Napapikit ako, ayaw talagang tumigil ng luha ko kakatulo. Sabagay ayaw din kasing tumigil ng puso ko sa pagtibok para sa kanya.
I miss him so much.
He's my everything.
He's my strength. My worst distraction.
Pakiramdam ko nawawala na naman ako. Pakiramdam ko mag-isa na naman ako.
Mas malala pa ito kaysa dati, dahil ngayon wala ng lalaking magsisilbing ilawan ang madilim kong mundo. Ngayon hindi ko na alam kung saan ako patungo. Wala na yung yakap nya na nagpaparamdam sa akin na ligtas ako.
Sariwa pa sa aking alaala kung paano kami nagkakilala. Kung paano nya binigyang kulay ang mundo ko.
Kasabay ng pagtulo ng ulan ang pagtulo rin ng luha ko.
Saan ako ngayon pupunta?
Nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada at basang-basa ng ulan.
Dinadaan-daanan lang ako ng mga tao.
Wala bang may magbabalak na tulungan ako? Wala bang may balak na magtanong kung ayos lang ako? Sabagay hindi naman ako maayos at sa tingin ko hindi na ako magiging maayos kailan man.
Magdidilim na at wala pa rin akong mapuntahan. Napaupo ako sa gitna ng kalsada. Namanhid na siguro ang katawan ko, hindi ko na kasi maramdaman ang patak ng ulan.
"Miss are you okay?" Napatingala ako at ang unang bumungad sa akin ay ang nakangiting lalaki at ang kamay niyang may hawak na pulang rosas.
Umiling ako.
"Basang-basa ka." Naramdaman kong binalot nya sa akin ang isang tela.
"Dug, Dug."
Napangiti ako, may tao pa palang may pakielam sa paligid nya.
"Miss?"
Ang boses nya ang huli kong narinig bago ako pumikit.