45: Tadhana

139 4 2
                                    


Maganda naman ang profile picture ko, graduate naman ako ng college at may magandang trabaho. Pero bakit single padin ako?

"May mga taong nakalaan sa atin. Kusang dumadating ito sa tamang panahon. Hindi ito hinahanap. Kusa itong dumadating." sabi ni Leona.

"Tigilan mo ako." sagot ko.

"Maniwala ka sa akin."

"Eh bat ka single?"

"Hindi pa kasi oras."

"Eh bakit may mga matatandang dalaga't binata?"

"Malay mo, yung soulmate pala nila mga nagsi-madre at pare na."

"Edi hindi tadhana yun."

"Oo na, sige na, panalo ka na. Basta alam ko dadating ang soulmate ko. At ikaw sis, pagtatampuhan ka ng tadhana."

"Magtrabaho na nga lang tayo. Kung hindi maganda ang lovelife ko, sana maging maayos ang career ko."

Binuhos ko ang oras sa career. Ok na naman ang kinalabasan. Sunod sunod ang promotion sa trabaho at tila isang igplap, 29 na pala ako.

Isipin mo 8 years ang lumipas pero hindi dumating ang sinasabi ni Sam na tadhana. Buti pa siya masaya at may anak na.

Iniwan na ba ako ng panahon? Nagintay naman ako pero hindi padin dumating ang tadhanang sinasabi ni Leona. It's time to find him.

Nag sign-up ako sa isang speed dating. Malay mo hinahanap din niya ako. Kulang lang talaga ako sa gawa. Paano ba naman magkakalove life ang isang tulad ko na maghapon at magdamag na nasa work. It's time to shine.

"Hi I'm Dianne." sabi ko unang naka-date ko. Meron lang kami 5 minutes para magkakilala.

Sakto ang itsura ni Sir. Naka-polo, nakapants na sakto lang at nakatupi ang laylayan. Tapos naka-black shoes. Hulaan ko, si John Llyod ang idol nito.

"Hey, me neym is Jun." sagot nya.

"Jun, as in junior?" tanong ko.

"Hendi, Jun. Yun sa mobi ni Nikolas Spa-ark, Dir Jun."

Next.

"Hi I'm Dianne."

Ok din ang itsura ng sumunod. Sadyang lahat ba ng lalaki, ang idol ay si John Llyod o baka naman si Jun Luyd nanaman ang idol nito.

"Hi I'm Nick." sagot nya sabay kagat sa labi at side view.

Tingin ko, pinapakita lang nya ang tangos ng ilong nya. Pero ok naman. Medyo balbas sarado siya, dirty look na mabango.

"Hii. How are you?"

"I'm doing good." sagot ni Nick. "So what's your hobby?"

"Amm. Ha-ha. Ha-ha." shet hindi ako ready sa mga tanong. Nakakapresure. Sayang tong Nick na ito kung papalampasin ko pa.

"Hobby? Shopping."

"Does shopping is now considered a hobby, huh?"

"Yup."

"Sooo?" Habang pag pout nya ng lips. Mukang nagiisip ng next question. Dapat siguro ako naman.

"How about you, what's your hobby?"

"Surfing. I love floating with the waves."

"Nice."

Naubos ang oras namin ng sa pagbabalikan ng tanong. Walang common. Naubos ang 5 minutes pero wala naman chemistry.

Next.

"Hi, I'm Dianne." Isa nanaman pogi ang nasa harapan ko. Talaga bang madami ng pogi sa Pilipinas o sadyang swerte lang ako.

"Hi, I'm Blake. I'm going to tell you straight. I have a condo, a block away from here. Maybe we could hang out or make out. What do you think? Sounds like a good plan?"

Next.

"Hi, I'm Dianne." sabi ko.

Binati niya ako gamit ng pag tungo.

"What's your name?" tanong ko.

"Amm. Jake nga pala."

Tinago ulit nya ang ulo nya. Sakto lang naman ang itsura nya. kung irarate ko siya, na ang scoring ay lowest 1 and highest 10. Siguro 7. Not bad na.

"Any hobby?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at sinabing "Wala naman." tumingin nanaman sya sa baba.

"Anong work mo?"

"Wala din." sagot niya.

Anong bang tao ito. Parang male version ko ito. Wala din nangyari pagkalipas ng 5 minutes. Nakarinig lang ako ng sandamukal na "Wala."

Next.

"Hi, I'm Jerome. Whats yours?"

"Dian--" Mabilis nya akong pinutol

"Nice. Anong work mo?" tanong nya. Naging double time ang pagsasalita nya. Sinusulit niya ang 5 minutes.

"Manager sa isang..."

"Nice. So paano ka napunta dito?"

"Amm."

"Ok, next is, any hobbies?"

Pinaghandaan ko na ito. Nag isip na ako ng maayos na sagot. "I love to read books." yes nakatapos din ako ng isang sentence.

"Really? Di ba boring yun?"

"Siguro, depende yun sa nagbabasa."

"Nice. How about…"

Dominant siya sa usapan namin. Napaka daldal nya. Dapat nag-bibigayan kami ng oras para makapag salita ang isa't isa.

Next.

"Mark nga pala." sabi nya sabay abot ng kamay.

Inabot ko naman at bigla niya itong hinalikan. Hopeless romantic ang datingan.

"Dianne."

"I know, napaginipan ko na lahat ito."

"Talaga? Déjà vu?"

"Oo mahal na nga kita."

"Ano?"

"Sorry, I mean, ok ka."

"May sinabi ka eh."

"Alin yung mahal kita? Ay hinde. Sabi ko ok tayo."

Nagkatitigan ulit kami, inaantay ko lang siya mag salita.

"So san ka nakatira?"

"Dyan lang, malapit lang" sagot ko.

"Pero san nga?"

"..."

(Ding ding ding.) "Time na. Palitan na."

"Wait lang miss. Ikaw na ata talaga ang tadhana ko. Pakasal na tayo. Kahit saan simbahan pa."

Ganito ba ako kamalas sa pagibig. Kahit isa, hindi lang man nakakilala ng kahit almost love affair. Choosy lang ba ako o sadyang walang taong nakalaan para sa akin.

Kung wala talaga akong swerte sa pagibig. Pupunta nalang ako sa kung saan, alam kong swerte at magaling ako.

Dahil sabado ay walang tao sa opisina. Wala naman akong trabaho pero gusto ko pumunta dito. Wala naman akong pupuntahan na iba.

Nakatunganga lang ako sa kawalan habang natingin sa blankong monitor ko, ng biglang may tumawag sa telepono.

"Hello?" sagot ko.

"Ma'am, ako po yung guard na naka-duty. Nakita ko kasing pumasok kayo. Eh may delivery daw para sa inyo kailangan ireceive."

"Ok, sige bababa na ako dyan."

Nag ayos ako. Naging komportable na ako sa opisina. Mas matagal pa ako dito kesa sa sarile kong bahay.

Pag dating ko sa baba ay nilapitan ko ang guard.

"Nasaan na Kuya Guard?"

"Yun po Ma'am." sabay turo ni Kuya Guard sa likod ko.

Pag lingon ko. Doon ko lang nasabi sa sarile ko. Dumating na sya.

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon