…..
Feel ko ang araw, Monday na naman. Hindi pa naman lumalabas si ‘Nagtatagong Araw’ e, narito lang ako, inihahanda ang sarili para sa isang panibagong araw ko ngayon.
…..
Matapos ang biyahe sakay ng jeep, narito na ‘ko sa school. Sabay suot ko sa aking salamin na parang ‘minion’ ang dating.
Alam mo ba yung feeling na tinitignan mo siya sa malayo? Halos napapasayaw ako at ‘di ko iniintindi ang mga ibang students na kanina pa ako tinitignan. Tapos, biglang napalingon si Hartford sa ‘kin! Blood pressure!
“Hi, kamusta ka.” Sabi nito sa ‘kin tsaka ako nagtago sa wall sa may front building ng pinapasukan kong school na Baton Rough High School. Nagmukha akong ‘robber’ na nagtatago lang na baka makita ng pulis?
Alam mo ba, yung mga sinasabi niya sa ‘kin, kahit greet lang, e, lagi kong nami-miss? Nag-‘hi’ lang sa ‘kin, akala mo, binuntis? [Ano ba naman ‘yan!]
Bakit ako nahihiya? Matagal ko nang friend si Hartford pero para sa ‘kin, MAHAL ang turing ko sa kanya.
…..
Pumasok ako sa room. Umupo na ‘ko and parang lalabas yung puso ko sa sobrang kilig parang ‘itlog lang na malapit nang mag-crack! Magkalapit kasi kami ng sitting arrangement.
Kasalukuyang nagle-lecture at biglang lumapit si Hartford.
Teka! Dinilaan ko muna yung daliri ko tapos yung laway ko ipinahid ko sa kilay ko, tapos kinuha ko yung salamin tsaka tinanggal ang muta sa mata! Nandyan na siya!
“Pwede bang humiram ng ballpen sa ‘yo?”
Dali-dali kong binigay ang ballpen ko. Ngumiti siya at umupo na siya’t pinagpatuloy ang lecture. Wala akong extra ballpen. Lapis ang ginagamit ko.
…..
Natapos ang lecture at kasalukuyang break namin ngayon. Lumapit sa ‘kin si Hartford at iniabot niya sa ‘kin ang ballpen ko. Tapos, nahulog yung ballpen at pinulot naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang magkalapit ang mga mukha namin. Puso ko’y kumakabog parang speaker. O katulad ng Earth sa sariling axis nito?
Tapos, lumabas siya ng room. Hinalikan ko ang ballpen tsaka ko nilagay sa pouch.
…..
Gutom na ‘ko! So, kaya narito ako sa canteen para bumili ng chocolate sandwich at yogurt. Sakto, nasa harap si Hartford na malapit sa food stall, tumakbo ako. Kaya naman, nasa likod niya ‘ko. Nang humarap siya, hinawakan niya ang kamay ko sabay na binigay sa ‘kin ang isang ‘Fres Barley Candy’ na may nakalagay na ‘I Like You’. Hindi ko itatapon ‘tong pabalat. Tapos yung kamay ko, nahawakan niya. Hindi ko na huhugasan ‘tong kamay ko forever! [Choss!]
Narito ako ulit sa room and still, kumakain. Kinuha ko ang album ko tsaka ako nagsulat.
“Ang saya talaga ng araw ko. Maraming nagaganap. Humiram siya ng ballpen, nagkasalubong kami ng tingin, nagka-holding hands, nagbigay siya ng kendi… Alam kong mga ‘ankward’ lang ‘tong iniisip ko, mga simpleng bagay na kung iisipin mo. Pero para sa ‘kin, special day ito.”
May lumapit na isang girl na ‘di ko kilala. Tapos, biglang dumating si Hartford at bigla itong niyakap. Ikaw babae ka, inaagaw mo si Hartford sa ‘kin! Tapos, biglang nagsalita si Hartord habang nakayakap sa kanya. Yung babae, parang linta lang na kapit ng kapit kay Hartford. Maupakan kaya kita! [Anong iniisip ko!]
“Hey, this is Louisiana. Greet ka naman sa bago kong girlfriend.” Sabi ni Hartford.
Pinagloloko niyo ba ‘ko? Girlfriend niya?
.....
Hinagis ko ang ballpen na hawak ko kasama ang kending binigay sa ‘kin ni Hartford. Nangatwiran akong iihi sandali. Pumasok ako sa C.R. Umiiyak ako. Pilit na inaalis ang sakit na nararamdaman. Oo, crush ko lang siya at at wala dapat akong idahilan kung bakit umiiyak ako. Pero nang dahil sa sitwasyon ko ngayon, na na-realize ko na…
“Hartford, HINDI KITA CRUSH, MAHAL KITA!”
Nagpakatanga ako. Sasabihin ko sana ‘tong nararamdaman ko sa kanya, na mahal ko siya, pero aamin na sana ako at naghanda ng panahon para sabihin sa kanya! May mahal pala siyang iba, naunahan ako ng iba. Akala ko magiging kami. Hanggang kaibigan lang niya ako. Hanggang ‘comfort zone’ lang ang turing niya sa ‘kin? Wala akong chance.
Pumatak ang luha ko kasabay ng agos ng hinagpis sa ‘king puso. Sana, hindi ko na nakita. Sana, hindi na lang niya sinabi!
:::::
Lunes na naman. Narito ako sa room at break namin. Binigyan ako ng kaklase ko ng sandwich, pero ibinigay ko sa iba. Hindi ako kumain ng agahan kanina at hapunan kagabi. Tinitignan ko yung score ko sa Math, three out of 15. Dahil lang sa crush, hindi ka makapag-get over? MASARAP MAGMAHAL, MAHIRAP MASAKTAN. MAHIRAP MAGING MASAYA DAHIL SA KALUNGKUTAN. Kakalimutan ko na siya. Kahit tagos sa puso, ito lang ang tanging paraan para sukatin kung gaano ako katatag. Alam kong marami pang iba diyan, pero akala ko kasi, ikaw talaga ang deserving para sa ‘kin. Feeling. Akala. Nakakainis!
Hinagis ko ang mga papel na nakalagay sa armchair ko. Biglang lumapit sa ‘kin si Hartford. Tipong kikiligin ako, wala na. Tipong magtatago ako, wala na. Wala na akong nararamdaman sa kanya at wala na rin ang ‘kilig factor’ ko. Iniiwasan ko siyang tignan at pinahid ko ang ko. Parang kulang na lang, huhukayin ko na ang buong Earth para makita kung nasaan ang hell. Hanggang dito na lang talaga.
“Pakinggan mo naman sana ako, tumingin ka sa ‘kin, may sasabihin ako sa ‘yo.” Sabi ni Hartford.
Sasabihin sa ‘kin? Ibulong mo na lang sa hangin, baka pansinin ang iyong hinaing. Bahala ka na diyan.
“Kailangan ko ng payo mo, ng tulong mo!” Sabi muli ni Hartford.
Nakakasawa na.
“Wala na kami ni Louisiana, break na kami.”
Nagbibiro ka ba?
Pinakita niya sa ‘kin ang letter na kung saan nakasulat… Break na nga sila.
Sa pagkakataong ito, handa ko na siyang kalimutan pero narito siya? Pinipilit na kausapin ako.
Ang nararamdaman ko, bumabalik isa-isa. Ang mga napagdaanang panhon.
Narito siya sa tabi ko, pinipilit na kausapin ako. Pero parang ang layo ko sa kanya.
Unlimited? Nababaliw na ‘ko!
Nababaliw na wala akong masabi.
Sinabi ni Hartford…
“Ikaw talaga ang mahal ko.”