48: The Wedding

337 7 2
                                    


Naglalakad siya ngayon papunta sa direksiyon ko. Mabagal, dahan-dahan at maingat ang bawat hakbang niya. At kahit malayo pa siya’y kitang-kita ko ang halu-halong emosyong masasalamin sa kaniyang magandang mukha. Mali pala, sapagkat napakaganda niya. Bilugin ngunit may pagkasingkit ang kaniyang mga mata, manipis ang mga mapupulang labi niya na tila ba ipinasadya, at binagayan pa ng kaniyang ilong na tila ba nililok sa pagkaperpekto. And she looks even more beautiful with her wedding gown that flaunts her perfect curves. No doubt, she really is the most beautiful bride I’ve seen. She’s more like a goddess.

                All eyes are set on her. Oh man! Kung pwede ko lang siyang tangayin na lang at itago para hindi na makita ng iba ang taglay niyang kagandahan. Pero hindi maaari.

                Habang papalapit siya’y bumibilis ang pintig ng puso ko.

               

Naalala ko noong high school pa lang kami, lagi ko siyang inaasar. Ang cute niya kasi kapag napipikon. Akala ko gusto ko nage-enjoy lang akong kulitin siya, asarin at pikunin. Pero akala ko lang pala. Kasi noong umabot sa point na napaiyak ko siya, nalaman kong mali pala ako. Kasi noong mga oras na yun, gusto ko siyang yakapin at patahanin at alagaan. Noon ko nalaman sa sarili ko na gusto ko lang palang magpapansin sa kaniya, na gusto ko lang ng atensyon niya sa hindi malamang dahilan.

                Kaya pagkatapos ng nangyaring yun, sinubukan ko nang makipagkaibigan sa kaniya. Nahirapan ako no’ng una kasi nagsusungit pa siya. Pero kalaunan, we became friends – close friends, and closer. Hanggang sa narealize kong gusto ko na pala siya . No’ng una, nahirapan akong magtapat sa kaniya. Natatakot kasi ako, baka mailang siya sakin. Natakot din akong isugal ang pagkakaibigan namin.

                Pero bago kami nagtapos ng high school, umamin na ako. Mahirap na kasi, baka hindi na ako magkaroon pa ng pagkakataong magtapat, lalo pa’t sa magkaibang eskwelahan kami mag-aaral sa college.

                At mabuti na lang, nagtapat na ‘ko noon dahil pinayagan niya akong manligaw.

At pagkatapos ng mahigit tatlong buwan, sinagot na niya ‘ko.

Naglalakad kami no’n sa mall at kinukulit ko siya tulad ng lagi kong ginagawa, pero hindi ko inakalang mapapa-oo ko siya sa mga oras na ‘yon.

“Sagutin mo na kasi ako.” Pabiro kong sabi na may kasama mang pout.

“Okay.” Sagot niya.

“Ehh, sige na kasi. Sagutin mo na ‘ko.” Pangungulit ko pa.

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon