mata'y nakatutok pa rin sa hawak kong libro.
"Being realistic? God is forever, so are you trying to say that God is not real?," kontra niya sa sinabi ko.
"Huwag mo ngang idamay ang Diyos sa usapan nating ito! Let's stop this nonsense conversation. I have to go." Napagtaasan ko na siya ng boses sa sobrang inis ko kaya napatingin sa akin ang karamihan ng mga tao sa loob ng library. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan para umalis nang biglang hawakan ng kamay niya ang aking braso.
"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? May nagawa ba akong masama sa'yo?," saka napatayo na rin siya gaya ko.
"Ayokong tuluyang mahulog ang aking damdamin sa'yo kaya sa abot ng aking makakaya ay pinipilit kong maging malamig ang pakikitungo sa'yo." Iyan ang mga salitang sa ngayon ay tumatakbo sa aking puso't isipan. Kung meron lang sana akong lakas ng loob na mabigkas ito ng aking sariling mga labi ngunit ang problema ay wala.
"Let me go," tanging ko na lamang sinabi. Binitiwan din niya sa wakas ang aking braso ngunit nababakas ko sa kanyang mukha ang pagkalungkot dahil sa hindi ko pagsagot sa kanyang katanungan. Tuluyan ko na siyang tinalikuran nang muli na naman siyang magsalita, "I love you Joyce."
Nagulat ako sa kanyang mga sinabi kaya napaharap muli ako sa kanya. Tinignan niya ako mata sa mata, ramdam ko ang sobrang kilig sa aking katawan pero hindi ako dapat magpaapekto. Hindi kapani-paniwala, nagsisinungaling lang siya.
"Mas kapani-paniwala pa ang forever kaysa sa'yo Gian! Matapos mong magpaasa ng maraming babae't bakla, ngayon ay ako naman. Tigilan mo na ako. Nakakahiya nang sumigaw dito sa loob ng library," saka muli ko siyang tinalikuran at tinungo na ang labasan ng library.
Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang kanyang huling sinabi, "Hindi ko sila pinaasa dahil sa simula pa lang ay sinabi ko na sa kanila na ikaw lang talaga ang nag-iisa kong mahal dito sa school," pero hindi ko na iyun pinansin at dire-diretso na akong lumabas.
Matapos ang dalawang oras ay natapos din ang klase namin sa calculus at masaya ako dahil ako na naman ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa aming quiz kahit na ginulo ako sa pagrereview ko kanina ni Gian. Habang nililigpit ko ang aking mga gamit kasama ang iba ko pang mga naiwang kaklase ay may biglang pumasok sa classroom na isang grupo ng mga kalalakihan, isang naggigitara at tatlong umaawit ng kantang 'harana' ng Parokya ni Edgar. Marahil ay para ito sa isa sa mga babaeng kaklase ko, ang tanging masasabi ko ay ang sweet naman ng lalaking nag-organisa nito. Gusto niya talagang ipakita kung gaano niya kamahal ang pinag-aalayang babae. Gustuhin ko man ding mangyari rin ito sa akin pero alam kong imposible iyun mangyari.
"Nagustuhan mo ba Joyce Buenaventura or should I say Miss Walang Forever? Pwede na ba itong first step ng aking panliligaw sa'yo? Sana ay sapat na ito para mapatunayan kong mahal kita."
Ang boses na iyun... si Gian na naman? Kasunod siyang pumasok ng mga nanghaharana. Habang ang mga kaklase ko ay kilig na kilig, ako naman ay inis na inis.
"Ano'ng kalokohan na naman itong dala mo Gian! Manliligaw?... N-No. I c-can't... love you," nauutal kong sabi saka tuluyan nang nalaglag sa aking pisngi ang luhang mula sa aking mga mata.
"I can't love you... because there's no forever... yes, we love each other but we can't live forever and time will come that death will tear us apart! My heart can't resist that happening. I'd rather be a single than to see you, my love, lying lifeless in a coffin," pagpapatuloy ko.
Lumuluha na rin siyang lumapit sa akin at niyakap ako, "Death is part of our life cycle, you born, then live and lastly die. That's forever, same through with changes. The only change that's not forever is my love because nothing's gonna change my love for you though death may do us part, my Joyce."
Tumigil sa paggulong ang mga luha ko at napahagikhik ako. Bumitaw naman sa pagkakayakap itong si Gian sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtataka kung bakit ako napahagikhik.
"Kung maka-my Joyce ka sa akin ay parang in a relationship na ang status natin. Hindi pa kita sinasagot."
"Hindi pa ba e sabi mo nga kanina ay 'we love each other'?," in-emphasize niya pa talaga ang salitang we.
"Bakit parang hindi ko maalala iyun... my Gian," nakangiti kong sabi nang biglang ang labi ko ay tila naging bakal nang ma-attract nito ang mala-magnet na labi niya.
Doon nagsimula ang love story namin na tinawag naming 'alamat ng forever'. Dahil hindi lahat ng alamat ay fictional, ang iba'y totoo gaya nito.