24: Misan akong Nagka-MU

147 7 2
                                    


Hi Diary! Naalala ko lang kaya gusto kong isulat.

It all started noong third year college ako. Ka-batch ko siya pero ‘di ko siya kilala kasi hindi kami block mates. One day, bigla kaming nagkagrupo sa duty namin sa Cebu. One month ‘yun.

E ako kasi ‘yung type na hindi close sa mga lalaki. As in awkward ako pagdating sa kanila. Pero sa kanya naging close ko siya ng super. Nagugulat na lang ako minsan kasi dumadalaw siya sa room namin para lang i-invite ako kumain sa Mcdo, which was just across our hotel na tinutuluyan naming lahat.

Sa duty, laging nakatabi sakin. Pag kumakain din kaming magkakagrupo, lagi niya akong hinihintay. Hindi ko pinansin ‘yun kasi nga akala ko buddy-buddy kami. Hanggang sa naging tampulan na kami ng tuksuhan.

Pag-uwi namin from Cebu which was May ay naging text mate kami bigla. Nalaman niya lahat ng favorites ko. Siya din nagsi-share.

Tapos isang araw tinawag niya ako para lang magtago sa canteen kasi may ibibigay daw siya sakin. Grapes lang pala. Yung favorite fruit ko. Haha! So ako, parang, ano ‘to? Ba’t may ganito? Diba?

Tapos pag may lakwatsa silang family or out of town, lagi akong may pasalubong, ganyan. Nagtaka ako. Pero hindi ko tinanong kasi nahihiya ako. Baka sabihin assuming ako. Haha! Pati mga friends namin napapansin ‘yung closeness namin. Lagi kaming tinutukso. Pag hindi kami magkasama or magkatabi parang, “o, saan na si ganito?”, “May kulang yata sayo” ganito ganyan.

Hanggang sa opening ceremony noon, hindi na kami nagkita. Nahuli pala siya sa enrollment. Tine-text ko siya sa mga updates sa school pero strangely, hindi siya nagtetextback. So, binale-wala ko. Hindi ko alam na dun na pala nagsisimulang dumistansya si guy.

Nalaman ko na lang sa iba na 'Uy, textmate daw si girl at si guy tapos tawagan pa sila." Nashock ako kasi hindi ‘yun tumatawag kasi kuripot sa load e. Haha! So, hinayaan ko sila.

For one year, as in whole fourth year ko, sila ang magkasama nung girl na ‘yun.

Graduation, prom, sila din magkasama. Naririnig ko pa nga na may usapan na ‘yung parents nila kasi kilala na sila nung mga parents e. Tapos ako parang, “talaga?”

Nung nagreview kami sa NLEX, grabe. Hindi sila mapaghiwalay. Hindi na nga kumakain ‘yung girl pag hindi kumakain si Guy. Tapos LQ sila lagi. As in, umiiyak ‘yung girl.

One night, nung nag-study ako sa round table namin, biglang dumating si guy. Umupo siya sa harap ko. Dadalawa lang kami nun.

Wala, silent treatment. Haha! Hanggang sa may dumating, ‘yung isang friend ko. Naki-upo din siya at nagbasa tapos sabi niya, 'kuya, may coffee ka?'

Guy: Oo, sa kuwarto.

Friend: Pahingi naman ako.

Guy: Hanna, ikaw, gusto mo din?

Tanong niya sakin bigla. Umiling lang ako kasi ayokong kausapin siya no! Hahah! Edi ayun, umalis si guy.

Pagbalik niya, may dala siyang isang tasang kape. Nilapag niya ‘yun sa mesa, ‘di ba ‘yung may iniikot? Inikot niya ‘yun sa harap ko. E kinuha ‘yun ng friend ko kasi nga siya ‘yung nag-request ng kape. E biglang inagaw ni guy kasi akin daw. Haha! Sabi ko, ‘di naman ako nanghingi. Tapos pasok sa loob. Nagwalk out bigla.

After nun, nakapasa na kami… churva… nagpre-med na naman. Sa pre-med... bigla close kami agad. Kasi blockmate kami e. Kaya tulungan sa quiz at assignments... Lahat... tapos naging textmate ulit. Pero hindi na ako nagrereply ng tulad dati. (Bitter lang) haha! Hanggang sa natapos ‘yung pre-med namin.

Nung last day namin, may binigay siya sakin na Harry Potter na book. Alam niya kasi na favorite ko din iyon. Akala ko hiniram sa library kasi may parang slip sa likod.

Sabi niya, “gift.” Ako naman, “okay.”

Tapos sabi niya tingnan ko daw pagdating ko na lang sa bahay. Pag-uwi ko sa bahay, tiningnan ko.

Naghanap ako ng cues kasi mahilig siya dun e. Kaso, wala akong nakita. Hanggang sa pinagtripan ko ‘yung slip. Hindi ko alam, letter pala ‘yun. Nag-emote siya sa letter niya… na hindi na raw kami magkikita kasi magmemed na kami blah blah… akala ko ‘yun lang. Itatapon (joke) ko na sana yung libro noong bigla akong may nabuksan. May secret opening pa pala. Pag-tingin ko, letter na naman.

Dun niya inamin ‘yung nangyari dati. Sabi niya kaya daw siya dumistansya kasi ayaw daw niya kaming nachi-chismis. Kasi baka daw umabot sa parents ko at mapahamak ako. Alam niya kasi na conservative family namin.

Tapos hindi daw sila nung girl. Parang naging alalay lang siya kasi nga groupmates daw sila at siya lang ‘yung guy sa kanila. Sakitin kasi si girl e—may asthma. Tapos ‘yung about daw sa parents thing. Iba daw bet ng parents niya.

Kaya din daw sila nag-aaway nung girl kasi dahil sa review. May problema kasi si girl. Gustong lumipat ng review center, e walang kasama. Pinipilit niyang umalis din si guy, e ayaw niya, gano’n.

Nagje-jelly pa nga daw siya kasi akala niya crush ko ‘yung kasama namin na isang guy sa pre-med. Ang talino kasi at lagi kaming nagkakatuksuhan sa grade. Competitor ko kasi kaya gano’n. Sweet daw kaming panoorin. Haha!

Sabi niya hayaan ko daw siyang gustuhin ako. *cough* awkward* haha! Basta sa five years, hintayin ko daw siya. Kasi sa malayo siya nag-med e. Iba kami ng school na papasukan sana. Sabi niya, gawa daw ako ng scrap book na puno ng activities ko within 5 years. Haha! Natawa ako dun.

One year later… January, birthday niya.

Igi-greet ko sana siya sa midnight kasi ganoon ako mag-greet e. Habang tinatype ko na sa phone ko ‘yung message, nagfe-facebook ako. Napansin ko na may ni-like ‘yung best friend niya na photo. Ewan ko ba bakit ko napansin ‘yun. Basta na-curious ako. Pagtingin ko, may picture siya at ng isang girl.

Nakasulat: Happy birthday to this very kind man I ever knew... blah blah… Salamat at nakilala kita at pinaulanan mo ako ng kabaitan at pagmamahal.

E ako, “Gano’n? Five years pala a.”

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon