Matagal ko na syang kinalimutan, binura sa aking isipan at inalis sa aking puso. Nakakatuwa lang isipin na makalipas ang limang taon heto ako sa harap ng bahay nya magpapakita at sasabihing "Our son needs you." maniniwala kaya sya? matatawa? o magdadalawang isip?. Hindi pa rin mawala yung takot at pangamba sa maaring mangyari pagsinabi ko 'to kay Dhrake. Yung panginginig ng aking kamay at panghihina ng aking mga tuhod ay damang-dama ko na. Gagawin ko 'to para sa munti kong angel na si Andrei. Lumakas ang ihip ng hangin na may kasamang kulog at kidlat nagbabadya na talaga ang malakas na ulan. Hinga lang ng malalim at isipin yung hiling nya yan ang paulit-ulit kong iniisip. Nang makaipon na ako ng lakas ng loob para pindutin yung doorbell ay lumabas si Dhrake.
"Ana?" parang sinabuyan sya ng malamig na tubig nang makita nya ang pagmumukha ko. Hindi pa rin sya nagbago yung pagkagulat nya'y ganoon na ganoon rin nang sinabi ko sa kanya na buntis ako na hindi nya pinaniwalaan. Does Dhrake needs to know about our son Andrei? o hindi parin sya maniniwala kagaya ng dati?
Matagal kong pinagmasdan yung mukha nya hanggang sa masabi ko yung "Dhrake, our son needs you." at agad akong napayuko.
Bumalik yung mga masasakit na alaala at ang ginawa nyang pang-iiwan sa akin. Yung araw na hindi sya naniwala na kami'y magkakaroon ng supling at sa halip ay iniwan nya akong mag-isa. Gusto ko syang sampalin, murahin at tanungin kong minahal nya ba ako ng totoo. Pero ang pagiging ina ang nananaig sa puso ko. Stage four na yung brain cancer ni Andrei at hindi ko alam kung kailan sya kukunin sa akin... sa amin. Kahit magpakita sya sa bata ng isang oras, minuto o iilang segundo ay ayos na sa akin. Unti-unting dinudurog yung puso at kaluluwa ko sa mga nangyayari.
Napatigil lang ako sa kakaisip at kakaiyak nang naramdaman ko yung mahigpit nyang yakap. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? Ana I really miss you." kasabay nang pagiyak ng puso ko'y bumuhos ang malakas na ulan. "Patawad kung iniwan kita." sabay halik nya sa noo ko. "Nasaan si Andrei ang ating anak?" totoo ba ang naririnig ko? o sadyang nananaginip lang ako? Hinahanap nya si Andrei?!
Kahit basang-basa kami ng ulan ay agad kaming nagtungo sa ospital gamit ang aking sasakyan. Panaginip ba 'to o sadyang biyaya ng kalangitan? Tahimik lang si Dhrake hanggang sa nakapunta na kami sa ospital. Pagkababa namin sa kotse "Anong room ba ang naka-assigned kay Andrei?" atat na tanong nya. Yung galit na kinikimkim ko sa loob ng limang taon ay unti-unting nawawala. Ang mga tinik ng pagkasuklam at inis ay ramdam kong isa-isang umaalis.
"Room 205." pagkatapos ko yung sabihin ay agad nya akong hinila papunta sa silid ni Andrei.
Habang tumatakbo kaming magkahawak kamay papunta sa silid ng aming anak ay nagulat ako sa sinabi ni Dhrake. "Matagal ko kayong hinanap kahit sa Italy ay pumunta ako doon." napatigil kami sa harap ng silid ni Andrei.