28: My Queen

235 4 2
                                    

“Will you be my king?” Bigla akong napalingon mula sa pinagmulan ng tinig at napatigil sa ere ang kamay ko na may hawak na queen.

Is she talking to me, o itong kalaban ko na si Joseph ang tinatanong n’ya?

“Van, will you be my king.” Ulit pa niya habang hindi maipinta ang ngiti sa kanyang mga labi.

Ang lakas pala nang trip ng babae na 'to. As my response to her question ay ibinato ko sa kanya 'yong queen na hawak ko sabay tayo mula sa pwesto ko at naglakad palayo sa kanila.

“Nice Nica. That’s what you call the moves, grabe idol na kita,” naulin-lingan kong wika ni Joseph.

Nang makapasok na ako ng room akala ko lulubayan na ako ng mga taong walang magawa sa buhay.

“Hi Van, ang galing mo kanina sa laban n’yo ni Joseph hindi ka lang basta nanalo sa laro n’yo maging sa puso ko ikaw na rin ang panalo.” Maarteng wika ni Sarah habang pinapupungay pa ang malaki naman niyang mata.

“Wow lang as in wow. Ikaw na Van, baka ikalaki ng ulo mo 'yan.”

Sino pa nga ba ang taong walang ibang ginawa kung 'di ang kontrahin at soplahin ako. Isang tao lang naman ang kilala kong cold makitungo sa akin.

“Nahiya naman ako sa’yo ale, palibhasa walang pumupuri sa’yo.” Sarkastikong wika ko sa kanya.

“As if may paki-alam ako, grabe kanina ang init-init sa room ngayon naman sobrang lamig. May bagyo ba?” At isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganitong makitungo ang babae na 'to sa 'kin sa kabila nang paggiging nice ko sa kanya.

“Alam n’yo kung nananahimik kayong dalawa para kayong mga aso’t pusa laging nagbabangayan. Hindi ba kayo napapagod sa ginagawa ninyo?” Kunot noong tanong sa amin ni Juls.

Kung ako ang tatanungin I am sick tired of having an arguments with her, kaso parang nasanay na rin ako sa ganoong set up naming dalawa.

“Hindi!” Halos magkapanabayan naming tugon dahilan upang mapatingin kami sa isa’t isa. One, two or three seconds of eye contact ako na rin mismo ang bumawi dahil sa parang biglang may kung anong pwersa akong naramdaman.

“Alam n’yo kayong dalawa parang Pasific Ocean.” Maya maya ay hirit pa rin ni Juls mukhang wala ata s’yang balak na tantanan kaming dalawa ni Trisha.

Kapag ganitong mga sitwasyon isa lang ang hiling ko, sana mag-bell na, bakit kasi ang tagal matapos ng vacant namin.

“Pacific Ocean?” Kunot noong tanong ni Trisha.

“May namumuo kasing sama ng panahon. Pwede rin namang may namumuong kakaibang damdamin. Ayiiee!!”

Sa inis ko tinalikuran ko silang dalawa at muling lumabas ng aming silid. Naiinis nga ba ako o gusto kong tumakas upang maka-iwas sa tuksong maaaring maging dahilan upang maihayag ko ang matagal ko nang itinatagong damdamin para kay Trisha. Since the day na makilala ko s’ya ay may kung anong kakaibang damdamin na ang nabuhay sa puso ko. I admit matagal ko nang gusto si Trish, at mahal ko na ata s’ya. To the point na ang tanging choice ko na minsan upang hindi ito mahalata ay ang kontrahin s’ya.

Isang araw habang naglalaro uli kami ng chess ni Joseph sa may student’s park ay napadaan sa gawi namin sila Trisha at dahil sa huminto ang mga kasama n’ya sa tapat namin upang maki-usyoso wala na siyang nagawa kung 'di ang sumunod sa mga ito, bakas ko sa mga mata n’ya ang pinaghalong pagkailang at inis. Naiilang ba s’ya dahil kay Joseph at naiinis ba s’ya dahil sa akin.

“Check mate.” Nakangising wika ko kay Joseph.

“Wow, ang galing mo talagang maglaro Van kaya nga mahal na kita.”

“Wala ka pa ring kakupas-kupas Van.”

“'Yon lang magaling na agad.” Narinig kong bulong ni Trisha na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

“Nagsalita ang magaling.” Wika ko habang ang atensyon ko ay nasa chess board.

“Magaling talaga ako.”

“Then let me see. Kung talagang magaling ka bakit hindi tayo ang maglaban.” Paghahamon ko sa kanya.

“H’wag na baka umiyak ka lang.”

“Baka naman natatakot ka lang matalo Trisha.” Kilala ko si Trisha isa sa pinaka ayaw n’ya ay ang minamaliit s’ya at sigurado akong hindi s’ya aatras para mapatunayan ang sarili n’ya.

“Natatakot pala. Tabi d’yan Seph.”

“Paano ba 'yan mukhang nararamdaman kong malapit ka nang lumuha.” She said.

“H’wag pakasiguro. Still may king pa rin ako at horse.”

“But remember mas powerful pa rin ang queen among the others. And look tatlo na lamang ang mayroon ka sa board and sad to say you don’t have a queen.”

“Hahahaha nakalimutan mo na ba Trisha na hanggat may King hindi pa rin tapos ang laban.” Naniningkit kong wika.

“Pero kahit saang parte tingnan sa huli ikaw pa rin ang matatalo.”

“Nakalimutan mo na ata na a king can reign the throne even he didn’t have a queen at his side.”

“But without a queen, it’s really hard for the king to win a battle or even a fight.”

“Well, Trish will you be my queen?” Mahina kong bulong sa kanya.

At bilang tugon pinukol n’ya ako ng queen sabay tayo sa kanyang upuan at bago siya umalis.

“I don’t want to be your queen. All I wanted is to be your girl.”

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon