3: A Little Bit

354 11 3
                                    

"Sige na naman, isama mo na ako sa bar." Pagmamakaawa sakin ni Leafen habang namimili ako ng isusuot ko.

"Wag na! Hindi ka papapasukin ng guard Leafen. Bawal ang isip bata roon." Pang-aasar ko sakanya.

Hindi naman na sya nagsalita pa. Nandito sila ni Axel ngayon sa condo ko. Nag-aya kasi itong si Axel lumabas at pinagbigyan ko na.

"Hoy Chase isama mo na nga 'yang amazona mong bestfriend. Kanina pa ako sinasamaan ng tingin. Mamaya ipagkalat nyan yung mga scandals ko."

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Amazona nga talaga si Leafen, kung hindi ko lang alam na babae talaga sya mapagkakamalan ko syang lalaki. Bata pa lang kami best buddy ko na sya pero I fell in love. Boyish sya, daig pa lalaki kung sumuntok, kapag nasuntok ka nya panigurado tulog ka. Minsan na nya akong nasapak sa harap pa ng Mommy ko dahil lang sa inagaw ko yung natitirang gummy bear na kinakain nya. Imbes na ipagtanggol ako ni Mommy pinagtawanan lang ako, hanep. Akala mo bakal yung kamao nya.

Naiinis na sya alam ko pero pinipigilan nya. Ayoko syang sumama sa bar dahil alam ko kung gaano ka-unsafe ang lugar na iyon. Alam kong kaya nya ang sarili nya pero delikado pa rin. Mas delikado kesa sa inaakala nya.

"Tara na Axel. Ikaw na ang bahalang magsarado ng condo ko." Sabi ko kay Leafen at lumabas na kami ni Axel.

Himala yata at wala akong narinig na kahit ano kay Leafen.

Pagkapasok ko sa bar sinalubong na agad ako ng usok ng sigarilyo at ng mga taong naghahalikan sa mga gilid.

"Alis muna ko sandali ha." Paalam sakin ni Axel at bigla na nawala sa harapan ko.

Umorder ako ng maiinom sa counter.

"Nice to see you here again." Sabi nya habang kinukuha ang order nyang tequilla.

Ngumiti lang ako sakanya.

"Alam na ba nyang mahal mo sya?" Sabi nya sakin. Damn myself. Bakit ko ba na-ikwento sa Ex ko na gusto ko si Leafen? Nalasing kasi ako nung nakaraan, nung birthday nung isa kong kaibigan. Di ko masabi na mahal ko sya, na nakakaselos kapag may kasama syang iba.

Nakakainis dahil pagdating kay Leafen natatakot ako. Natatakot akong masaktan sya. Natatakot akong mabusted nya. Parang sapat ng hanggang magkaibigan na lang kami.

May bumatok sakin, akala ko kung sino si Leafen pala. Si LEAFEN??? SH*ngn*ng Axel 'to oh! Kung di ko lang to kaibigan ako na mismo papatay dito. Pagkaharap ko nakatayo lang si Alexa na nakangiti samin. Ngiting aso naman si Axel at ang amazonang si Leafen ay tawa lang ng tawa.

Sinamaan ko ng tingin si Axel. Humanda sya sakin mamaya.

"Sorry bro, binantaan ako eh. Magaling mamblackmail 'yang bestfriend mo."

"Tequilla nga." Sabi ni Leafen dun sa bartender.

Sinamaan ko ng tingin yung bartender at parang pinagbabantaan sya ng sige-pagbinigyan-mo-sya-makakatikim-ka-sakin.

"I said 1 tequilla, please." Sabi ni Leafen na pinandilatan ng mata yung bartender. Asyuswal, walang nagawa ang bartender kundi bigyan sya.

"Oh by the way Chase, I'll go ahead. See you around." Sabi ni Alexa and after she left us she gave me a peck on my lips.

Nahagip pa ng mga mata ko ang mga nanlalaking mata nina Axel at Leafen.

"Kayo na ulit?" Tanong ni Axel. Hindi ko sinagot si Axel pero tinignan ko ang nakayukong si Leafen. Maya-maya ay inexcuse nya ang sarili nya at mag-CCR lang raw.

May parte ng utak ko na natuwa sa ikinilos nya. Para kasi syang nagseselos, sana nga.

Patingin-tingin ako sa orasan ko pero 15 minutes na ang nakalipas ay wala pa rin si Leafen. Nagpaalam na tuloy ako kay Axel para hanapin sya.

May nagkukumpulan banda sa stage kaya nakiusyoso ako sandali. Napamura ako ng makita ko si Leafen na halos makipaghalikan na sa kasayaw nyang lalaki. Mukhang nakainom na ito at hindi na alam ang ginagawa. Hindi naman kasi sanay si Leafen sa inuman.

Lumapit ako sa kasayaw nitong lalaki.

"Bro, bestfriend ko 'yan." Sabi ko dun sa lalaki.

"Ang yummy ng bestfriend mo, bro." Pagkasabi pa lang nya nun lumipad na ang kamao ko sa mukha nung lalaki at bumagsak ito sa sahig. Habang may pagkakataon pa ay hinatak ko na si Leafen palabas ng bar.

Paglabas namin isinakay ko sya agad sa kotse ko. May luhang pumapatak sa mga mata nya at hindi ko alam kung bakit.

"How many times I have to tell you na hindi ka pwedeng sumama sa lugar na 'to? Kung hindi pa kita hinanap baka kung ano nang nangyari sayo." Inis na sabi ko.

"Hinayaan mo na lang sana ako dun." Sabi nya at bumaba ng kotse ko.

"DAMN IT, LEAFEN ANO BA?!" Sigaw ko sakanya. Nag-umpisa na kasi syang maglakad palayo.

Pero nagulat na lang ako ng dire-diretso syang lumapit sakin at hinalikan ako.

"Damn it Chase. Akala ko alam mo na eh, akala ko halata na pero bakit ganun? Bestfriend pa din? Sana hinayaan mo na lang ako sa loob. Kasi nag-eenjoy ako, kasi desperada ako, desperada na akong kalimutan ka. Walang kasalanan yung kasayaw ko kanina, ako yung kusang lumapit. Ako yung nag-insist na baka sakali mapansin nya ko. Na baka sakali may makapansin sa ginagawa ko, na baka sakali matanggal yung sakit na binibigay mo sa dibdib ko. Na baka sakali sana hindi na be---" napahinto sya sa pagsasalita sa sinabi ko.

"Mahal kita." Sabi ko.

I hate myself for letting her cry but I won't let this opportunity pass without saying any word.

"Ano?"

"Sabi ko MAHAL na MAHAL KITA kahit bingi ka."

Sa sobrang saya nya lumapit sya sakin at sinuntok ako.

"Para 'yan sa pag-tulo ng luha ko."

 

Tssk, Amazona talaga.

Pinunasan ko ang luha nya at niyakap naman ako agad.

"Mahal na mahal kita Chase. Akin ka lang ha!"

"Kiss muna." Sabi ko at imbes na makatanggap ako ng kiss ay nabatukan pa ako. Ang amazona talaga.

-Fin

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon