“Aish! Ang lakas nanaman ng ulan! Bakit ba kasi hindi ako nagdadala ng payong ei! Kainis!” basang basa na’ko! Buti nalang may waiting shed dito.
Umupo ako sa may upuan dito dahilan para makita ko ang Pedestrian Lane sa harap ko. Katapat lang kasi ng waiting shed na’to ang Pedestrian Lane na pinipilit kong kalimutan limang taon na ang nakakalipas.
College student ako nun… nagmamadali akong tumawid dito sa Pedestrian Lane na’to dahil alam kong malalate na’ko. Pero dahil sa sobrang pagmamadali ay nabunggo ko ang lalaking kasalubong ko.
“s-sorry po nagmamadali po kasi talaga ako! Pasensya na po!” mabilis na sabi ko atsaka tumakbo papalayo dahil malalate na talaga ako sa klase ko.
“Miss!” sigaw nung lalake. Hindi ko na s’ya pinansin dahil mag-mamadali na’ko.
Pagdating ko sa school, hinarang agad ako ng guard.
“miss ID mo?” tanong n’ya.
“saglit lang po!” sabi ko atsaka inumpisahang halubugin ang bag ko. Hindi ko makita ang ID ko. Nasaan na’yon?
“miss ito yung ID mo oh! Ang bilis mo palang tumakbo! Nahulog mo ‘yan kanina at alam kong importante ‘yan kaya ayan. Hinabol kita kahit ang bilis-bilis mong tumakbo.” t-teka! S’ya yung lalakeng nakabunggo ko kanina ah… aish! Ang tanga-tanga ko talaga… ID na nga lang winawala ko pa…
“ahh ehh m-maraming salamat. Naabala pa tuloy kita. Pasensya ka na ah! salamat uli!” sabi ko.
“okay lang ‘yon! sige una narin ako.” sabi n’ya atsaka naglakad papalayo.
Kaya’t tumakbo na’ko papuntang room ko.
***
Pauwi na’ko at kasalukuyang hinahantay na mag-red ang stop light para naman makatawid na’ko at makasakay na ng jeep pauwi...
Inaayos ko ang laman ng backpack ko at kasabay no’n ang pag-red ng traffic light kaya naman tumawid narin ako kahit hindi ako nakatingin sa daan.
BBLLAAAGG!
Bigla akong napaupo sa kalsada, medyo malakas kasi ang pagkakatama ko eh! Teka nga! D-Diba s-s’ya rin yung lalake kanina?