1: After The End

703 18 10
                                    

Dapithapon. Nagbabaga ang mapula't ginintuang kulay ng ulap.

Kasing bigat ng pakiramdam ko ang paghakbang ng aking mga paa. Dumaragdag din sa kasabikan ang kabang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon..

Habang naglalakad ako ay magkakasunod na tunog ang nagmula sa aparatung hawak ko.

Angel

Calling.....

 

Anim na beses nang umaalingawngaw ang kantang “Time Bomb” ng "All Time Low" pero hindi ko pa rin ito sinasagot. Kusang tumigil ang tugtog at mga maiiksing tunog ang sumunod.

“Babe asan ka na? Nandito na ko."

"Ba’t di mo sinasagot ang mga tawag ko?"

"Hmm.. ano na namang pakulo mo. Ikaw ha lagi mo nalang akong sinosorpresa. Iniisip ko pa lang kinikilig na ko hahaha!

“Ingat ka. I love you."

Hindi ko na nagawang magreply kahit isa sa mga mensaheng ipinadala nya sakin bagkus ay nagtungo ako sa Settings at pinalitan ang dating Normal bilang Silent Mode. Mabilis kong inilagay ang cellphone ko sa aking bulsa.

Nandito na ako sa tapat ng Fastfood kung saan kami muling magkikita.

“Welcome to McDonald’s Sir!” ang bungad at masayang pagbati sa akin ng gwardiya. Buong galak akong ngumiti bilang pagtugon.

Pagpasok ko pa lang ay hinanap na agad ng mga mata ko ang maamo nyang mukha. Kakaunti na lang ang kumakain kaya madali ko syang nakita. Nakaupo sya sa bandang dulo. Suot nya ang dilaw na damit na ibinigay ko sa kanya noong unang buwan pa lang naming nagsama.

Sa pagbaling nya sa direksyon ko ay nagtama ang tingin namin. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko ngayong nakita ko sya ulit. Tila nanumbalik ang araw nung una kaming magkakilala. Parehong lugar. Parehong sawi. Pero ang kalungkutan namin ng panahong iyon ang nagbigay-daan ng aming pagtatagpo tungo sa tinatawag nilang tadhana. Ang pumawi ng aming pag-iisa at maramdaman ang kakaibang kislap ng pag-ibig sa aming dalawa.

Sandaling ipinaalala sakin ang tagpong yun bago ako bumalik sa aking ulirat ngayon. Sa parehong lugar.

Gumuhit sa kanyang mukha ang matamis nyang ngiti. Ngiting puno ng saya at pagkasabik. Ang ngiting sa akin lang nya ibinibigay. Tinumbasan ko rin ng pagngiti pabalik sa kanya.

Nang makalapit na ako sa mesang pinupwestuhan nya ay inalalayan nya ko sa aking pag-upo."Umorder na ko Baby. Wait lang naten after five minutes.” Sabi nya ng makaupo na kami pareho.

“Happy seventh monthsary!" Nandun pa rin ang ngiti sa labi nya sabay abot ng dala nyang regalo sakin.

"Wow! Thank you.” Inalis ko sa kahon at sinuot sa pulsuhan sa kaliwa kong kamay ang binigay nyang relo. “Syempre eto naman para sayo." Mas lalong lumawak ang ngiti nya. Inamoy nya agad ‘to. "Happy monthsary Baby." Pabalik kong bati sa kanya.

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon