33: Perfect Timing

134 4 2
                                    

      "Margie, sabihin mo ako ba ang ama ng iyong dinadala?" tanong niya, ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Nanginginig ang mga tuhod ko at gusto ng bumigay, pero kailangan  pa ding maging matatag, para sa'kin at sa magiging anak ko.

        Unti-unti ng lumalabo ang aking paningin dahil sa mga taksil na likido na  kumawala sa'king mga mata. Huminga muna ako ng malalim at lakas loob na tumingin sa kaniya.

        "Hindi sa'yo ito! Dahil hindi lang naman ikaw ang kinakama ko!" sa mga sinabi kong iyun ay tila tinapak-tapakan ko na din ang sarili kong pagkatao.

        Kahit ayokong magsinungaling ay nagawa ko para naman ito sa kaniya. Tama na ang maala-fairytale kong buhay. Hindi pedeng maging kami dahil di naman siya ang prince charming ko at kahit kailan di ako magiging prinsesa niya dahil isa lang akong langaw na pilit nagpapakataas ng lipad sa tulong niya.

        Wala akong maipagmamalaki sa kaniya at sa pamilya niya, dahil isa akong PUTA.

        "Margie, alam kong ako ang nakauna sa'yo, naramdaman ko 'yun." kinapitan niya ang mga braso ko at kitang-kita sa mga mata niya ang pag-susumamo.

        "Na una ka lang pero di ibig sabihin ikaw na ang ama.... Joey, please layuan mo na'ko. I'm sorry I can't be your dream girl that will walk in the center aisle and wearing beautiful white gown while you are waiting and wearing your own suit. I'm not that girl who can fulfill your dream wedding." Pagkasaad n'un ay inalis ko ang pagkakahawak ng mainit niyang palad sa mga braso ko at tumakbo na palayo sa kaniya.

      

  Alam ko sinusundan niya ako, agad akong pumara ng taxi, sumakay at umalis.

      I'm sorry Joey, maniwala ka..  Ikaw lang ang pinayagan kong maka-angkin sa akin, pero di pedeng maging tayo dahil sa ayaw man natin at sa gusto ay magkakapamilya ka na din kung saan botong-boto ang pamilya mo!  Humagulgol na lang ako, wala akong pake-alam kung ano sasabihin ng driver basta't ang alam ko ANG SAKIT-SAKIT.

  "Miss heto, panyo!" alok sa'kin n'ung driver. Di na ako nag dalawang-isip na kunin.

   "Niloko ka ba niya? Sinaktan?" tanong niya habang nagd-drive.

  "Hindi... Ako ang nanloko't nanakit sa kaniya." alam ko nagulat siya sa mga sinabi ko. Nagkatinginan pa kami sa salamin ng silipin ko siya.

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon