47: The Other Side of Tadhana

208 5 2
                                    


        Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ko nang makita ko kung sino ang nag-aabang sa akin sa altar este dulo ng silid - walang iba kung hindi ang kaisa-isang lalaking minamahal ko. Lalo kong binagalan ang paglakad at ninamnam ang bawat sandali. Nanginginig ako sa hindi ko malamang dahilan. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng kinakasal? Kahit peke? Sa wakas ay nakarating na ako sa dulo. Hindi niya ako nginitian, pero kinuha niya ang kamay ko.

        Umupo na lang kami sa  upuan 'kuno'  at nagsimula na ang kunwaring seremonyas. Oo lang siya ng oo at halatang pilit lang. Isinuot niya ang tig-pipisong sing-sing na galing sa school at gano'n 'din ako. Nang natapos ay hinalikan niya lang ako sa pisngi, dahil 'yun ang sabi ng mga kaibigan ko. Halatang napilitan. Pero nando'n pa 'din ang kuryente, nando'n pa 'din ang spark.

        Natapos ang kasal-kasalan namin at umalis na siya. Lahat ng mga kaibigan ko ay halos mangisay sa kilig. Kung kanina ay masaya ako, ngayon hindi niya. Pinatunayan niya lang na wala siyang paki-alam sa akin, nakakalungkot lang.

        Lumipas ang ilang taon at naka-graduate na kami ng hayskul. Gano'n pa 'din siya, malamig at walang paki-alam sa akin. Pareho pa 'din kami ng paaralang pinasukan noong College, nagkaroon siya ng napaka-daming girlfriends at hindi ako isa doon.

        Naka-graduate na kami ng College, pagka-tapos ay natanggap ako bilang isang Writer sa isang publishing company, siya naman ay Illustrator. Hindi namin maiwasan ang pagkikita. Tila ba itinakda na kaming dalawa. Tila ba iniukit ang aming palad na magtagpo. Tila ba itinadhana.

        Pagkatapos ng ilang buwang pag-pasok, biglang nawala sa trabaho si Theo. Nagsimula akong mag-alala. Pagkatapos ng tatlong linggo ay pumasok siya muli, hindi para magpatuloy sa trabaho kundi para mag-resign.

        Nainis ako sobra kahit hindi naman dapat. Naasar ako dahil hindi siya nag-paalam kahit hindi dapat. Nagagalit ako dahil pinag-alala niya ako kahit hindi naman dapat.

         "Theo, ano bang problema mo, ha? Aalis ka na lang bigla? Ano ka bula, lalabas kung gusto, mamawala na lang bigla?! Hindi pa ba sapat ang halos labing-limang taon kong sakripisyo para mapansin mo? Hanggang ngayon ba wala pa 'din akong halaga sa'yo? Sumagot ka!" sigaw ko nang iwanan kami ng Manager. Hindi ko alintana ang biglaan niyang pag-payat.

        "Sa mga susunod na araw, maiintindihan mo kung bakit ko ginawa ang mga iyon, Shai." sabi niya at umalis. Hindi ko man siya naintindihan ay umalis na 'din ako. Ayoko na, suko na 'ko, tama na ang labing-limang taon, tama na.

        Natapos ang dalawang taon na wala akong koneksyon kay Theo, nakapagtataka lang at hindi ko man lang siya hinanap. Siguro nga lahat ng bagay may katapusan, wala nga talagang forever. People change, feelings change, nothing last forever, ika nga.

        Ngayon ay nandito ako sa Highschool Reunion namin sa Manila Hotel. Parang napaka-Nostalgic lang sa pakiramdam, feeling ko bumalik ako sa Foundation Week namin noon. Gano'n kasi ang tema ng party, tapos nakasuot kami ng old school uniform namin. 

        Isa lang naman ang ikinakakot ko sa party na 'to, ang pagdating ni Theo.

        "Shailene!" narinig kong sigaw ng kaibigan kong sila Tris at Hazel.

        "Mga buang!" biro ko nang mapalapit sa kanila.

        Umupo kami sa isang upuan ang nagkwentuhan tungkol sa mga buhay namin. Kasal na silang dalawa, pero heto ako hanggang ngayon, single pa at kaka-move on lang sa puppy love ko. Mabilis na lumipas ang oras at nagsimula na ang kasalang bayan este Marriage Booth. Kagaya noon ay ikinasal ang mga kaklase kong may crush sa isa't isa at mga one-sided. 

          Noong ako na at si Theo, sumimangot na lang ako at sinabing, "Wala ang groom ko,"

       "Sinong wala?" sabi nito. Hinawakan niya lang ako.

        Kung noong hayskul ay labis na kasiyahan ang aking nadarama, nagyon ay sobrang akwardness na. Sinuot niya ang sing-sing at ngumiti sa akin, ginaya ko na lang siya. Hinalikan niya rin ako sa pisngi at doon ako nakaramdam ang kakaibang kuryente at spark na bumalot sa akin noong haysul ako. Nando'n sila Bea at Tris na tumitili sa gilid. Parang deja vu, dahil umalis 'din siya pagkatapos.

        Isang buwan, isang buwan na wala na namang balita kay Theo. Siya na paasa! Nakaka-inis! Habang sinasabunutan ko ang sarili ko sa sala  ng bahay ay biglang na-ring ang bell. Lumabas ako at kinuha ang package.

         Dahil sa kuryosidad, binuksan ko ito agad pag-pasok ko.

        Isang hardbound na libro ko. Ang libro kong isinulat pa sa kanya, The Other Side of Tadhana. Siya pa nga ang nag-illustrate. O? Kailan pa nagkaroon nito? Baka gawa ng fan ko. Inusisa ko ito pag-upo ko sa sofa namin sa sala. Teka? Bakit may pirma ko? Binuklat ko pa at nakita ng buo ang unang kabanata. 

        Chapter One: Marriage Booth

        Theo's Point of View

        Ang alam ko ay puro POV lang 'yun ni Shailene - ko. Tapos ganito? Binasa ko siya. Ang galing naman ng fanfic na 'to, sana nga totoo na lang na ganito si ang Theo ng buhay ko. Ang Theo dito ay Torpe lang at mahiyain, walang lakas ng loob at...halos madurog ang puso nang matapos ko siya, namatay si Theo. Namatay nang hindi nakakapag-sabi ng nararamdaman kay Shailene. Literal akong umiyak dahil sa galing ng nagsulat. Sa dulo ay may mga Polaroid-like drawings ng mga pangyayari sa buhay ko - namin. At may note na...

        Shai,

        Pasensya kung pangit ang storya na nagawa ko, hindi kasi ako kasing galing mo. Ayan nabasa mo na ang mga saloobin ko sa lahat-lahat. Sana naiintindihan mo 'ko, Shai. Mahal na mahal kita, maniwala ka. Nasira ko ba ang storya mo? Pasensya na ulit, pero 'yan ang POV ko. Tanda ko pa nag ang quote mong; 'Some people are meant to love each other, but not to be together.' 'Yan nga ata tayo Shai...

        Theo.

        Hindi maari, hindi pwede. Bakit ka ba ganyan Theo? Ito ba ang kabilang banda ng tadhana? Ang una ay magkatulayan? At ang isa ay magkalayo ng tuluyan? Ang sakit naman ng tadhana ko.

    

The AuditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon