53: Unexpected Love

157 5 4
                                    


Sabi nila, don’t expect anything from anybody, dahil masasaktan ka lang daw at magmukha tanga. Malaking AGREE ako d’yan. Isa na kasi ako sa mga assumera at hilig mag-expect ng anong bahay, alam niyo na ‘yun siguro.

Masakit, ‘yan lang ang masasabi. Ngayon ko lang kasi ‘to nararamdaman. Tsk, tae naman oh! Bakit sa akin pa ‘to naranasan? Tae talaga! Nakakainis.

“Hindi bagay sa isang babaeng kagaya mo ang umiyak. Ito oh, panyo.”

Napatingin ako sa lalaking naglahad sa ‘kin ng panyo. Hindi ko maiwasan ‘di mapangiti.

“S-salamat,” at kinuha ko ‘yung panyo niya.

“O sige, mauna na ako!” paalam niya sa ‘kin.

Unang beses ko palang ‘tong na-experience na may naglahad ng panyo sa ‘kin pag-umiiyak ako. Nakakainis naman oh! ‘Yung totoo? Umiiyak ba ako o kinilig? Psh. Ano ba naman ‘to!

*

Papunta ako ngayon sa bahay na titirhan ko para sa internship namin. And I wasn’t expecting na parehong kompanya ang kumuha samin ni beshy.

Hindi na ako kumatok at pumasok na ako sa loob. Sa ‘di inaasahang nandito ‘yung lalaking nagbigay sa ‘kin ng panyo. Tumingin ako sa kanya at parang… nag-slow motion ang lahat.

Hindi ko mapigilang ‘di lumabas ng bahay.

“Oh my G! Nandito siya! Waaaaaah!” sigaw ko habang tumatalon.

Inayos ko muna ‘yung sarili ko bago pumasok ulit sa bahay. Pagpasok ko palang sa loob, panay ngiti na ako at hinatak si beshy sa labas.

“Anong ginagaw mo dito?”

“Surprise! Pareho kasi tayo ng kompanya sa insternship kaya ito. Hehe!”

“Ahh,” tipid niyang sagot.

“Beshy! Nandito siyaaaaaaaaa! Nandito si Mr. Panyo!”

She rolled her eyes, “don’t tell me yung mayabang na ‘yun ang sinabihan mo Mr. Panyo.”

Tumango-tango lang ako, “oo, siya ‘yun beshy! Hehe!”

“Tsk! Halika nga!” tapos hinatak na niya ako papasok sa loob.

“Guys, this Emjey!” pinakilala ako ni Beshy.

Panay ngiti lang ako hanggang sa tumayo si Mr. Panyo at naglahad ng kamay, “I’m Ken, nice to meet you Emjey.”

“Emily Jeysil pala, hehehe!” sabi ko habang inaabot ko ‘yung kamay ko sa kanya.

“Uhem, uhem! Joshua nga pala!” nabaling ang atensyon ko sa lalaking naka-upo sa sofa.

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon