17: Iskor

131 4 0
                                    


   Iskor

   Kipit-kipit ni Kid ang bolang rattan sa kanyang pinagpapawisang kili-kili. Hindi niya alam kung sa init ba ng paligid o dahil sa kaba na mahuli siya na pinapanood ang ‘weekly experiment’ ni Maki.

  Si Maki, sophomore, biochem chikabebe, at malupit na student journ since elementary. Usap-usapan din na nakapanghuhula ito. Ang alam ng marami sa Quiapo lang meron noon, wala sa chem lab. Pero ang di alam ng lahat ay since time immemorial ay crush ito ni Kidlat.  

  Sa maliit na butas sa pinto sinisilip ni Kid si Maki kada Biyernes ng gabi. Hindi niya nga alam kung saan ba siya nabubuwang, sa buhok ni Maki na parang bandila na wumawagayway sa hangin o sa makulay na liwanag mula sa mga botelyang pinagsasalin-salin nito. Kinabog lahat ng online RPG graphics na nakita niya. Bukod sa pagkamangha sa mga mata niya ay may bahid ito ng panghihinayang. Sana pala sineryoso ko ang chem noong haysku!, sa loob-loob niya.   

   Nadiskubre niya ito tatlong buwan na ang nakakaraan, galing sa praktis ng Sepak si Kid at naghahanap ng showerroom dahil nawalan ng tubig sa gym. Naalala niyang may shower room nga pala katabi ng chem Lab at doon niya nadaanan ang naglulumiwanag na si Maki. Wala na,para siyang na-Killer! Killer na naka-love set sa kanya. Simula noon mas madalas pa siyang sumisilip sa lab kaysa mag-praktis sa gym. Pero nalaman niyang kada-Biyernes lang talaga si Maki nagla-lab. Tuwing Biyernes ng alas-nuebe. Student journ kasi kaya may access sa campus kahit gabi na. Gaya ng mga varsity kapag may practice.

  Pasado alas-nuebe na, sabi ng C-shock ni Kid pero hindi siya aalis dahil hihintayin niya ang finishing move.  Itatali ni Maki ang kanyang buhok bilang pagtatapos at doon pa lang siya tatalilis palayo sa chem.lab. Sinisipat na ni Maki ang mga vials matapos humupa ang usok mula sa ‘reactions ng experiment’ nang biglang nagdilim ang paningin ni Kid.

   Agad niyang inialis ang kanyang paningin sa butas para makahanap ng liwanag ang paningin nito pero wala siyang maaninag. Sa chem. lab lang ang bukas na ilaw sa buong building; wala pang buwan. Brown out! Agad niyang kukunin ang cellphone sa kaliwang bulsa para sa gawing ilaw nang bumalik naman agad ang liwanag sa chem. lab.

    Akma siyang sisilip muli sa butas nang maalala niyang nasa loob pa nga pala si Maki nang biglang nagbukas ang pinto. Nagdulot ito ng matinding ‘reactions’ sa kanilang dalawa na marahil ay umalingawngaw sa buong campus. Sabay nalaglag ang vial at bolang rattan. Sabay ring narinig ang tunog ng rattan at nabasag na bote sa sahig.

   Hinila ni Maki si Kid pagkatapos nitong damputin ang kanyang takraw. Alam ni Maki na wala silang panahong magtanungan. Bakit kami tumatakbo? Tanong ni Kid sa sarili habang kinakaladkad siya ng palinga-lingang si Maki sa fire exit. Naisip niya ang ‘reactions’ nila kanina. Malamang naisip na rin ni Maki na paresponde na ang guard at ‘pag naabutan sila roon ay pwede silang akusahan na may ginagawang ‘experiment’kahit wala naman talaga. Siyemperds, isang lalaki,isang babae, at isang madilim na building. Anu nga bang iisipin ng guard?

   Isa pa alam niya na marami ng insedente na mga diumanoy ‘nag-eexperiment’ sa chem. Lab. Kapag nagkataon mababahiran ang kredibilidad ni Maki bilang student journ kahit na mapatunayang wala silang in-experiment. Kataas-taasan ay ma-bad shot pa siya. Pwede ring matanggal sa varisty team si Kid. Paano na ang scholarship niya? Paano na ang pangarap niyang makasali ng ISTF? Ito marahil ang nagpapatibok ng puso niya ng mabilis. ‘Simbilis ng pagtakbo nila.

   Nakalabas na sila ng G.L. Building pero hawak pa rin siya ni Maki sa braso. Ramdam niya ang higpit ng kapit at lambot ng mga palad nito. Akmang tatawid na kami sa kabilang kanto nang biglang naaninag ni Maki ang liwanag. Flash light marahil. Nakasandal lang kami sa ma-chalk na pader na parang nasa FPJ films at may kabarilan. May itinuktok sa dibdib ko. Pagbukas ng palad niya, nakita ko ang isang kendi.

   “Nguyain mo!” utos ni Maki. So bubble gum pala ito.

   Maya-maya pa’y binitiwan na ni Maki ang braso ni Kid. At naglakad na ng normal papunta ng gate na para bang wala nang pinagtataguan. Inamoy muna ni Kid ang sarili at nagpabango ng bahagya bago sinabayan si Maki palabas ng campus.

   “Anong ginagawa mo sa chem.lab?” Si Kid ang tatanggap ng first ball.

   “Malili..ligo lang sa-sana ako sa shower room. Tapos, napansin kong maliwanag sa chem. Lab.” Na-aat-at na dahilan ni Kid. “Lab works ba yan sa chem para makaparty ka kapag weekends?”

   “Oo! Oo! Lab work ko ‘to!” pagmamadaling tugon ni Maki.

  Natabunan ng katahimikan ang dalawa ng marating nila ang waiting shed para maghintay ng sasakyan. Magkaiba sila ng uuwian ni Kid, alam niya ito at dahil nagpapaka-gentleman siya ay hihintayin niyang makasakay muna si Maki bago ito umuwi.

  “Nakakapanghula ka raw?” binasag ni Kid ang tahimik na waiting shed.

   Pinagpawisan ng malamig si Maki. Pinilit niyang maging cool ang sagot “Sa tingin mo?”

   “Gusto ko sa tingin mo, sa tingin mo may future tayo?” killer strike ni Maki habang itinaas ang braso nito sa post ng shed. Huli ka ngayon, sabi pheromone daw ng mga lalaki ang pawis nito sa kili-kili. Siempre hindi yung mabahong pawis.

   “Ewan” sabay layo ng nahihiyang mukha ni Maki, “ikaw ang makapagsasabi”.

   Sabay hinto sa harap ng dyip na byaheng Dapitan. Naiwan si Kid na ngingiti-ngiti. Tila naka-iskor. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya sa pawis niyang kili-kili. Nang makalayo na ang dyip, kumindat pa ito at ikinaway ang bolang rattan kay Maki.

   Huminga siya ng malalim ngunit nakangiti. Sinipa nito ang rattan hanngang pantay-noo. Sumagi sa isip niya ang dalawang numero 21-12. Sinipa niya ulit ang bola at sumagi naman ang imahen ng kanyang koponang umiiyak, naririnig niya pa an mga hikbi. Hindi na niya nasipang muli ang bolang rattan at gumulong sa kalsada.

   Sinipa niya ang post ng waiting shed. Umandap-andap ang ilaw.

Definition of terms:

Killer- Isang malakas na sipa sa Sepak

First Ball-Unang receiver

ISTF- International Sepak Takraw Federation

  

  

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon