“Pasensya ka na, hindi kasi ako nagagandahan sayo.”
Isang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ni Czarina Villamendrez ang mga sinabi sa kanya ni Aiden Christobal. Hindi sya makapaniwala na magagawang sabihin iyon sa kanya ng binata na isa lamang scholar at janitor ng eskwelahang kanilang pinapasukan. Mula nang sabihin ito sa kanya ng binata ay nakabuo sya ng isang plano at iyon ay ang akitin ito.
Kasalukuyang naglilinis si Aiden sa hallway ng isang building nang lapitan sya ng dalaga. Gabi na at wala nang studyante sa paligid. “Hi babe.” malanding bati sa kanya ni Czarina.
Hindi sya nito pinansin bagkus ay pinapatuloy lang nito ang paglilinis. Sa loob ng nagdaang isang buwan ay palagi na nitong hinihintay ang binata hanggang sa matapos itong maglinis.
Habang naglalakad sila pauwi, isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.
“May ka-partner ka na ba sa prom?” tila nabingi sya nang magsalita si Aiden. Ito ang unang beses na unang magsasalita ang binata.
Hindi nya maintindihan kung bakit sobrang saya nya. “Bakit? Yayayain mo ba akong maging partner mo?” biro nito.
“Oo.”
Halos malaglag ang panga nito sa tinugon ng binata. Diretso ang pagkakasabi nito na parang wala lang sa kanya pero iba ang epekto sa dalaga, tila kapusin ito ng hininga sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
“Pumasok ka na.” pagkasabi nito ay nagsimula na syang maglakad pauwi.
Doon na lamang na-realize ng dalaga na nasa tapat na pala sya ng kanilang bahay. Ilang segundo pa ang lumipas bago nya nagawang makapagsalita. “Pumapayag akong maging partner mo!” sigaw nya sa binata. Lumingon sa kanyang direksyon ang binata at ngumiti. Tila nahulog sa anumang dimensyon ang kanyang puso.
Hindi mapigilan ni Czarina ang magpagulong-gulong sa kama habang inaalala ang mga naganap kanina lamang. Nagkaroon na syang ng napakaraming boyfriend pero ngayon lang nya naramdaman ang ganoon kalakas na boltahe ng kilig na tumutunaw sa kanyang puso at nagpapangiti sa kanya nang napakalapad.
KInabukasan, ngiting ngiti sya habang nasa cafeteria ng eskwelahan nila. Kumunot ang noo nya nang makitang papasok si Sofia, ang kanyang pinsan na labis nyang kinasusuklaman. Mula bata pa sila ay wala na itong ibang hinangad kundi malamangan ito.
“Sofia, tingnan mo si Harry, sana yayain ka nyang maging date sa prom!” kinikilig na sabi sa kanya ng kaibigan.
Narinig iyon ni Czarina kaya lihim syang napangiti. Nginitian nya ang papalapit na binata. “Czarina, can you be my prom date?”
“Sure honey.” sabay abot nito sa rosas. Kinilig naman ang lahat ng tao sa cafeteria sa eksenang iyon.
Napatayo si Sofia. “Hindi ba’t si Aiden na ang date mo?” magkaibigan sina Sofia at Aiden.