STATUS UPDATE: Nakita ko si Paolo Avelino, kinapalan ko ang mukhang magpa-picture sa kanya. Hindi ako makapaniwalang papayag siya. He is kind and gentle. Game na game siya sa pictorial na para bang hindi na bago dito ang magpakuha ng larawan. Awtomatikong lumapat ang kamay niya sa likuran ko. Hindi mapakali ang puso ko at talagang kinakabahan but that simple gesture makes my heart calm. His gentle touch on my back makes me feel secure. He knows what he’s doing while I’m some kind of idiotic trying to get at ease. He put his arm around my shoulder while I’m not even changing position. I just can’t move. My heart almost fell and I don’t even know if I gave a perfect smile for that perfect moment. Several shots have taken, I can’t even look straight to his eyes when I thank him but I’m glad he participated well. I don’t want it to end but all I can do is look at him while he’s walking away from me. #onceinalifetimeexperience
Matapos i-post sa facebook ang status update na ‘yon ay muling tinignan ni Julienne ang larawan nila ni Mon, ang ultimate crush niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Habang isa-isa niyang pinapasadahan ng tingin ang mga kuha ay lalo siyang natutuwa at kinikilig. Hindi siya makapaniwalang magdidikit ang mga balikat nila at lalong hindi niya inaasahang hahawakan siya nito. Feeling niya tuloy siya si KC Concepcion, may hawig kasi talaga si Mon sa artistang si Paulo Avelino. Ganoon ang ginawa niyang status para hindi siya masyadong usisain ng mga ka-opisina. Lihim lang ang pictorial na ‘yon at ilan lang ang nakakaalam.
Nagsimula ang crush niya rito nang minsang nagkasabay sila sa pag-aantay ng elevator. Baguhan lang siya noon sa trabaho, nagtama ang paningin nila at nagkatitigan nang matagal. Habang nakikipagtitigan ay isa lang ang nasa isip niya, may hitsura ito pero mukang totoy pa. Isa ito sa mga IT support ng kompanya samantalang siya ay nasa Customer Service Department kaya bihira lang sila magtagpo pero sa tuwing nagtatagpo sila ay laging napapatalon ang puso niya sa tuwa, napapangiti siya sa munting presensiya nito. Minsan tinutudyo siya ng mga katrabaho na sirain ang ilang computer parts para raw makita niya ito pero nagkakasya na lamang siya sa mga paminsan-minsang kaligayahang nararamdaman, sa iilang pagkakataong nagtatagpo ang landas nila. Minsan pa nga sa isang Christmas Party ay nagkapareho ang kulay ng damit na suot nila, pauwi na sila noon nang makita niya ito, biniro niya ang kasama na sundan pero hanggang biro lang naman.
Marami ang nagkaka-crush dito, sa katunayan, nalaman niya ang pangalan nito dahil sa isang katrabaho na may crush din dito. Ginawan niya kasi ng farewell card ang katrabahong ‘yon na nagresign at para mapasaya ito inalam niya kung sino ang mga crush nito sa opisina. Nang ibigay ng mga kaopisina ang buong pangalan ni Mon, wala siyang ideya na ito rin pala ang crush niya. It’s really ironic na kumuha siya ng picture ni Mon sa profile system ng kompanya para lang idikit sa farewell card ng nasabing ka-opisina.
Halos magtatatlong taon na rin nang magpasya siyang hanapin ang FB account nito, in-add, at nakakatuwang in-accept nito pero bago mangyari ‘yon sa totoo lang ay tinangka ng isang katrabaho na paglapitin sila. Tinangka nitong mag-set ng date sa kundisyong dapat ipasa niya ang challenge. Noong una’y tila interesado ito hanggang sa hindi na lang ito nagreply sa huling mensahe. Lumipas ang isang taon, nagkakasya na lamang siya sa paminsan-minsang pagbisita sa account nito at paminsan-minsang pagtatagpo. Dati kahit magtagpo sila ay wala siyang ilang o takot na nararamdaman dahil noon kasi ay hindi nito alam ang pipi niyang damdamin. Iba na kasi ‘pag alam mong alam na niya na may gusto ka sa kanya.
Naisipan uli ng katrabaho niya na paglapitin sila pero hindi na date ang hiningi nito kundi pictorial na lang na pinaunlakan naman ni Mon sa wakas. Masaya, akala niya magiging smooth ang lahat ‘pag dumating ‘yong moment pero hindi ito nakasipot sa takdang oras. Iniwan pa naman niya ang trabaho, in-interrupt ang Team Leader habang nasa kalagitnaan siya ng one on one sa appraisal para lang makarating sa nasabing usapan. Disappointed man ay pinagpatuloy niya ang trabahong iniwan, mabuti na lang at maraming gawain kaya hindi masyadong ramdam na hindi siya nito sinipot. Nakakalungkot at nagalit pa nga ‘yong nag-set up ng pictorial.
While she’s feeling down and humiliated, all of a sudden his name pop out on the chat box saying he is sorry for not making on time and asking if can we still proceed? She’s really understanding person so she accepted the apology and everything happened.
She’s now scanning their pictures. She just can’t stop smiling and adoring him for being such a gentleman. His gestures seems he wanted to be closer with her, his entire upper body (chest, head, shoulders) leaning towards her and even his feet pointed directly towards her and the best of all, his hand on her shoulder.
Sa tuwing tinitignan niya ang mga larawan ay parating tila dinuduyan siya sa alapaap. Walang pagsidlan ang kaligayahan at kilig na nararamdaman niya ngunit isang araw nang bisitahin niya ang account nito ay nakita niyang nag-post ito ng larawang kuha kasama ang isang babae, isang babaeng pamilyar na sa paningin niya, isang babaeng malapit na malapit sa buhay nito. Kaibigan o kai-bigan, wala siyang alam basta ang alam niya’y malapit ang dalawa.
May kung anong kirot siyang naramdaman at tila ginising ng mga larawang ‘yon ang pantasya niya. A dream came true that will never be a reality but who knows what’s going to happen next? They are not yet married and then she grinned…