MARAHAS na binaklas ni Maurel ang poster na nakadikit sa kuwarto niya. Ibinagsak niya iyon sa sahig at inapak-apakan ang mukha sa litratong iyon. Umagang-umaga kasi ay iyon agad ang tumambad sa paningin niya. Pinagawa pa man din niya iyon dahil gusto niya ay mukha ng binata ang masisilayan niya bago matulog at pagkagising ngunit ngayon ay gusto niya lang sakalin ang lalaking nakangiti sa poster.
"Leric, ang sarap mong kalbuhin!" gigil niyang sambit.
Hindi pa siya nakuntento. Ipinatong niya ang poster sa bedside table pagkatapos ay ginuhitan ang mukha ni Leric upang magkaroon ng pintas ang mukha noon. Ngunit ang puso niya'y hindi natuwa dahil Ilang sandali pa'y kumawala na naman ang mga luha niya. Naalala na naman kasi niya ang mga kaganapan kagabi sa bahay ng pinsan niya. Nakita niya si Leric na may kahalikang babae. Ang akala niya ay gusto siya nito dahil sinabi nito iyon sa kaniya ngunit pinaglaruan lang pala siya ng hudyo.
"Mukha tuloy akong tanga."
Ginusot niya ang poster at basta na lang iyon inihulog sa nakabukas na bintana. Wala siyang mapapala kung magmumukmok lang siya.
Kanina pa kumakalam ang sikmura niya kaya tinungo niya ang kusina at agad nanuot sa kaniyang ilong ang nakakatakam na amoy ng pagkain. Tila nagningning ang mga mata nang makita ang ilang pagkaing talaga namang nagpapaingay sa sikmura niya. Nagtataka man sa dami ng pagkaing nakahain ay mabilis niya iyong pinagpiyestahan. Naiba yata ang lasa ng mga lutong iyon? Nevertheless, it was really delicious. She couldn't stop her mouth from filling it with food. Pero ilang sandali pa'y tila naging estatwa siya nang lumitaw sa may pinto ang isang pigura. Si Leric! Nakatingin ito sa kaniya habang tila pinipigil ang pagngiti.
"Nagustuhan mo yata ang luto ko," anito.
Noon niya lang naalala ang kagat-kagat pa rin niyang hita ng manok. Mabilis niya iyong binitawan.
"Ha?"
"Ako ang nagluto ng lahat ng iyan. Umalis kasi ang mama mo kaya nagpresinta na akong magluto."
Binalingan niya si Leric. Sa kabila ng puso niyang walang umay na nahuhumaling dito ay pinilit niyang hindi iyon ipahalata. Nagsisintir pa rin kasi ang puso niya at ito ang may kasalanan n’on.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa binata.
"Hindi na ba ako welcome rito?”
Umupo ito sa tapat niya. Siya naman ay hindi kayang makaharap ito kaya minabuti niyang bumalik na sa kuwarto. Ngunit bago pa man siya makapasok ay napigilan na siya nito.
"Maurel."
"Pakisarado na lang ng pinto paglabas mo." Hindi siya nito binitawan. Having no choice, she looked up at him only to meet his dark-brown eyes that could make her heart melt. "Leric."
"I know why you’re mad. Sorry." Walang mababakas na pagbibiro sa mukha nito. At ang puso niya, hayun at tila nagsirko na naman. "What happened last night was an accident. Si Dianne ang humalik sa akin. I’ve been liking you for so long. Hinanap kita kagabi pero sabi ng pinsan mo ay umalis ka na raw. Kaya nga ako narito."
She could sense the sincerity in his voice. And his eyes told her what his heart was saying. Hindi man halata pero gusto na niyang umiyak sa harap nito. May natitira pa palang luha sa mata niya. But Diane was his first love so how could she believe him? At gusto rin ito ni Diane. Marahil nga tama nang hanggang dito na lang sila.
"Ano ba'ng dapat kong gawin para maniwala ka?"
"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Kailangan ko pang magtrabaho." Buong puwersa niya itong itinulak at pumasok sa kuwarto. Ilang beses itong kumatok pero hindi niya pinansin hanggang sa tuluyan na itong umalis. Ngali-ngali na niyang iumpog ang ulo sa dingding. Naroon na nga ito para sa kaniya, pinakawalan niya pa. Siya na yata ang may problema.
All she wanted to do was to pour out her heart. Tila naman pinipitpit ng pino ang puso niya sa nadarama. Napahikbi siya. Pero hindi ba iyon naman ang mas dapat? Ang pakawalan ang isang taong nagdudulot ng sakit.
"Maurel! Lumabas ka na riyan. Kausapin mo ako!"
Natigilan siya nang maya-maya'y marinig niya ang malakas na boses ni Leric na nagmumula sa labas. Nalaglag ang panga niya nang makita itong nakatuntong sa bubong ng kapit-bahay nila. May hawak itong megaphone kaya umaalingawngaw sa lugar nila ang boses nito.
"Maurel, magbabati na ba tayo?"
"Ano'ng ginagawa mo riyan!? Baka mahulog ka!"
"Hindi ako bababa hangga't hindi mo ko hinaharap." Idinipa pa nito ang mga braso. Halata ang panginginig ng mga tuhod nito at napapikit siya nang tila mawalan ito ng balanse. Hindi niya kayang makita itong mamatay!
"Buhay pa ako."
"Susmaryosep, iho, baka mahulog ka riyan." Boses iyon ng may-ari ng bahay na tinutuntungan ni Leric.
"Pasensya na po, Aling Dely, ito lang po kasi ang naisip kong paraan para makausap ang babaeng mahal ko." Napuno ng kantiyawan ang lugar nilang iyon ngunit siya naman ay hindi na normal ang paghinga dahil sa kaba. "Bati na tayo, Maurel."
"Sira-ulo ka ba!? Hindi ba takot ka sa heights? Bwisit ka. Bumaba ka na!" And darn her endless tears. It just won’t stop.
"Para sa 'yo wala akong katatakutan."
"Papatayin kita, walanghiya ka. Pinapaiyak mo 'ko."
"I'm willing to shed your tears." Bumaling ito sa mga taong naroon. "Sa harap po ninyo, nangangako ako na huling iyak na iyan ni Maurel dahil hinding-hindi ko na siya paiiyakin. Oras na umiyak siya ulit dahil sa 'kin, patayin n’yo ako—mali, saktan lang pala dahil hindi ko siya kayang iwan. Ako si Leric Abriano, buong pusong nangangako!" Itinaas pa nito ang kamay na tila nanunumpa.
Rinig niya ang ilang komento na nagsasabing makipag-ayos na siya kay Leric. Mula sa kinatatayuan ng binata ay halatang sa kaniya lang ito nakatingin. She felt loved and she loves this guy so much.
"I love you, Maurel. I like loving you."
Hindi na niya napigilang mapangiti. Babawiin niya yata ang sinabi niyang dapat na niya itong kalimutan. There's no way she can't forget someone like him.
"Bumaba ka na, Leric. Magtutuos tayo."