10 AM
“Bakit ba parang mas importante pa yang trabaho mo kesa sakin? Oo, naiintindihan kong may obligasyon ka sa Exo pero sa kanila ka lang ba may obligasyon? Sakin din naman na girlfriend mo, meron diba? Noon, kaya ko pa pero habang tumatagal mas nare-realize kong hindi ko pala kaya. Kung ganyan mo talaga kamahal yang trabaho mo, pwes, magsama kayo. Wala ka ng obligasyon sakin dahil break na tayo.”
Paulit-ulit nagpe-play sa utak ko yung mga salitang huli kong sinabi kay Kris. Hindi ko naman talaga gustong sabihin ang mga yon pero napangunahan na ako ng galit at pagkainis. Napakatanga ko ba para makipag-break sa kanya? Napaka-babaw ko ba para hiwalayan siya dahil lang sa trabaho niya?
“NICOLEEEE! Hanggang kailan ka ba magmumukmok at magkukulong dyan sa kwarto mo? Tapos na ang holy week, Anak. Pasko na bukas, baka gusto mong ayusin yang buhay mo kaysa magdrama dyan! Jusko, pag hindi ka pa bumaba rito, itatapon ko lahat ng---”
Napaka-bait talaga ng nanay ko no? Ang galing niyang mag-comfort.
“Opo, Ma! Pababa na po, wait lang. Chill ka lang dyan, Ma!” Sigaw ko bago ako bumangon.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin tapos nabasag yung salamin. Pero seryoso, ang panget ko na. I mean, mas lalo pala akong pumanget.
Buti napagtyagaan ni Kris tong pagmumukha ko, Ghad! Ang panget ko talaga compare dun sa ka-kissing scene niya sa movie nila. Kahit ilang months na kaming break, ini-stalk ko parin siya.
He’s my first love. Kinonvert niya ako mula sa pagiging boyish papunta sa girly-girly type.
Haay. I miss him. I miss my boyfriend.
11 PM
Dumating na sa bahay yung iba kong relatives. Nagku-kwentuhan na yung iba, tas yung iba kumakain. Ako naman, nandito ako sa terrace namin.
Ang lamig. Ang lamig pala ng pasko pag wala yung taong mahal mo.
Nagpapatugtog na sila ng mga Christmas songs sa loob. Teka, last Christmas?